Chapter 8

1.2K 57 3
                                    

*ASTRED*
Nandito ako sa labas ng bahay habang nakatingin sa malawak na bayan at matataas na gusali. At dahil mataas ang kinatatayuan ng bahay na ito kaya kahit mataas ang pader ay nakikita ko ang bayan. Hindi lahat kasi naman sobrang lawak ng kaharian nila.

'anong plano mo?'

'hindi ko alam'

'kahit anong plano mo, hayaan mong tulungan kita, magkaibigan tayo hindi ba? Hahahaha!'

Napairap nalang ako dahil sa sinabi niya. Magkaibigan daw kami. Hay naku. Nung nag-usap kami kahapon ni Lexus, sinabi niya sa'kin na may isang paraan, at yun ay kung papasok ako sa Academy para matutunan ang mahika at makahanap ng paraan para makabalik ako sa mundo namin.

Jusko po! Matagal na akong graduate tapos papasok ako sa school? I'm 24 years old for goodness sake. Jusmiyo!

"Red, nakapag-desisyon kana ba?" lumapit siya sa'kin at tumabi.

"hindi pa po"

"kung ganun, kailangan mong magsanay habang nandito ka sa bahay ko" napalingon ako sa kanya.

"para saan po?"

"mundo ito ng mahika iha, lahat ng tao dito ay may taglay na kapangyarihan. Mapa-buti man o masama, nandito lahat, at pag may nakaalam na galing ka sa ibang mundo, siguradong hindi kana makakabalik pa at dito kana mamamatay?"  Mamamatay ako?

"isa lang akong tao, paano ako magkakaroon ng kapangyarihan?" ay tungeks! Pinahiram nga pala sa'kin ni Dromir ang kapangyarihan niya eh. Pero iba pa din yung may sarili akong kapangyarihan.

"i will help you" wow.

Siguro nga kailangan ko ng simulan.

"mabuti pa samahan mo nalang si Zali na pumunta sa bayan para naman makita mo ang lugar at maging pamilyar ka"

"ate, sasamahan mo ako?" lumuhod ako para pantayan ka.

"oo, para makagala din ako"

"pero kailangan mag-ingat ka sa kinikilos mo" tumango nalang ako sa sinabi niya.

-

*GATEKEEPER*
"may nakapasok sa portal" bungad ng light fairy.

"oo meron nga" sagot ko sa kanya.

"anong gagawin mo?" tanong niya habang nakaupo sa isang puno

"hayaan natin ang batang yun"

"sigurado ka? Kasi may tendency na mapahamak siya, kilala mo ang mundo natin. This world is cruel"

"ano sa tingin mo ang mangyayare?" tanong ko sa kanya.

"i heard may nakapasok sa portal" bungad ng isang babae.

"oh please, bakit nandito ka?" napailing nalang ako sa dalawang to. Ayan na naman.

"uh, as if na gusto kitang makita, duh! I just heard the news kaya nagpunta ako dito" hay naku. Nagsimula na naman sila.

"ayan na naman kayo"

"tsk! Ano nga pala ang tungkol sa trespasser?" tanong ng light fairy.

"mukhang mahihirapan siya sa bagong mundong ginagalawan niya" sagot ng isa habang nakasandal sa puno.

"tama yun, kaya dapat matuto siyang mamuhay ng tulad sa'tin habang nandito siya?" sagot ng light fairy at lumipad ng paikot ikot.

They're right, it's a must.

-

*ASTRED*
Pumasok kami ng bayan dala ang isang pass. Kailangan daw meron ganun pag papasok o lalabas ng Capital. Jusko po!

"tara ate, mamimili tayo ng pagkain para mamaya" napangiti nalang ako ng hawakan nito ang kamay ko bago iginaya sa pamilihan.

"ayun!" sigaw niya at tumakbo palapit sa isang tindahan, habang ako, nililibot ang tingin sa paligid. Normal naman sila, walang tenga, o pakpak o kung ano pa man. Yung iba ay hawak na wand. Ano yun? Witch? Harry potter? Luh. Yung iba nakasuot ng katulad sa'kin na may mga nakasakbit na sandata, may kapa din, yung iba naman ay makukulay na dress. Base sa pananamit nila ay nagmula sila sa mayamang pamilya. Parang sa mortal world lang, ganun din ang pananamit. Ang pinagkaiba lang ay walang matataas na company buildings. Meron naman mataas, yung bahay na mukhang apartment, yung bell tower, palasyo at pader.

Meron ibat-ibang tindahan parang sa mortal, may restaurant at kung ano-ano pa.

"ate, tara na" nagulat nalang ako ng sumulpot sa harap ko si Zali at iginaya ako sa tindahan ng gulay. Parang normal lang eh, ganun din sa amin.

"magkano po?" tanong ni Zali habang inaayos ang pinili niyang gulay. Kumuha ng pera si Zali bago ibigay sa matandang babae.

"ito po, salamat" binigay niya ng bayad at ako na ang naglagay ng gulay sa basket na dala ko.

"saan na tayo susunod?" tanong ko habang hawak niya ang kamay ko. Nakahood ako kasi parang kakaiba ng kulay ng buhok ko kumpara sa iba. Mostly itim at brown lang ang kulay ng buhok nila, yung iba may blonde pero sa may magagarang kasuotan lang.

"sa karne tayo ate" kaya lumapit kami sa nagtitinda ng karne.

"ito nalang" kuha niya sa karne.

Kumuha si Zali ng pera at iniabot sa nagtitinda. Inilagay ko ang karne para makauwi na kami.

"kahanga-hanga ang angkin nilang kakisigan"

"oo nga"

Madaming bulong bulungan ang naririnig ko kaya nilinga ko kung sino ba ang pinag uusapan nila. Two men walking, bored expressions are written on their faces.

"why so handsome!"

Kinikilig na sabi nila sa dalawang lalaking naglalakad. Matipuno ang katawan nila. Nakasuot sila ng uniform.

"oh! He is so handsome!" gwapo nga mukha namang babaero yung isang lalaking kung makangiti abot sa tenga.

Luminga linga sila sa paligid na parang nag iinspeksyon bago nagtuloy tuloy ng lakad. Rinig ko pa ang tili ng ilang kababaihan. Hay naku po.

"tara na?" tumango naman si Zali kaya napagpasyahan namin na umalis na at umuwi. Malayo ang bahay ko, sa kabilang mundo pa. Hay naku!

"sino nga pala yung pinagkakaguluhan kanina?" mukha kasi silang famous.

"estudyante sila ng Elemental Academy" ano daw? Mental Academy? Bwahahahah! Langhiya! May mental pala dito hahaha! Joke lang.

"nanggaling sila sa mayamang pamilya, at kasama din sila sa mga nangangalaga sa bayan. Umiikot sila para mag inspeksyon kung may mga nagnanakaw ba o nagbebenta ng ipinagbabawal na bagay" ah, ayos din naman pala eh. Pero diba dapat mga kawal ang gumagawa nun? Bakit estudyante?

"ahh okay" wala na akong masabi dahil hindi ko pa naman alam ang buong detalye. Nakakatamad malaman.

Nilapag ko na agad ang basket bago tinanggal ang balabal nang makauwi kami.

Hay naku, nakakapagod pala mag-ikot.

A/N:
Don't forget to vote, comment and of course, follow me at my account.

Thank you in advance!

Journey: To Another World Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu