Chapter 101

190 9 1
                                    

*LEXUS*
"master, masyadong malakas ang dragon na yun, matatagalan bago siya mailabas. Anong gagawin na'tin"

Mas malakas si Dromir kaysa kay Blaze. Hindi magiging madali ang mailabas siya.

"no need, wag niyo na siyang ilabas pa" sa tingin ko, tama lang na hindi na ituloy ang pagsanib ng katawan nila.

"huh? Pero, paano si Red? Gusto niyang mailabas si Dromir" nakatingin lang ako sa katawan ni Dromir.

"hindi na. Mas makakatulong siya kung nasa loob siya ni Red. Mas mabuti na yun" tumalikod na ako at lumabas. Huminto ako at napatingin sa palasyo.

"master! May masamang balita!" nilingon ko si Zali dahil sa sinabi niya.

"ano yun?" anong masamang balita.

"ang hari, pinapahanap niya ang libro" napahinto ko sa sinabi niya at nilingon ang palasyo.

Pinapahanap niya ang libro? Did he already know?

-

*KING ARSENO*  -Loran Kingdom-
"anong ibig mong sabihin?" Pinahanap ko siya dahil siya ang may hawak sa libro.

Marami nang kaguluhan na nangyayari sa labas ng palasyo sa malayong bayan. Nawawala ang dragon at may sumusugod na dark user.

"ilang buwan na din simula nang may kumuhang bata sa librong yun kamahalan" malakas kong hinampas ang lamesa na ikinagulat ng mga bantay.

"sino ang kumuha? Kilala mo ba? Nabasa ba niya?" hindi ko mapigilang kabahan sa nalaman ko.

"hindi ko siya namukhaan dahil nakatakip ang kalahati ng mukha niya. Nababasa niya ang libro...babae siya kamahalan" isang babae?

"sa tingin ko nandito lang siya sa kaharian ninyo" naupo ako at napakuyom ng kamao.

Nandito siya. Dumating na ang nakatakda. Mauulit ang nangyare.

Malapit na.

"Kamahalan" nakangiti lang siya habang nakatingin sa'kin.

"alam kong tama ang gagawin mo. Isa kang Hari at alam kong gagawa ka ng paraan nang hindi nakakasakit ng kahit na sino. Ano pa at naging estudyante kita" napabuntong hininga nalang ako.

He is my master. Siya ang nagturo sa'kin na lumaban. Sinabi niya sa'kin ang tungkol sa tadhana ng isang batang papasok sa mundo namin.

"gawin mo ang dapat"

Gagawin ko...para sa ikabubuti ng buong kaharian.

-

*ASTRED*
Nakaupo lang ako sa rooftop. Nilalanghap ang hangin. Iniisip ko ang sinabi nila. Kung si Kaneia nga ang may gawa nun, posibleng inutusan siya ng hari. Kaya niya akong kunin pero bakit hindi niya ginawa? Pinapahirapan ba niya ako?

"here" napalingon ako kay Vince at kinuha ang inaabot niya.

"invitation for anniversary of King and Queen at birthday ni Gran?" birthday niya?

"sumama ka" nakatanaw lang siya sa bayan.

"Vince? Kilala mo ba yung nagdala sa'kin sa Cliff?" Agad siyanh napahinto at nilingon ako.

"yeah, nakalaban ko na siya dati" nabigla pa ako sa sinabi niya at hinarap siya.

"huh? Anong kailangan niya sa'kin?" parang may gusto siyang sabihin pero hindi niya masabi. May tinatago siya.

"dark user siya, so ibig sabihin...alagad siya ni Hades?" humarap siya at hinawakan ang magkabilang balikat ko.

"where did you heard it?" ang weird niya.

"m-may nagsabi lang" hindi ko pwedeng sabihin na si Ariah ang may sabi sa'kin tungkol sa hari na gusto akong kunin.

"Red, listen to me. Don't go anywhere dangerous naiintindihan mo ba? Magsabi ka kung saan ka pupunta. Hindi kita mapoprotektahan kapag nawala ka" bakit parang desperado yata ang boses niya.

"tell me Vince, may tinatago ka sa'kin. Maliban sa nanay ko...ano pang hindi mo sinasabi?" Halata ang pagkabigla niya pero agad na bumalik sa pagkaseryoso.

"just listen to me. Masyadong delikado para sa'yo. Kung nabantayan kita, sana hindi ka napunta sa sitwasyon na'to. I'm sorry Red, kasalanan ko. Maybe i'm hiding something, but i'm only doing this to protect you" bakit ba parang iba siya ngayon?

"Vince?" kinakabahan ako sa mga sinasabi niya. Parang masyadong delikado para sabihin niya yun.

'may paparating'

"huh?" agad akong napatakip ng bibig at halata ang pagtataka sa mukha niya.

"Red?"

'kaibigan!'

Agad akong napalingon sa itaas nang may bumukas.

"shit!" mabilis akong tinago ni Vince sa likod niya.

"how wonderful" nak ng! Siya na naman.

"Kaneia" napangisi lang siya bago tinaas ang tungkod niya. I'm wondering if si Kaneia lang ba ang alagad ni Hades dahil siya lang lagi ang pinapapunta niya para guluhin kami.

"i'm just here to play, bored kasi ako" sa lahat ba naman ng bored, siya tong naglalaro ng delikado. Jusko naman.

"come at me" napaatras ako nang may lumabas na espada sa kamay ni Vince.

"ready ka na bang mawalan ng isa pang mahal sa buhay mo? Tulad ng babaeng yun?" huh? Babae?

"you! Ikaw ang...may gawa nun?!" napahigpit ang hawak niya sa espada at ramdam ko ang galit niya.

"masakit ba? Tama ka! Ako ang pumatay sa mahal mo" napapikit nalang ako dahil sa malakas na hangin na bumalot sa kanya at sinugod si Kaneai.

"Vince!" malakas na pagbagsak ang narinig ko kaya dali-dali akong tumingin sa ibaba. Makapal na usok ang nakita kong bumalot sa ibaba. May mga estudyanteng na nakatingin sa palibot.

Oh no!

-

A/N:
Don't forget to vote, comment and of course, follow me at my account.

Thank you in advance!

Journey: To Another World Where stories live. Discover now