Chapter 19

1K 62 5
                                    

*ASTRED*
Nandito ako sa malaking sanga, nakaupo ako habang hawak ang libro. Iniisip ko kung bakit binigay to sakin nung matanda. Para kasing may ibig sabihin eh. Sinara ko nalang at ginawang unan. Masarap matulog dito ah, hindi ako malalaglag.

"Reflection of light,
Dark lives inside.
Don't let it touch the ground,
For it will suck you dry.
A sleeping monster locked inside,
Lurking in sinister hole.
Beware of dark,
Beware of Black Hole"

Nakapikit ako habang binibigkas ang mga salitang yun. Bakit nga ba tumatak sa isip ko ang mga salitang yun?

"h-how did you know that?" napamulat ako at napalingon kay Light na mababakas ang pagkabigla.

"what do you mean?" lumipad siya at lumapit sa'kin.

"the phrase, w-where did you heard it?" gulat pa rin ang mukha niya. Ano bang meron sa salitang yun.

"i read it" i heard her gasp bago dali daling lumipad palayo. Ang weird niya ah. Anong meron?

Ilang minuto pa ay nakapikit pa rin ako, gusto kong matulog.

"tell them" napabalikwas ako ng bangon at masamang tinitigan si Light na kasama si tanda at Fern.

"anong meron?" maarteng tanong ni Fern habang may hawak na salamin.

"you look pale" puna ni tanda kay Light.

"tell them!" napakunot noo nalang ako sa inasal niya.

"you mean, the Black Hole?" i heard them gasp.

"where did you heard it?" tanong ni tanda. Kinuha ko ang aklat at pinakita sa kanila.

"i read it here" gulat na gulat naman silang napatingin sakin.

"where did you get that book?" gulat na tanong ni Fern.

"sa isang lumang shop, binigay sakin nung matandang creepy ang ngiti" nagkatinginan pa sila sa sinabi ko.

"bakit ba gulat na gulat kayo?" tanong ko at binuklat ang libro.

"oh ayan oh, basahin niyo" nagkatinginan pa sila bago bumaling sa'kin.

"hindi namin mababasa yan"

"ah okay, because the letters are different, i get it"

"that's not what she meant"

"eh ano?" kanina pa ako nagtataka sa kanila.

"because it's blank" eh? Tinignan ko ulit ng bawat pahina.

"ang dami kaya ng nakalagay dito" takang sagot ko sa kanila.

Blank daw?

-

*LEXUS*
"nababasa niya"

"oh my goodness! How can this be?"

Tahimik lang ako dito habang hindi mapakali ang dalawa.

"isa lang ang ibig sabihin nun"

Bubukas ang Black Hole sa pagdating niya.

-

*ASTRED*
"tandaan mo, wala dapat makaalam na galing ka sa ibang mundo" Fern.

"itago mo si Blaze" Light.

"at wag na wag mong ipapaalam kahit kanino o banggitin ang Black Hole sa kahit na sino, maliwanag ba?" napatango nalang ako sa sinabi nilang tatlo. Daig pa nila si dad kung magpaalala.

"pero pag-aaralan din naman nila yun sa academy master" sagot ni Light.

"sige na, mag ayos kana at aalis na tayo"

"ay teka lang, bago ako umalis" tumingin ako sa kanila habang nakataas ang kilay.

"bukod kasi sa pangalan niyo. Wala na akong alam"

"okay, sasabihin namin sayo ahem!" umupo muna ako bago pakinggan ang sasabihin nila.

"i'm Light, isa akong light fairy, nanggagaling ang powers ko sa liwanag ng araw o buwan, kaya kong magpalutang ng kahit na anong bagay o gumamit ng liwanag" ah okay.

"i'm Fern, a forest guardian, taga pangalaga ng kagubatan, i'm a poisonous flower, my tears, blood are acid, i can also blow powdered poison" wow! Ang cool, lason pala siya.

"siya naman si master Lexus, former general hunter, he is also, a gatekeeper, tagapagbantay siya ng lagusan. Alam niya kung may pumapasok o lumalabas, naramdaman niya din nung nakapasok ka" napatango nalang ako sa sinabi nila.

"what about you?"

"i'm Astred de Ville, a yakuza princess, i am a model, singer and a mortal"

"ay wow, sikat ka siguro" yes i am, super famous.

"papasok kana simula bukas" napalingon ako kay tanda. Urgh, papasok na naman.

"ano pa nga ba" sagot ko nalang.

Pagkatapos mag ayos ay umalis na kami ng gubat, suplada pa din yung dalawa.

"master!" bungad ni Zali sa'min.

"ate na-miss kita!" napangiti nalang ako ng yakapin niya ako.

"na-miss din kita Zali"

"get some rest, you will enter the academy tomorrow" tumango nalang ako bago pumasok sa kwarto. Humiga ako at pumikit.

Kumusta na kaya sila.

-

*VLAMI*
Nandito kami at nakatanaw lang kay master. Bakas ang lungkot sa kaniyang mata. Isang buwan ng wala si ojou. Nakaka miss na siya.

"sa tingin mo kuya nandun siya?" tanong ko kay kuya sa tabi ko. Malungkot din si kuya kahit malamig siya.

"i don't know" malamig din pati boses niya.

"miss ko na siya"

Kaya siya pinatawag ni master ay para sabihin yung tungkol sa kanyang ina, pero bigla nalang siyang nawala, hindi ko din siya maramdaman. Sa aming dalawa ni kuya, ako ang mas nakakaramdam kung may nangyayare sa kanya, friends kaya kami, tsaka may binigay akong kwintas dun kaya alam ko, pero simula nung nawala siya, hindi ko na siya maramdman pa.

Nanatili akong nakatayo hanggang sa lumapit si kuya kay master. Seryoso lang silang nag uusap. Tumalikod na ako at pumunta nalang sa kwarto ko. I took my scythe at pinunasan nalang.

Hindi pa kami makakaalis dito, ilang buwan kaming mananatili dito bago bumalik sa mundong pinanggalingan namin. Hindi alam ni ojou na hindi kami normal na tao.

Hindi niya din alam na hindi dito nagmula ang kanyang ina.

A/N:
Don't forget to vote, comment and of course, follow me at my account.

Thank you in advance!

Journey: To Another World Where stories live. Discover now