Chapter 45

821 51 0
                                    

*GRANITE*
Nandito pa din ako sa labas hinihintay ko si Red. Kinakabahan ako. Hindi naman siya ganun. Lagi siyang nag papa-alam kapag aalis siya. Pero gabi na wala pa din siya.

"maybe she's at home. Sabi ni Headmaster malapit lang ang bahay niya" sabat ni Kaden.

Nasa kabilang dimensyon ang bahay nila, hindi malapit yun. Hay naku. Hindi ko naman masabi sa kanila ang tungkol dun.

"yeah, maybe nakalimutan niya lang"

Hindi ko sila pinansin at lumabas nalang. Gabi na wala pa siya.

"ano kayang gagawin ko" rinig kong sabi ng kung sino.

"sa tingin mo"

Napangiti nalang ako habang nakatingin sa kanyang kinakausap ang halaman.

"Lazeri" mabilis siyang napalingon bago tumayo.

"Prince"

"no, don't do that" nagbibigay galang kasi siya. Ayoko nun. Wala na nga akong kalayaan kapag nasa palasyo ako, pati ba naman dito.

"anong ginagawa mo?" gabi na nasa labas pa siya.

"u-uhm. Wala lang" she's weird. Kanina pa siya kinakabahan pagdating niya.

"nakita mo ba si Red kanina?" mukhang nagulat pa siya at napaiwas ng tingin.

"y-yeah"

"really? Saan siya nagpunta?" katabi ko siyang nakaupo sa damuhan katapat ng mga halaman niyang siya mismo ang nagtanim.

"s-sabi niya uuwi daw muna siya, b-bukas yata siya babalik" i'm not convinced.

"really?" tumango pa siya pero hindi ako naniniwala.

"Lazeri?" nakatulala siya. Sinundan ko ang tingin niya at agad na napangisi.

"you like him?" mukhang nagulat pa siya at mabilis na lumingon sa'kin.

"no! I don't like Prince Kairo" bulong niya. Napatawa nalang ako sa sagot niya. Si Kairo kasama si Hozu.

"i didn't mention a name Lazeri" halata ang pamumula ng pisngi niya. Maliwanag naman kasi dito sa labas.

"i-i don't like him" napatango ako habang mahinang tumatawa. My god. Obvious na obvious siya.

"oh really?"

"i...i think i'm in-love with him"

"woah!" napatawa ako dahil sa hitsura niya. Para siyang bata. Nakatakip ang mukha niya gamit ang mga palad. Nahihiya ba siya?

"please don't laugh at me" pinigilan kong matawa bago tinapik ang likod niya.

"it's okay, don't get embarassed. Normal lang naman na magkagusto ka sa kanya. Mabait siya, matulungin. Yun nga lang. Para siyang si Loki minsan. Seryoso at walang pakialam" pareho sila ni Loki...minsan lang naman.

"eh ikaw" nagtaka ako sa sinabi niya.

"me? What about me?" nakangiti kong tanong.

"you like Red?" nahiga ako at tumitig sa langit. Ang daming stars.

"yeah...but that was before. It's just an admiration" sagot ko.

"really?" nilingon ko siya at tumango. Humiga siya sa tabi ko at tumingin din sa langit.

"yeah, mabait kasi siya kahit mukha siyang suplada"

"suplada siya. Nakakairita siya minsan. Ewan ko pero hindi ko siya gusto" natawa nalang ako sa sinabi niya.

"it's okay, ganyan ang reaksyon ko nung una kaming nagkita" i remember that day.

It still vivid in my mind.

-

*LAZERI*
"well. Naliligaw ako nun. Hindi ko alam kung saan lugar ba ako napunta" Nakatitig lang kami sa langit habang pinapakinggan ko ang kwento niya

"then?" i just want to know kung gaano siya kabait.

"then nakita ko siya nun. Sobrang ganda niya, para siyang nagliliwanag sa dilim. As in sobrang ganda. I admire her the first time pero nasupladahan ako sa kanya" natatawang sambit niya.

"bakit naman?" takang tanong ko.

"kasi naman. Nung nilapitan ko siya para magtanong, tinaasan niya lang ako ng kilay. Parang ikaw lang" luh. Dinamay pa ako.

"suplada siya" simpleng sagot ko na ikinailing niya

"yun ang unang tingin ko sa kanya. Then nagpatulong ako sa kanya. Hindi ko talaga kasi alam kung bakit ako napunta dun. Tapos dinala niya ako sa bahay nila. Dun ko nakilala ang dad niya" Hm? It must've been great to have dad.

"kinabahan nga ako nun eh. Napaka seryoso kasi ng papa niya. Isama mo pa yung isang lalaki na laging kasama ni Red na parang bodyguard niya" nakangiti lang siya habang nagkukwento.

"and her mother?"

"i don't know. Ayaw niyang pinag-uusapan ang tungkol dun. Maybe she's dead"

Masaya sigurong magkaroon ng pamilya kahit daddy lang. Sana meron din ako nun.

-

*ASTRED*
"ang boring" bulong ko habang nakaupo sa loob ng kulungan. May higaan naman kaya okay lang.

Dinala ako ng kawal ni tandang Headmaster dito. Wala man lang akong kasama. Para daw to sa mga estudyanteng lumalabag sa rules ng paulit-ulit. Dinala niya ako dito kaysa daw dun ako sa dungeon ng castle. Kinabahan nga ako nung sinabing sa castle ako dadalhin.

Naglaro nalang ako ng apoy hanggang sa makatulog ako. Pero ang lamig.

Kasing lamig ni Loki.

A/N:
Don't forget to vote, comment and of course, follow me at my account.

Thank you in advance!

Journey: To Another World Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon