Chapter 18

1K 64 3
                                    

*ASTRED*
Nandito ulit kami sa tapat ng falls, malawak kasi yung damuhan.

"this will be your last day kaya hindi kami magiging mabait" taas kilay na sabi ni Light.

"don't worry, hindi din ako magiging mabait" hindi ako magiging mabait.

Anong akala nila, magiging mabait ako pagkatapos nila akong pagplanuhang ipalapa sa tigre? Asaness.

"pwede kang gumamit ng armas at magic mo" napairap nalang ako sa sinabi ni Fern.

"yeah sure" hinarap ko silang dalawa habang si tanda ay nakaupo lang sa gilid at nanunuod.

Gumawa si Fern ng mga ugat na puppet, katulad nung una. They attack me kaya iwas lang ako ng iwas.

"heads up!" napatingala ako at mabilis na tumambling para maiwasan ang bato na nakalutang.

"kuso yarō!(bastard!)" humigpit ang hawak ko sa espada bago sinugod ang mga puppet.

-

*LEXUS*
Ilang oras na ang nakalipas pero hindi pa din siya sumusuko. Hindi madaling kalabanin ang dalawa. Ni hindi pa nila nilalabas ang tunay nilang lakas.

"the hell!" natatawa nalang ako habang nakatingin sa kanyang pagod na at may mga sugat. Puro puppet at lumulutang na bagay ang kalaban niya. Pinaglalaruan siya nung dalawa.

-

*ASTRED*
"what's wrong Red? Tired?" nakangising sabi ni Fern.

"you will never win against us" malditang sagot naman ni Light.

Binitawan ko ang espada at naupo sa damuhan. Kunot noo silang nagtinginan bago ibinaling sa-kin.

"sinong may sabing magpahinga ka?" Fern.

"suko kana ba?" napatawa nalang ako sa sinabi nila.

"may nakalimutan akong sabihin" hinihingal kong sagot.

"nakalimutan kong sabihin na may bonus akong nakuha dun sa kweba" nagtataka naman sila sa sinabi ko.

"bonus?" takang tanong ni tanda.

"siya na muna ang bahala sa inyo" nakangisi kong sagot.

"tama na ang daldal!" susugod na sana ang mga puppet nang lalong lumaki ang ngisi ko.

'Blaze'

Lumabas si Blaze at agad na nagpakawala ng apoy sa mga puppet.

"aaaaaaahhhhh!" sigaw ni Light at napaatras.

"w-what the hell!" sigaw ni Fern.

"imposible!" rinig kong usal ni Tanda.

Napatawa nalang ako ng malakas dahil sa mga reaksyon nila, gulat na gulat sila at parang hindi makapaniwala.

He let out a loud growl bago nagpaikot ikot ikot at tumabi sa'kin.

"w-what the hell!" gulat na gulat si Light.

"take care of them Blaze, but don't eat them, hindi sila masarap" nakangisi kong utos kay Blaze habang nakatingin sa dalawa na napalunok nalang.

Bigla nalang nag apoy si Blaze at hinanda ang sarili sa pag atake. Tinatakot ko lang naman silang dalawa eh.

"that's enough!" bored kong nilingon si tanda. Grabe, panira ng moment, ipapalapa ko pa tong dalawa eh.

"tama na" nilingon ko ang dalawa na gulat na gulat pa din.

"hahahaha! You should've seen your faces!" sumasakit ang tiyan ko kakatawa.

"t-that's the fire tiger, right?" gulat na tanong ni Fern.

"yeah?" inosente kong sagot kay Fern.

"mabuti pa sa loob na tayo" sumunod ang dalawa kaya sumunod na din kami. Nakatingin lang sila hanggang sa makaupo ako. Tumabi sakin si Blaze at naupo sa lapag. I caress his fur, malambot ang balahibo niya.

"how did you tame that tiger?" tanong ni tanda.

"his name is Blaze"

"oh, nice name" kinakabahan pa rin yung dalawa.

"paano?" takang tanong ni Fern.

"i just simply made him my friend" simpleng sabi ko.

"hindi niyo ba naiintindihan ang salita nila?" umiling naman sila.

"weird, bakit hindi niyo naiintindihan?" takang tanong ko.

"so naiintindihan mo siya?" tumango ako sa tanong ni Light.

"sa tingin ko dapat mo siyang itago pag nakapasok kana sa academy, pagkakaguluhan ka kapag nalaman nilang kaibigan mo ang fire tiger, matatakot sila sayo" seryosong paalala ni tanda.

"madali lang yan, nagtatago siya sa anino ko kaya walang problema" i said in assurance.

"ang galing! Napaamo mo siya"

"madaming takot sa kanya dahil mapanganib siya"

"hindi naman eh, maliban sa muntik na niya akong kainin at nagpaikot ikot kami sa loob ng kweba, he even fire me his flames kaya nagkasugat ako sa braso at binti, maliban dun wala na" napanganga naman silang dalawa sa sinabi ko at napatawa si tanda.

-

*LEXUS
Hindi ko akalain na makukuha niya ang tigre na yun, akala ko malalampasan niya ang tigre at mapapatay pero nagkamali ako. Nagawa niyang mapasunod ng tigre at naging kaibigan.

Nagmana ka talaga sa kanya. Pareho kayong malakas ng loob at matalino. Hindi marunong sumuko at mabilis gumawa ng paraan.

I wonder what will happen when she enter that Academy.

"oh and there's something i also acquired from Blaze" she even gave him a name, nakakamangha.

"what?" kahit ang dalawa hindi makapaniwala.

She held out her hand at may lumabas na apoy mula dun.

"sa tingin ko ito muna ang gagamitin ko, masyadong mapanganib yung isa, baka hindi ko makontrol"

"o-okay"

"magpahinga ka muna kaya"

Tumango nalang siya bago lumabas kasunod ang tigre. Kunot noo kong nilingon ang dalawa.

"anong isang kapangyarihan ang sinasabi niya?"

"oo nga pala master, first time niyang magawa yun, she let out a wind, pero nakapagtataka kasi hinihigop nun ang lahat ng nasa paligid kaya pinatigil namin siya"

So that's explains the damages. It sucks things?

"what do you mean?"

"the same power used by that sealed dragon, kahit maliit lang yung nilabas niya, pero kapareho talaga eh" sealed dragon? In the Cave of Chaos?

"baka magkapareho lang sila, iba lang siguro ang takbo ng hangin niya, baka hindi pa niya makontrol ng maayos"

"you're right master, baka magkapareho lang sila, imposible naman kasing iisa ang kapangyarihan nila diba?" Light.

Sealed dragon?

A/N:
Don't forget to vote, comment and of course, follow me at my account.

Thank you in advance!

Journey: To Another World Where stories live. Discover now