Chapter 21

1K 67 3
                                    

*ASTRED*
Sasagot-sagot hindi ko naman tinatanong. Alam kong Leon yun, nakikita ko naman eh, may mata ako.

Tinuro niya sa'kin yung ibat-ibang kwarto. Library, cafeteria, green house, garden, training room, simulation room, at kung ano-ano pa.

"this is your section, magkaklase tayo" nilingon ko ulit siya.

"oo na sige na, hindi mo tinatanong" napailing nalang ako sa sagot niya. Buti naman alam mo yung nasa isip ko. Binuksan niya yung pinto, nasa likod niya lang ako. In fairness ang bango niya.

"nandito na po"

"oh sige, maupo kana" naupo na nga ang kaya sumunod ako.

'wow ang ganda niya!'

I know right.

'sexy!'

Siyempre.

'damn so hot!'

Gago.

'urgh! Bitch!'

Hindi ako salamin.

'attention seeker!'

Wag itulad sa inyo.

"okay quiet! Magpakilala kana iha" sabi ni prof na babae. May mahaba siyang sumbrelo. Tapos may wand.

"Red"  napahimikan naman lahat sa ikli ng pakilala ko. Wala kasi ako sa mood.

'yun lang?'

'ang ikli'

'pangalan niya ba yun?'

Ang daming bubuyog.

"okay quiet! Maupo ka na" nilibot ko ang paningin para humanap ng bakante. Tsk! Dun nalang.

Ramdam ko ang titig nila na nakasunod sa'kin hanggang sa makaupo ako sa bakanteng upuan sa tapat ng lalaking nakaubub sa mesa. Katabi niya yung Hozu daw kuno na nakangiti sa'kin, wag ako.

Pwede palang matulog.

'luh dun siya umupo!'

'hayaan mo siya'

'bitch talaga!'

'dun pa talaga sa harap ni papa Loki!'

May papa kayo? Deym! Wala akong pake.

Nahagip ng tingin ko ang dalawang babae na masama ang tingin sa'kin. Nasa harap naming row pero nasa dulong bahagi sila. Nakataas ang kilay nung isa at yung isa eh parang papatayin ako sa sama ng tingin. Tumingin nalang ako sa harap at nakinig habang nakapangalumbaba.

"h-hi" nilingon ko ang mahinhin na boses ng katabi ko. Nakabraid ang puti niyang buhok at silver ang mata. Sobrang ganda niya. Wow na wow, chicks pala tong katabi ko eh.

"i'm Kiera, ikaw?" luh ka gurl, hindi mo narinig kanina?

"Red" simpleng sabi ko bago tumingin sa harap.

Papikit pikit ako hanggang sa hindi ko na kaya ay umubub nalang ako. Pwede namang matulog since natutulog din ang nasa likod ko.

Bahala ng mapagalitan.

-

*KIERA*
Ang tipid niya naman magsalita. Mukha naman siyang mabait kahit na parang medjo cold siya.

"okay that's it for today, you may take your lunch" lumabas yung prof naming witch kaya nagsitayuan naman ang iba. Nilingon ko ang katabi ko na nakaubub sa mesa. Hala! Pareho sila ni Loki. Antukin din ba siya?

Journey: To Another World Where stories live. Discover now