Chapter 25

1K 57 2
                                    

*ASTRED*
Papunta ako ngayon sa dormitory. Bakit nasa labas academy, i mean sakop ng academy pero hindi sa loob, parang bahay sila ganun. Apat ang daan na nakalagay sa mapa. Apat ang nakatayong gusali. Malapit lang naman pero kailangan pa rin sumakay ng karwahe kasi alam mo na, rich kid, baka mangitim sa araw.

'bakit hindi ka nalang lumipad?'

'oo nga master'

Buhay pa pala sila hahah! Joke lang.

'okay lang, para naman malibot ko tong lugar'

Napahinto ako sa tapat ng malaking bahay---more like a mansion. May fountain sa gitna at garden sa magkabilang gilid. Two-story ang mansion. Maganda. Oh well. Pumasok na ako at bumungad ang tahimik na sala. Wow lang ah. Ang ganda. Nasa gitna ang sala tapos may aquarium na nakaharap sa pinto at magkabilang hagdan sa magkabila...bakit dalawa ang hagdan kung pwede namang isa lang, iisa lang din naman ang punta nun...sa langit---edi wow.

Hinahalungkat ko ang susi habang umaakyat sa hagdan.

"asan na?" nawala ko ba? Ayun! Napangiti akong hinugot ang susi at tinaas.

"aykabayo!" muntik na akong malaglag paatras buti nalang ay nahatak niya ako---what the fuck!

"stupid!" nakatitig lang ako sa mga mata niya. Sobrang ganda niya. That mesmerizing dark shade.

"chikusho!" binitawan niya kasi ako kaya humawak ako sa balikat niya kaya lalo akong napadikit sa katawan niya. Nilingon ko ang likod ko.

"wooh! Muntik na!" grabe, siraulo to, bitawan daw ba ako.

"get off!" napabaling ako dahil sa malamig niyang boses. Chikusho! Ang lapit niya. May kakaiba talaga sa amoy niya eh.

"bat mo kasi ako binitawan" gumilid ako at inayos ang damit. He stared at me cold bago nakapamulsang bumaba. Edi wow.

Tumalikod na ako at hinanap ang kwarto. Okay, ito na, may pangalan ko. 'Red'

Malawak ang maaliwalas ang bumungad sakin. May couch sa dulo ng kama may salamin sa tabi ng kama. Bathroom. Malaking bintana. I like the color. It's a combination of black and white. Nice.

Inayos ko na ang gamit since dinala na nila dito pagkapasok ko. Pinaayos na yata ni tanda. Nagpalit ako ng pambahay. Maong short and shirt bago bumaba. Walang tao. Tsk! Hindi tao ang tingin ko dun sa isa. Yelo yun, yelo.

Lumabas ako at nilibot ang lugar. May fishpond at may cottage pahingahan. May puno din na may swing. May sandalan naman yung swing na medyo malawak. Pwede kang humiga. Mahaba kasi eh. Maganda din yung mga bulaklak, mukhang alagang alaga. Binigyan talaga ng pagmamahal. Kakaiba yung bulaklak nila kumpara sa mundo namin. Iba't iba yung kulay pero napakaganda.

Naupo muna ako sa swing. Naka indian sit ako bago pumikit. I need to calm. Pinakiramdaman ko ang paligid. Ang sarap ng hangin. Huminga ako ng malalim bago tinaas ang kamay at pinagdikit ko. Meditation. Calm yourself. Tsk!

'master?'

'bakit?'

'gusto kong lumabas'

Ayayay!

'hindi pwede, matatakot sila'

'ako din, gusto kong lumabas'

Hay naku sumabay pa si Dromir.

'hindi ko kayo pwedeng ilabas, bilin yun ni tanda'

'boring dito master, gusto kong laging nasa tabi niyo at kasama'

Lagi niyo naman akong kasama, nasa loob nga lang kayo wahaha!

Huminga ako ng malalim bago nilagay ang dalawang kamay sa magkabilang tuhod. Tsk! Pag ako natunaw kakatitig niya tamo! Lintik lang ang walang ganti. Tutustahin ko siya promise.

-

*KEELAN*
I was just staring at her na nakaupo sa swing. She's weird,

"chikusho! Kuso yarō!" what the fuck is that langguage?

San ba siya galing? Hindi ganyan ang salita dito, baka galing siya sa ibang bayan. But i've never heard of other langguage.

"hoy, anong tinitignan mo jan?" nilampasan ko nalang siya at pumasok sa loob. Umupo ako sa sala. Mukhang kadarating lang nila.

"madaya ka kuya, iniwan mo kami"

"grabe, walang pakisama"

Nagbuntong hininga nalang ako bago pumikit.

"why are you staring at her?" naramdaman kong naupo siya sa tabi ko.

"who?" rinig kong tanong ni Kairo.

"Red, i caught him staring at her" napamulat ako at sinamaan siya ng tingin. I don't like that smirk.

"oh her? She's here?" tumango lang si Hozu.

"you know it's weird" napalingon kami kay Kairo na nakakunot noo.

"what's weird?" napahawak siya sa dibdib niya bago kami balingan ng tingin.

"i felt something familiar when i first saw her. I don't know, pero masaya ako nung nakita ko siya" nagkatinginan kami ni Hozu bago bumaling sa kanya.

"me too ganun din ang naramdaman ko nung una ko siyang nakita, hindi ko din alam kung bakit" sagot nung kapatid niya, they're twins.

"really? I find her sexy nung una ko siyang makita, ang ganda niya" argh please, umiral na naman ang pagka babaero niya.

"tigilan mo nga yang pambababae mo, kadiri ka" napaismid nalang siya sa sagot ni Kaden, my brother.

"inggit ka lang" hay naku.

"hindi pa ba uuwi yung isa?" tsk! Mukhmg nasisiyahan pa siyang gumala kung saan saan.

"uuwi din yun pag gusto niya. Siraulong yun" sagot ni Kairo

"walang ginawa yung prinsepe na yun kundi gumala? Wala ba siyang magawa sa buhay niya?" sambit ni Kaden.

Wala siyang magawa sa buhay niya.

A/N:
Don't forget to vote, comment and of course, follow me at my account.

Thank you in advance!

Journey: To Another World Where stories live. Discover now