'paano ako makakalabas?'

Nakakatuwa ang isang to, gusto ko siyang makasama sa paglalakbay kasama ang batang yun.

'yun ay kung, magiging kaibigan ka niya'

-

*FIRE TIGER*
'kaibigan?'

Hindi ako nakikipagkaibigan lalo na sa mga tao! Ayoko sa kanila, masyado silang sakim, lalo na sa kapangyarihan.

'kung ganun, habang buhay kang nandito sa loob niya'

Paano nagawa ng batang yun na maging kaibigan ang nilalang na'to. Pano niya nailabas sa kwebang ginawa ng mga magagaling na Mages.

'ano papayag ka ba? Gusto kitang makasama, pwede mong masamahan ang batang yun'

'pwede kong gawin yun, pero magiging kasama niya lang ako kung maipapakita niyang mas malakas siya sa'kin'

'hahahaha! Hindi pa ba sapat na nandito ako at nailabas niya? Kung maipapangako mong lagi kang nasa tabi niya at ipagtatanggol siya ay baka magbago ang isip niya at ilabas ka, pero kung hindi ay kakainin kita'

Malakas ako pero wala akong laban sa dragon na nasa harap ko. Masyado na siyang matagal nakakulong, ilang libong taon.

Kung ganon.

-

*ASTRED*
'gusto ka niyang maging amo'

Napabalikwas ako ng bangon dahil sa sinabi ni Dromir.

'huh?'

'ilabas mo siya, maipapangako kong magiging masunurin siya sa'yo at ikaw ang magiging amo niya'

Napaisip naman ako sa sinabi niya. Magiging amo niya, sasamahan ako, poprotektahan ako. Napangisi nalang ako sa naisip ko.

So pwede kong ipalapa si Fern at Light sa kanya?

'sige, pero paano?'

'palabasin mo ang hangin sa katawan mo'

Huminga ako ng malalim bago pumikit. Ilabas ang hangin. Hangin. Hang-

"aaaahhhh!" shit! Napahawak ako sa dibdib ko sa sobrang gulat sa nasa harap ko. Kung kanina sobrang natatakot ako nung kaharap siya. Ngayon naiinis ako.

"wag mo akong ginugulat! Nakakapatay ako!" my goodness.

'patawad, pero kailangan kung makasiguro na pwede kitang gawing amo'

Napabuntong hininga ako bago umupo at naglagay ng benda sa kamay ko.

"hindi naman kailangan yun, pwede kitang iwan dito sa kweba mo kung gusto mo, hindi ka obligado na maging amo ako" hay naku...ilang minuto pa ay tahimik pa din siya kaya nilingon ko siya.

'napakabuti mong tao'

Gotcha! Mukhang makukuha kita. Gumagana ang plano ko bwahahaha!

"hindi na kailangan, hindi ako sakim para hilingin na itali ka at maging alalay ko" napahinga ako ng malalim bago kinuha ang bag at tumalikod.

"Sige alis na ako, maiwan na kita" bago nagsimulang maglakad.

'sandali!' napangisi ako bago inosente siyang nilingon.

'let me protect you, ngayon lang ako nakakita ng taong hindi hangad ang aking kamatayan at kapangyarihan. I want to stay by your side and protect you'

Napangisi ako bago lumapit sa kanya.

"sigurado ka? Paano kung sakim pala ako?"

'hahaha! May pakiramdam akong hindi ka ganun, base sa dragon na yun, isa kang mabuting tao'

Ohoho! Success na, panalo na ako!

"kung ganun, pwede ba kitang maging kaibigan?"

'k-kaibigan?'

Nakakagulat ba yung maging kaibigan siya?

"ayaw mo ba? Sabi mo poprotektahan mo ako, magagawa yun ng isang kaibigan"

'kung ganun, tinatanggap kong maging kaibigan ka, poprotektahan kita at sasamahan kahit saan man'

Ohoh! Yes na yes.

"kung ganun, anong pangalan mo?"

'i don't have a name, people call me fire tiger'

"how about Blaze?"

'i-is that my name?'

Napatawa nalang ako, para siyang si Dromir nung binigyan ko ng pangalan. Big deal sa kanila yung pangalan.

"ayaw mo?"

'g-gusto ko, m-maganda, salamat master'

Napangisi nalang ako sa isipan. Bwahahah, may companion na ako maliban kay Dromir. Hindi ko kasi siya pwedeng ilabas eh, mapanganib. Baka magkagulo ang buong sambayanan hahahah!

"lalabas ka kapag tinawag ko ang pangalan mo okay?"

'masusunod master'

"then let's go, i need to go back"

Ngiting tagumpay ang nakapaskil sa labi ko. Humanda kayong dalawa pagdating ko. Ipapalapa ko kayo kay Blaze bwahahaha!

A/N:
Don't forget to vote, comment and of course, follow me at my account.

Thank you in advance!

Journey To Another World Where stories live. Discover now