Chapter 28

158 9 0
                                    

Lorraine's coming back

"Sayang hindi man lang niya nakasama ang tunay niyang pamilya." wika ni Wendhell sa kalagitnaan ng burol. "Well makakasama naman niya yun sa langit kaya ayus lang."

"Sinaktan niya si Demy dati kaya siguro karma na rin yan sa kanya." sabat naman ni Leila.

Napatingin ako sa kanila at walang ekspresyong sinenyasan silang tumahimik.

"Are you okay?" Tanong ni Ken sa akin. Tumango ako at muling nakinig sa burol.

Kumikirot ang sugat sa balikat ko pero mas masakit ang mawalan ng minamahal. Nito lang ay nawalan ako ng dalawang taong mahalaga sa akin. Si mama at ate Leanne, oo naging masama sila sa akin dati pero mas matimbang ang pagmamahal ko sa kanila. Naaawa ako Kay ate Leanne dahil wala siyang kaalam Alam na parehas pala kami ng sitwasyon.

Nung araw na nangyari yun ay wala akong ibang inisip kundi ang buhay pa si ate Leanne, iyak ako ng iyak habang tinatakpan ang tama niya diretso sa puso pero dahil madami ng dugo ang nawala sa kanya ay hindi na rin ito naisalba. Ang akala ko rin ay mamamatay na ako mabuti na lang at dumating si Ken kasama ang mga pulis, nawalan ako ng Malay dahil daw sa dami ng dugong nawala sa akin.

"Ate Demy, sino na pong mag-aalaga sa akin?" Bumaling ako sa katabi kong bata na si Lucas ang kapatid ni ate Leanne.

"Don't worry sa ngayun ay sa orphanage ka muna mapupunta pero kapag maayos na ang lahat ay makakasama muna si ate Demy mo." Paliwanag ni Ken sa kanya.

Isa rin to sa inaalala ko. Sa akin iniwan ang kapatid ni ate Leanne dahil hindi raw kaya ni ate joy ang magpalaki ng bata lalo na't hindi naman niya daw ito kaano-ano.

"T-tama." Pumiyok ang boses ko.

"You should rest pagtapos nito." Tumango ako Kay Ken.

At least may nakakaintindi pa rin sa pinagdadaanan ko.

Natapos ang burol, hinatid namin si Lucas sa orphanage ni Ken pagkatapos ay umuwi na kami agad para raw makapagpahinga ako.

Paakyat na ako sa kwarto nang masalubong ko ang nakangiting si ma'am Almeighra or should I say mommy. Yes tama si papa ako nga ang nawawalang Aldama.

"Aleighna can we talk a while?" Tumango ako.

Sumunod ako sa kanya sa garden. Naupo siya sa table at ganun din ang ginawa ko.

"Magkakaroon ka ng welcome party kaya kailangan mong maghanda." Aniya.

"Po? Pero, pwede po bang ipagpaliban muna natin?"

"Of course no, don't worry sa isang linggo pa naman kaya magiging maayos kana nun, besides uuwi na ang ate Lorraine mo, sa wakas ay magkakasama sama na rin tayo." Masayang sabi niya.

Lorraine's coming back? Kailangan kong makausap si Ken hanggat maaga.

"Okay po."

*****

"No Demy! Hindi ako payag sa Plano mo." Asik ni Ken habang nakakunot ang noo.

"Pero Ken-"

"What? Ang usapan natin ay sasabihin na natin sa kanila kung anong meron tayo, tapos ano? dadating lang si Lorraine nabago na ang lahat? Ayoko!"

Sanabi ko kasi sa kanyang huwag munang sabihin kung anong meron kami, ang gusto ko ay ako ang magsasabi nun Kay ate at kila mommy.

"Ken hindi ba mas magkakaroon tayo ng malaking problema kapag sinabi natin yun ngayon? Naging kayo ni Ate Lorraine kaya ano sa tingin mo ang magiging reaksyon nun?" Paliwanag ko.

"Demy I'm tired of hiding this relationship anymore! I want a public relationship with you!"

"Ako rin naman, pero intindihin mo naman ang sitwasyon!" His jaw drop.

Nag-iwas siya ng tingin at tumahimik.

"Bigyan mo ako ng oras bago sabihin sa kanila, please Ken."

"Fine! If that what you want." Sabi niya pagkatapos ay masama ang loob na lumabas ng office.

I'm sorry Ken, but I need a time.

Dumaan ang ilang araw. Naging abala ako sa paghahanda sa party samantalang si Ken ay sa company naman namamalagi kaya nawalan kami ng time sa isa't isa. Kapag naman nagkakasalubong kami sa mansyon ay hindi niya ako pinapansin dahil masama pa rin ang loob niya sa akin.

Ngayon ang araw na uuwi si ate Lorraine. Si Ken ang sumundo sa kanya, sasama sana ako pero sinabi ni mommy na huwag na para raw surprise.

"Hoy anong mukha yan? Mukha ng nagseselos na Demy?" Pinalo ko ang braso ni Wendhell.

Kung Alam mo lang halos sakalin kuna si Lina sa inis.

"Mag joke ka ng naaayon sa sitwasyon." Ngumiwi siya at pinisil ang pisngi ko. "Tumigil ka nga!"

"You two looks good together." Sabay kaming napalingon si Wendhell nang may magsalita sa entrance ng mansyon.

"Lorraine!" Mabilis na naglakad si mommy sa babaeng mistisa na matangkad pagkatapos ay niyakap niya ito.

Hindi naman yun ang nakakuha ng atensyon ko kundi ang masamang tingin ni Ken sa amin ni Wendhell. Kinidag ko si Wendhell sa tagiliran para sabihang nanduon si Ken. Napadaing naman siya ng malakas kaya muling napunta sa amin ang atensyon ni Lorraine o ate.

"Sweet! Hi sister!" Mabilis siyang naglakad patungo sa akin at niyakap ng mahigpit. "I really miss you very much."

Hindi na ako makahinga sa yakap niya pero hinayaan ko lang iyon.

"Hi?"

"Don't be nervous, ako lang to!" Bumitaw siya sa yakap at nginitian naman ako ng malapad.

Naiilang akong ngumiti pabalik. Narinig ko pang humagikgik si Wendhell sa tabi ko kaya mas lalo akong nailang.

"Madami akong pasalubong sayo!"

"Meron din ba ako ate Lorraine?" Ani Wendhell.

Natatawa namang tumango si Ate at sinenyasan kaming sumunod sa kanya. Naunang sumunod sa kanya ay si Wendhell pagkatapos ako kasabay ang badtrip na si Ken.

"Sweet." Sarcastic na sabi niya saka naunang naglakad.

*****
Kinabukasan paggising ko ay naabutan ko si ate Lorraine at Ken na nagluluto sa hapag.

"Oh, sister ang aga mo nagising ah, come here tikman mo ang luto ko."

"Sweet yan." Sarcastic ulit na saad ni Ken. Pinalo siya sa braso ni Ate Lorraine at nagtawanan sila pareho.

Hindi ko alam pero parang kumukulo ang dugo ko kapag nakikita ko silang magkasama lalo na kapag tumatawa silang dalawa sa harapan ko.

Nawala ang ngiti ni Ken nang madapo ang tingin sa akin. Nag-iwas siya ng tingin at tumalikod para ituloy ang niluluto.

Gusto ko siyang tanungin kung bakit? Bakit dumating lang si Lorraine ay naging cold na siya sa akin?

Caught Up In Your Heart (Aldama Siblings Series #1)Where stories live. Discover now