Chapter 20

159 10 0
                                    

Similar condition

Walang imik kaming nag bayahe pabalik. Ilang beses kong nakita sa gilid ng mga Mata ko na gustong magsalita ni Leila pero kalaunan ay sa buntonghininga lang ito nagtatapos. Kahit si Mang Romel ay piniling manahimik na lamang kahit na hindi naman niya alam ang nangyari kanina dahil naiwan siya dito sa sasakyan.

Hinatid nila ako hanggang sa mansyon. Kumaway at nag beso muna ako kay Leila bago lumabas sa sasakyan, nang isasarado ko na ito ay mabilis niyang hinila ang braso ko pabalik at mahigpit na niyakap.

"L-leila Hindi ako makahinga." Tinapik ko nang ilang beses ang likod niya pero imbes na bumitaw ay mas lalo pa niyang hinigpitan ang yakap sa akin.

Sa totoo lang mas gusto kong hindi ako pinapansin kapag may dala akong problema, pero ngayon feeling ko kailangan ko ng Tao na masasandalan at makakaintindi sa akin.

"I-im sorry..." Pumiyok ang boses niya.

"S-salamat Leila." Bumitaw ako sa yakap, pagkatapos ay senenyasan siyang papasok na. Tumango siya saka kumaway bago ko isinara ang pinto ng sasakyan.

Malalim na buntonghininga ang pinakawalan ko bago pumasok sa loob ng mansyon. Papasok na ako sa kwarto ko nang may malakas na pwersa ang humila sa akin papasok sa kabilang kwarto. Isinandal niya ako sa pinto at ikinulong sa dalawa niyang braso.

"K-ken..." Gulat Kong saad.

Mabilis ang hinga niya na parang pagod na pagod, nakabukas din ng kaonti ang bibig niya  habang nakatingin ng diretso sa mga mata ko ang hindi ko maipaliwanag na ekspresyon na mga mata nito.

"W-where have you been?" Paunang tanong niya.

Hindi ko alam pero napalunok ako sa tanong niya. Nag iwas din ako ng tingin dahil hindi ko na matagalan pa ang nakakalusaw niyang titig sa akin.

"A-ano b-bang p-problema mo?" Napapikit ako sa inis ng hindi ko masabi ng diretso ang gusto kong  sabihin sa kanya.

Damn it! Demy ano bang nangyayari sayo?! Unti-unti ko nang nararamdaman ang pagbilis ng tibok ng puso ko kaya bago pa niya ito marinig ay mabilis ko siyang itinulak palayo sa akin.

I was about to open the door when he grab my hands back.

"We're not done yet!" asik niya.

"K-ken let me go!" Sinubukan kong kalasin ang kamay niyang mahigpit na nakakapit sa braso ko pero hindi ko ito kaya.

Ano bang iniisip ng lalaking to. Nagpaalam ako kanina Kay Ma'am Almeighra na makikipagkita kay Leila at nakaharap pa siya pero bakit ngayon nagtatanong tanong?

"You are more than 4 hours left, don't tell me nakipag kwentuhan ka ng ganon katagal sa kaibigan mo?"

Ano bang pakealam niya kung nawala ako ng ganon katagal hindi naman siya ang nag luwal sa akin.

"May pinuntahan ako-"

"Saan nga!"

"Ano bang pake mo!"

"Demy!

"Sa pamilyang hindi ko na alam kung totoo! Masaya kana? Alam mo ba kung ano dapat ang ginagawa ko ngayon?! Ang isipin kung babalik ba ako sa pamilyang kinalakihan ko pero natatakot ako na baka saktan nanaman ako ng itinuring kong Papa! Hindi ko na alam kung saan ako lulugar Ken! Kasi hindi ko alam kung sino ba talaga ako! Sino ba talaga ang nagluwal sa akin! Sino ba talaga ang tunay kong pamilya!" Napaupo ako kasabay ng sabay sabay na pagtulo ng mga luha ko sa mata. Umupo rin siya kapantay ko.

Natahimik kami ng ilang minuto bago siya muling nagsalita.

"You're-"

"An adopted child.... Pero hindi katulad mo, naghirap ako." Putol ko sa sasabihin niya.

Tama naman ako diba? We're in similar conditions, but unlike him hindi ako napunta sa maayos na pamilya. Unlike him I'm suffered before I get what I need. Hindi naging madali ang napagdaanan ko kumpara sa kanya.

Tumayo ako at kinalas ang braso niya sa kamay ko, hindi na siya umangal at hinayaan akong makaalis sa kwarto niya. Nang makapasok ako sa kwarto ay humiga ako sa kama saka tinalukbungan ng kumot ang mukha. Naging oras din yun para ilabas ang sama ng loob ko sa nakalipas na mga araw.

Ang akala ko makakaalis na ako sa nakaraan ko pero hindi pala, dahil bago ka magkaroon ng bagong buhay kailangan mo munang balikan ang nakaraan. Naisip ko rin na tama si Papa na wala akong naitulong sa kanila. Pinalaki nila ako, binuhay, binihisan, pinag-aral pero heto ako nakatira sa malaking bahay habang naging maayos ang kalagayan samantalang sila pagkatapos kong iwan, naghihirap na sa sitwasyon kinakaharap ngayon.

Mga ilang oras ang lumipas nang makaramdam ako ng may pumasok sa kwarto. Lumapit siya patungo sa akin at parang may inilapag sa table malapit sa kama.

"I-if you're awake, I-im here to say sorry." Hindi ako umimik.

Mga ilang minuto siyang nakatayo duon bago ko naramdamang naglakad na siya paalis.

"K-ken..." sambit ko.

Hindi ko alam kung narinig niya kaya inalis ko ang kumot sa mukha ko para tignan kung nanduon pa ba siya. Nakatayo siya malapit sa pinto habang nakapamulsang nakatalikod mula sa akin. Agad akong nagiwas ng tingin ng humarap siya.

"S-sorry din sa nangyari kanina." Nakita ko sa gilid ng mga mata ko na naglakad na siya palabas kaya nagpakawala ako ng malalim na buntonghininga.

"Can-"

"Wtf!" Mabilis akong humiga at tinakluban ang mukha sa gulat nang biglang bumalik si Ken sa kwarto.

I thought umalis na siya!

"I'm sorry I didn't mean to scared you..."

"Akala ko ba umalis kana!" Asik ko habang nakataklob pa rin ng kumot.

Naramdaman Kong naglakad siya patungo sa akin. Pagkatapos ay naupo sa gilid ng kama kung saan ako nakahiga.

"Inumin mo na ang gatas bago lumamig." Aniya.

"Mamaya na."

"Ngayon na."

"Mamaya na nga!"

"Iinumin mo o ipapainom ko na Kay Lina?"

"Tsk!"

Tinanggal ko ang tilakbong at inabot ang gatas sa side table saka ito tinungga diretso sa bunganga ko. Pagkatapos ay muli na sana akong hihiga muli nang hawakan ni Ken ang mukha ko. Tinitignan niya ang namamaga Kong mga mata kaya agad kong tinapik ang kamay niya paalis.

"You should cover it a cold ice in cloth..." Patukoy niya sa namamaga kong mga mata.

"Wag na mawawala rin naman yan mamaya."

"Tsk! why so stubborn!"

"Lumabas kana nga matutulog na ako." Tinulak ko siya paalis sa kama pero hindi ito natinag.

"Pwede ba tayong lumabas bukas?" Tinignan ko siya diretso sa mga mata kung seryoso ba siya.

"Para saan?"

"To say sorry I guess?"

"Nag sorry kana kanina diba?"

"Please?"

"May pasok na bukas."

"After school then."

"Ang kulit!"

Tinignan niya ako ng nakakaawang  mga mata kaya nagiwas ako ng tingin.

"Huwag mo ngang gawin yan!"

"Demy please?"

"Oo na!"

"Yes!"

Sinundan ko siya ng tingin nang tumayo siya at mabilis na lumabas sa kwarto at ganon na lang ang gulat ko nang maabot ng tingin ko ang sarili ko sa salamin na hanggang tenga ang ngiti.

WTF!

Caught Up In Your Heart (Aldama Siblings Series #1)Where stories live. Discover now