Chapter 8

182 11 0
                                    

Help

Naalimpungatan ako nang may maramdamang malambot na gumagalaw galaw sa pisngi ko. Inikot ko ang paningin at napapikit nang makitang hindi pamilyar ang lugar kung nasaan ako ngayon. Muli akong nagmulat ng mata at kulay cream, light pink, at white lang ang nakita kong kulay ng mga gamit sa loob ng malaking kwarto.

Umupo ako sa malambot na kama at inalala kung ano bang nangyari.

Arrfff 

Napabaling ang tingin ko sa puting asong tumahol. It is familiar! I think nakita ko na siya kung saan.

Maya maya ay biglang bumukas ang pinto at iniluwa nito ang babaeng nagmamay-ari ng familiar na aso.

"Thank God your awake!" Aniya.

"Ma'am Almeighra? But...wait paano po ako napunta dito?"

"Kagabi nawalan ka ng malay...buti nalang at si Ken ang nakakita sayo."

Ken? She mean the jerk? Seryoso ba siya? Mas maniniwala ako kung si sir Ricardo ang tumulong sa akin pero kung yung jerk na yun... Impossible.

"Okay kana ba? Wala bang masakit sayo? Nagugutom kaba? Nauuhaw?-" sunod sunod na tanong niya.

She's acting like my real mother.

"Okay na po ako...ahmm kung okay lang po uuwi na ako." Her smile faded.

"M-mabuti pa kumain kana muna bago ka umuwi." I was about to complain when she walk toward the door. "Come on hija, suit yourself and come down to eat." She said before she turn out.

Kagaya ng sinabi niya. Inayos ko muna ang sarili bago lumabas ng kwarto. Muntik pa akong maligaw dahil sa laki ng bahay mabuti na lang at may nakasalubong akong katulong na nagturo sa akin ng daan.

Naabutan kong mag-isang kumakain si ma'am Almeighra sa mahabang lamesa. Nang madapo ang tingin niya sa akin ay sinenyasan niya akong maupo sa tabi na ginawa ko naman. Pagkatapos ay hinainan ako ng pagkain ng mga katulong.

"Eat hija, huwag kang mahiya. Sa tingin ko kaya ka nahimatay ay dahil sa gutom at panghihina." I fake a smile.

Wala na akong nagawa nang maramdaman ang gutom kaya sinimulan ko na ring kumain.

This is the first time na kumain ako sa ibang bahay nor Leila's house.

"I feel sorry for breaking the promise we did before, hija." Wika niya sa kalagitnaan ng katahimikan.

"O-okay lang po, actually dapat po akong magpasalamat sa pagligtas niyo sa akin kagabi kung iba po siguro ang nakakita sa akin malamang pinaglalamayan na ako ngayun." She chuckled

"Kay Ken ka magpasalamat mamaya pag-uwi niya."

Pfft, asa magkaaway po kami ng anak niyo. Gusto ko tong sabihin pero baka magalit siya akin, wag na lang.

"Kayo na lang po magpaabot, baka hindi ko na po siya maabutan mamaya." Bumuntonghininga siya bago tumingin sa akin ng seryoso.

"Hija hindi sa nangengealam ako sa pamilya niyo but I am just worried for you.... May problema ba?" Umiling ako.

May sasabihin pa sana siya nang tumunog ang cellphone niya.

"Excuse me." Aniya bago tumayo at sinagot ang tawag.

Inikot ko ang tingin sa paligid ng bahay habang kumakain. The house was huge, puro light materials ang nakikita ko, mula sa marmol na sahig, tinted glass, crystal chandelier, and tiles sink. Pati na rin ang sofa, tv, lamesa at kung ano-ano pa ay mamahalin. I wonder ilan kaya ang nagastos nila sa pagpapagawa nito?

"Demy" agad akong napalingon sa nagsalitang si Maam Alemeighra.

She look worried with me.

"I'm sorry to tell you this but.... Demy wala kanang babalikan." I bit my lower lips.

How did she know?

"Pinapuntahan ko yung bahay niyo pero wala na ron ang pamilya mo, ang mga gamit ay hinahakot na ng company na pinagkakautangan daw ng daddy mo. At sabi ng mga neighbors niyo ay umalis daw ang pamilya mo at hindi nila Alam kung saan pupunta, do you know kung saan sila pupuntahan?" Umiling ako. "Then how about you? Saan ka pupunta?"

"Can I borrow your phone po?" Tumango siya saka inabot sa akin ang phone na hawak.

Mabuti nalang at saulo ko ang phone number ni Leila, Sana sagutin niya.

(Hello? Sino to?)

(Leila!)

(O shit! Demy nasaan kaba? Mabuti at tinawagan mo ako! Kagabi pa ako tawag ng tawag sayo pero hindi mo sinasagot! Tell me ano bang nangyayari? Bakit hinahakot ang ang gamit niyo?)

(Long story, saka ko na ipapaliwanag sayo.... Ahmm Leila I need your help right now!)

(What is it? Kung tungkol sa pera wala ako ngayun! In-off ni daddy lahat ng ATM ko!)

Tumayo ako at lumayo Kay Ma'am Almeighra para hindi niya marinig ang sasabihin ko.

(Lumayas ako kagabi-)

(WHAT! what the hell Demy ngayon mo pa talaga naisipang lumayas!)

Halos marindi ang tenga ko sa lakas ng boses niya sa kabilang Linya.

Ang ingay talaga ng babaeng to!

(Hinaan mo nga yang boses mo!)

(Nasaan ka ngayon?)

(Nandito ako sa babaeng tinulungan ko dati)

(Mabuti pa diyan kana muna habang hindi pa bumabalik ang ATM ko tutal may utang na loob naman yan sayo-)

(What! Ayoko!)

The hell ayoko, baka kung ano pa isipin ng lalaking yun.

(Wala tayong magagawa, o kaya kung gusto mo dumito kana muna sa amin)

Mas lalong ayoko, maarte na kung maarte pero ayokong makasama yung masungit niyang lola!

(Ano Demy?) I bite my lower lips.

(Bahala na, tatawagan nalang kita ulit mamaya)

(Okay, I'm sorry talaga)

Nagpaalam na ako pagkatapos ay binalik kay Ma'am Almeighra ang phone.

Parang gusto ko nalang tawanan ang problema ko. Saan nga ba ako pupunta? Wala akong malapit na kakilala maliban kay Leila.

"Do you need my help now?"

Caught Up In Your Heart (Aldama Siblings Series #1)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang