Chapter 30

187 9 1
                                    

We're done

Nanghihina akong inabot ang cellphone sa side table matapos itong tumunog.

From:Jerk
Baby, please come back to me, I need you.

Sa pangpitong pagkakataon ngayong araw ay nakatanggap nanaman ako ng mensahe galing sa kanya.

Tumayo ako at nagtungo sa banyo. Tinignan ko sa salamin kung ano na bang itsura ko. Namamagang mga Mata, malaking eye bag at namamayat na katawan. Tatlong araw na ang lumipas simula nang paghiwalayin kami ni Ken, pero hanggang ngayun ay hindi ko pa rin maiwasang umiyak lalo na kapag nakakatanggap ako ng mensahe galing sa kanya.

Kinausap din ako ni mommy kung bakit ayaw kaming hayaan na lang ni daddy. Itinuring nilang isang tunay na anak si Ken kaya hindi maatim sa kanilang magkakaroon kami ng relasyon, still hindi pa rin kami blood related at yun ang pananaw ko.

Inayos ko ang sarili bago lumabas ng kwarto. Papasok na ulit ako at inaasahan kong kukulitin nanaman ako ni Ken sa school. Naaawa na rin ako sa kanya, mas domoble yata ang payat niya kesa sa akin, mugto rin ang Mata at malaki ang eye bag na halatang umiyak. Tapos kapag kinukulit niya ako ay sinasabihan ko siya ng masasakit na salita para layuan ako.

Naabutan ko sa hapag na nagsisimula na silang kumain. Blangko ang mukhang umupo ako at nagsimulang kumain na rin.

"Aleighna kami ang maghahatid sayo ngayon." Suwesyon ni mommy.

"Para saan po? Para masigurong hindi ako lalapitan ni Ken? Don't worry kayo pa rin ang pipiliin ko kahit anong mangyari." Walang ekspresyong saad ko.

Wala nang nagsalita sa amin Pagkatapos nun. Katulad ng sinabi ay hinatid nila ako sa school. Nasulyapan ko pang nag-aalala ang mga Mata ni mommy bago ako lumabas ng sasakyan pero hindi ko iyon pinansin.

Naglakad ako papuntang room. Dahil maaga pa ay iniwan ko lang ang bag ko duon at lumabas muna ako para magpahangin. Tumuloy ako sa pinakamataas na rooftop sa school para masigurong walang makakasunod sa akin. Pero nagkamali ako dahil hindi pa nakakailang minuto ang lumipas nang dumating si Ken.

Para siyang nanghihina at ang lamya ng katawan niya.

"D-demy." Akma akong aalis na nang hilahin niya ako pabalik at mahigpit na niyakap. "P-please wag mo akong iwan."

Nararamdaman kong lalabas nanaman ang mga luha sa Mata ko kaya agad na akong lumayo sa kanya. Hinde pwede ito dahil alam kong sa oras na lumambot ako ay mawawala lahat Ng pinaghirapan ko.

"I'll make you choose me" malungkot na mga matang saad niya habang diretsong nakatingin sa mga Mata ko.

Naiiyak ako pero kailangan ko paring ipakita sa kanya na tama ang desisyon ko...na para ito sa kanya. Alam kong sa gagawin kong ito may mabigat na kapalit maaaring ikawasak naming dalawa o di kaya sa magdaang panahon ay maging maayos na siya samantalang ako ay maiiwang nagsisisi sa lahat pero...

"How much you can risk to insist me choose you?...We're done ken...  Tapos na tayo, so please stop it, kase kahit anong gawin mo, lumuhod ka man sa harapan ko, Hindi mo mapapalitan ang desisyon ko...Pamilya ko pa rin ang pipiliin ko." Piyok ang boses na saad ko.

Bagsak ang balikat na nag-iwas siya ng tingin sa akin. It's hurt, lalo kapag ikaw mismo ang gumagawa ng dahilan para lumayo ang mahal mo.

"Nasasabi mo lang yan dahil wala kang choice." Aniya.

Hindi ko na napigilan ang luha ko dahil naramdaman ko itong nag-uunahan nang tumulo sa pisngi ko. Ayaw ko mang Ipakita sa kanya ito pero huli na ang lahat. Sa huling pagkakataon mahina parin talaga ako lalo na pagdating sa kanya.

Caught Up In Your Heart (Aldama Siblings Series #1)Where stories live. Discover now