Chapter 29

164 9 3
                                    

Welcome Party

Naging mabilis ang takbo ng araw. Today's my welcome party. Pero mas mukha itong burol dahil sa mukha ko na mukhang pinagsakluban ng langit at lupa.

"Ayan ayus na." wika ni Ate. "Ngiti na lang ang kulang."

Pinagmasdan ko ang mukha ko sa harap ng salamin. Plain lang ang ayus ko at bumagay iyon sa simple caramel long dress na suot ko.

"You're so pretty." Komento niya.

"Thank you." Sagot ko.

"Pupuntahan ko lang ang mga guest sa baba, maghanda kana mamaya, okay?" Tumango ako.

Lumabas siya ng kwarto at naiwan ako duong mag-isa. Bumuntong hininga ako at inihanda ang sarili para sana lumabas na pero nakita ko sa reflection ng salamin na pumasok si Ken sa pinto.

"Anong ginagawa mo rito?" Tanong ko, kunwaring inaayos ang mukha sa harap ng salamin.

"You're so beautiful." Nagsalubong ang mga mata namin sa reflection ng salamin.

"Mas maganda si Ate Lorraine." Saad ko.

Dahan-dahan siyang naglakad patungo sa akin at yumuko para mahalikan ako. Agad ko naman siyang itinulak.

"Stop!" Umiling siya at umayos ng tayo.

"Okay I'm sorry, I know you're jealous with me and Lorraine. Sinadya ko yun baka sakaling magbago ang isip mo pero mukhang natalo ako."

Yeah I know, natalo siya dahil sa pagseselos sa amin ni Wendhell.

"Sorry din. You know I need to do this-"

"I know, huwag kanang magpaliwanag naiintindihan kuna." Tumayo ako at niyakap siya. "I miss you."

"I miss you too Ken." Kinalas niya ang yakap ko at dahan-dahang lumapit sa akin pagkatapos ay naramdaman ko na lang ang labi niya sa labi ko.

"I also miss kissing you." Aniya sa kalagitnaan ng halik namin.

Natigil kami nang may marinig na nalaglag sa labas kaya agad na nagtungo duon si Ken para tignan kung ano ba iyon.

"Just Lina." Aniya. "Let's continue-"

"No, bumaba kana."

"Tsk! Fine." Kamot ulo siyang lumabas ng kwarto.

Inayos ko naman ang sarili ko sa harap ng salamin habang hanggang tenga ang ngiti. Nang masigurong maayos na ang lahat ay lumabas na ako ng kwarto.

Pumwesto ako sa likod ng kurtina kung saan ay duon ako lalabas mamaya. Naririnig ko ang ilang ingay ng mga Tao mula duon. Maya Maya lang ay nagsimula nang magsalita ang emcee.

"Let's welcome the second heirs of Aldama clan, Miss Aleighna Adelee Aldama!"

Dahan-dahan akong lumabas sa kurtina, nagpalakpakan ang mga Tao at nakangiting tumingin sa akin.

Hindi ako makapaniwala, ako at si Aleighna ay iisa.

Pinagmasdan ko silang lahat. Ang mga taong magiging parte na ng buhay ko simula ngayun. Ang mga kaibigan ko, pamilya, at syempre si Ken.

Pagtapos kong magbigay ng maikling speech ay pinuntahan ko naman ang mga guest.

"Demy!" Tinawag ako ni Leila sa table nila kasama sila Wendhell, Khate, at Cedrick.

"Hi!" Masayang bati ko sa kanila.

"O my god, hindi pa rin talaga ako makapaniwala na ikaw ang nawawalang Aldama." Ani Leila.

"Tsk! OA!" Asik naman ni Wendhell.

Bago pa sila magbangayan ay nagpaalam na kaagad ako Kay Khate na pupuntahan muna ang ibang mga bisita. Nasa last na guest na ako nang bulungan ako ng katulong na magtungo sa kwarto ni mommy.

Nagtataka akong sumunod sa sinabi niya. Nasa labas pa lang ako ng kwarto ay naririnig kuna ang ingay sa loob.

"Paano mo nagawa yun! You suppose to be her brother!" Boses ni daddy.

"Hindi kami magkadugo-" nakarinig ako ng malakas na kalabog sa loob kaya dali-dali akong pumasok.

Naabutan kong nakahiga si Ken sa sahig habang pinupunasan ang dumudugong labi.

"Ken!" Sigaw ko pagkatapos ay lumapit sa kanya para alalayan siyang tumayo.

"Aleighna lumayo ka sa lalaking yan!" Galit na sabi ni daddy.

Umiling ako at humawak sa braso ni Ken.

"See? I told you, they have incest relationship." Ani Ate Lorraine.

Incest? Paano magiging incest kung hindi naman kami magkadugo?

"We're not blood related!" Saad ko.

"Kahit na! Magkapatid pa rin kayo sa mata ng mga Tao!"

What the hell they think!

"Dad? Please let me at Ken be together." Pakiusap ko Kay daddy.

Nag-iwas siya ng tingin. Bumaling naman ako Kay mommy na hindi makapaniwala sa nangyayari.

"Ken you are our son-"

"I love Demy at kaya ko pong isakripisyo ang lahat para sa kanya."

Ganun din ang nasa isip ko ngayun. Walang makakapaghiwalay sa amin ni Ken kahit ano pa.

"Then choose Demy! Kami na pamilya mo o si Ken?"

"Dad!"

"Pumili ka!"

No hindi ako pipili kahit ano pang mangyari.

"Aleighna, matagal ka naming hindi nakasama, kami na pamilya mo anak." Wika ni mommy.

"Kay Ken lang po ako nakaramdam ng pagmamahal na parang isang pamilya."

"Pero nandito na kami, ang tunay mong pamilya. Hayaan mo kaming iparamdam ang pagmamahal na sinasabi mo."

Umiling ako at bumaling Kay Ken.

"Kung nahihirapan kang mag decide then let me help you, pumasok kayo." Sabi ni daddy.

Bumakas ang pinto at iniluha non ang hindi pamilyar sa akin na mga Tao.

"They are Ken's family, katulad namin gusto rin nilang makasama si Ken, now think Demy puputulan mo ba sila ng pag-asa na makasama si Ken?"

Naguguluhan na ako. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Mahal ko si Ken pero may pamilyang nag-aantay sa kanya.

"Demy, kailangan si Ken ng pamilya niya." Naiiyak akong bumitaw sa braso ni Ken.

Tumayo ako at akmang maglalakad na palayo sa kanya nang hawakan nito ang kamay ko at hilahin palapit sa kanya kaya napaupo ako at napayakap sa kanya.

"Demy don't let me go please, ilalayo nila ako sayo once na maghiwalay tayo." Piyok ang boses na saad ni Ken.

Umiling ako at niyakap siya ng mahigpit.

"Ken your family needs you-"

"But i needed you the most."

Mas lalo bumuhos ang luha ko nang maramdaman kong humigpit ang yakap niya sa akin.

Ako din pero kayang kong isakripisyo ang sarili ko para sayo so please,

"Ken let me go please."

"I can't."

"I'm sorry." Ako na ang kusang bumitaw sa yakap. Mas lalong hinigpitan ni Ken ang pagyakap sa akin para hindi ako makaalis pero linakasan ko ang pwersa ko para makaalis sa yakap niya.

"I'm sorry Ken but I need to choose my family more than you."

Caught Up In Your Heart (Aldama Siblings Series #1)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu