Chapter 17

189 13 0
                                    

Unti-unti

"I'm sorry guys, but daddy decided na rito na muna tayo magpalipas ng gabi." Gulantang ako napalingon kay Khate.

Tama ba ang narinig ko? Magpapalipas ng gabi!

"What? Hindi yun pwede! Kung hindi pa siya makapag decide pwede naman kaming bumalik bukas para malaman ang sagot niya." saad ko saka lumingon kay Ken. "Right?"

Diretso ang tingin niya sa dagat na para bang nagiisip. Isipin mong mabuti Ken please.

"No, kailangan nating sundin ang gusto ng clients natin." Para akong nawalan ng pag asa sa buhay ng sabihin niya ito.

"That's business." Dagdag naman ni Khate.

No hindi pwede to, wala akong gamit na dala isa pa baka mag alala si Ma'am Almeighra kapag nalaman niyang hindi kami umuwi.

"What about Ma'am Almeighra? Paano kung mag alala siya? Baka hanapin niya tayo."

"No need to worry Demy, tatawagan ko si mommy mamaya para magpaalam."

"How about my things? Wala akong gamit na dala."

"I have some... sa hotel may mga gamit ako duon pwede mong hiramin." Suwestiyon ni Khate.

Umiling iling ako pagkatapos ay sumalampak sa buhangin dahil sa sakit na nararamdaman sa paa.

"No need, magpapadala ako ng gamit namin."

Itinuon ko ang pansin sa namumulang paa ko, habang naguusap ang dalawa kung ano ang gagawin mamaya.

Uuwi na sana kami kanina pero dahil mayroong piyestang magaganap daw dito mamaya ay hindi kami pinayagang umuwi ng daddy ni Khate. Aniya ay minsan lang ito kaya dapat na makisama kami.

"Let's go." Anyaya ni Ken nang matapos silang mag usap ni Khate.

Dumidilim na rin kaya kailan na naming pumunta ng hotel para makapagpahinga dahil mamayang gabi raw gaganapin ang piyesta sa lugar.

Tumayo ako at sinimulang lumakad pero nakakailang hakbang palang ako ay muli nanamang kumirot ang paa ko dahilan para muntik na akong matumba mabuti na lang at naalalayan kaagad ako ng kuya ni Khate.

"Are you okay?" Tumango ako. "Namumula ang mga paa mo, kaya mo bang lumakad?"

"Here." Napalingon kami kay Ken.

Nakaupo siya habang tinuturo ang likurang bahagi ng katawan. Anong balak nito?

"Come on Demy, dumidilim na sumakay kana sa likod ni Ken." Sinamaan ko ng tingin si Khate pero tumawa lang ito ng palihim.

"Hindi na, kaya ko pa naman." Tumayo ako ng tuwid saka humakbang ulit, sa pagkakataong yun ay nakalakad ako ng ilang hakbang pero habang tumatagal ay mas lalong sumasakit ang paa ko kaya muli akong tumigil.

"Tsk, don't be stubborn." Hinila ni Ken ang kamay ko at pilit na pinasakay sa likuran niya.

"Ken ibaba mo ako." Sabi ko habang pinapalo ang likuran ni Ken.

"Ano ba! wag kang malikot kung ayaw mong malaglag."

"Ibaba Mona kasi ako!"

"Ayoko!"

"Ibaba mo ako!"

"Ayoko nga!"

"Hello dumidilim na po." Singit ni Khate. Kaya natigil kami.

"Ibaba mo ako." Bulong ko sa likod ni Ken.

"Tsk" Hasik niya

Hindi na ako naka angal nang dirediretso siyang nag lakad ng dahan dahan habang nakasakay ako sa likod niya.

Caught Up In Your Heart (Aldama Siblings Series #1)Where stories live. Discover now