Chapter 15

165 11 2
                                    

Training

"Do you have any suggestions, miss Demy?" Tanong ni Ken.

Nakaupo siya sa swivel chair habang nakahalukipkip at nakapatong ang isang paa sa kabilang tuhod. Ang mga daliri naman niya ay pinaglalaruan ang ibabang labi.

May meeting kami ngayon pero hindi tulad ng mga employee, nakaupo ako sa sofa sa gilid nila.

Ano ka matapos mo akong pahirapan ng ilang araw sa pagtitimpla ng kape mo magtatanong tanong ka sa akin ngayon. Manigas ka!

Hindi ko siya pinansin. Nanatili akong nakaupo sa sofa at pakunwaring tinitignan ang mga kuko sa kamay.

"Miss Demy?" Narinig ko siyang nag buntonghininga. "Are you with us miss Demeter Fernandez?!"

Mahina pero matigas niyang tanong. Lumingon ako sa kanya. Kasalukuyan na niyang inaayos ang sarili sa pagkakaupo sa swivel chair. Nang bumaling ang mga Mata niya banda sa akin ay inirapan ko ito.

Mukhang hindi naman ako part ng meeting na ito kaya bakit niya ako tatanungin, tsk.

"This meeting is done!" Gulat akong napalingon sa kanya,

"But Sir-"

"We will continue it in other time, for now, let me and my secretary have some time." Agad nagsitayuan ang mga Tao at mabilis na naglakad palabas ng office.

Lumunok naman ako ng ilang ulit.

Ilang saglit lang ay naiwan na kaming dalawa ni Ken sa loob.

"Are you insulting me in front of my employee, Demeter Fernandez?!" Naiinis na Tono niyang saad.

"Excuse me sir, Demy nalang-"

"Demy!"

Halos malaglag ako sa inuupuan ko nang pasigaw niyang banggitin ang pangalan ko.

"Umayos ka nga, nandito ka para mag training at hindi mag laro!" aniya

Mukha ba akong nag lalaro? Hindi naman ako nag tutumbang preso o nag tataya-tayaan dito sa loob ng office ah. Saka isa pa nananahimik ako dahil wala naman akong isasagot sa tanong niya, training ang pinunta ko dito pero mag timpla ng kape ang itinuro niya sa akin!

"Hoyy para sabihin ko sayo, hindi mo po ako tinuruan mag traning, sa halip pinag timpla mo ako ng kape ng ilang araw," kinagat niya ang ibabang labi at makailang ulit na lumunok.

"I'm the boss here, kaya dapat lang na sundin mo ang pinagagawa ko." Umirap ako.

"No!"

"Excuse me?"

"Ayoko! Pupuntahan ko si Ma'am Almeighra sa office niya para isumbong ka." Tumayo ako at humakbang palabas.

Dali Dali namang tumakbo si Ken patungo sa pinto at agad itong hinarangan ng katawan.

"You can't do that!" Kuno't noo niyang saad.

"Let see."

"Wag kang makulit! Diba pinaliwanag ko sayong hindi nila pwedeng malaman na malapit ka kay Madam Almeighra."

Oo nga pala. Ang usapan kasi na hindi pwedeng ipakalat na nagpapanggap akong si Aleighna dahil malaking gulo raw ito lalo na sa mga co-holder nila sa company. Sa school ayus lang dahil private at hindi naman daw pinapakaelaman ang bawat studyante duon, maliban nalang kung may nag aaral duon na nagtatrabaho dito sa company o anak ng co-holder nila sa company siguradong magugulo ang lahat. Kaya inaalala ko rin si Wendhell since dito siya nagtetraining.

"Bakit kasi hindi mo pa ako turuan?"

"I will teach you just... Just wait a little bit time."

Nakanguso akong bumalik sa sofa.

Caught Up In Your Heart (Aldama Siblings Series #1)Where stories live. Discover now