Chapter 9

176 11 0
                                    

Starting now

Inabot ko ang suklay sa harap ng salamin pagkatapos ay inumpisahang padaanan nito ang mahaba, medyo brown at alon-alon kong buhok.

Mabuti nalang kahit mabigat ang problema ko hindi naaapektuhan nito ang mukha ko. Hindi naman ako sobrang ganda, actually I am just ordinary, like the other girls.

As for me, hindi naman kailangan maging maganda ng isang babae, being 'you' is what needed.

I sigh, when I remembered what happen yesterday.

Flashback

"Mom, your kidding right?!" His jaw tightened, matapos sabihin ni Ma'am Almeighra na rito muna ako pansamantalang titira.

"Of course I'm not, Ken"

"But-"

"No but, napag-usapan na namin Ito ng dad mo and pumayag siya." Bumaling sa akin ang masamang tingin ni Ken kaya yumuko ako.

"Then what's the plan?" Tanong niya. Hindi parin inaalis ang tingin sa akin.

"Dito siya titira hanggang sa makahanap na siya ng titirahan, and napag-isipan ko two days na lang pasukan na ulit, kaya habang nandito siya ay sagot ko ang pag-aaral niya."

Parehas kaming napalingon ni Ken kay Ma'am Almeighra nang sabihin ito.

Wala kaming napag-usapang ganito!

"Seriously Mom? Wala ba siyang kamag-anak, kakilala, kaibigan or what para doon tumira?!"

Konti nalang aalis na talaga ako rito, ano bang nagawa ko sa lalaking to at ang laki laki ng galit sa akin?

"Ken, bakit ba kanina kapa umaangal sa gusto ng Mom mo? Why, may ginawa bang masama sayo si Demy?" Untag ni sir Ricardo na kanina pa nakikinig sa usapan.

His jaw set.

"I am just being protective here, baka po kasi may iba siyang pakay."

What the hell, mukha ba akong gold digger?

"Kung may binabalak ako, edi sana nung una palang humingi na ako ng pera, bakit kopa papaabutin dito kung may utang na loob sa akin si Ma'am Almeighra! Magpapagod lang ako." Inirapan ko siya.

"She's right, Ken-" may sasabihin pa sana si Ken nang unahan ko siyang magsalita.

"Para po maging maayos ang usapan, magtatrabaho po ako rito sa inyo kapalit ng pagpapatira at pagpapa-aral sa akin."

Siguro naman maayos na usapan na yun sa kanya, diba?

"Tsk, ano naman kaya mong gawin?"

"Madami! Kaya Kong Magluto, maghugas ng Plato, magwalis, maglaba, gusto mo labahan kopa mga damit mo eh!" Napangiwi siya sa sinabi ko.

"No thanks."

Ang arte!

"No need Demy, I actually have a job for you." Seryosong saad ni Ma'am Almeighra. "Be my child.... Pretend like you're my own daughter....Pretend like you're Aleighna."

End of flashback

Ibinaba ko ang suklay pagkatapos ay huminga ng malalim.

I can do this! I need to do this!

Bumakas ang pinto at sumilip doon ang isang katulong.

"Ma'am Aleighna, bumaba na raw po kayo bago po kayo iwan ni sir Ken."

Tumango ako.

Starting now kailangan kong sanayin ang sarili ko bilang isang Aleighna.
Sana kayanin ko.

Bumaba na ako at nag tungo sa harap ng gate kung saan nag aantay ang dapat daw tawagin kong kuya. The jerk man. Agad na tumaas ang kilay niya ng masilayan ako.

"How long did I need to take for waiting for you?"

Sungit!

Hindi ko siya sinagot, sa halip ay binuksan ko ang front seat ng kotse at sumakay. Ganon din ang ginawa niya.

Nakakainis pwede naman sigurong yung driver nalang ang kasama kong mamili ng mga kailangan ko bakit siya pa? Hell day nanaman to para sa akin.

"What?! Hindi ikaw ang totoong Aleighna nagpapanggap kalang kaya wag kanang umasang ituturing kitang kapatid ko." He smirked.

"Pake ko? Kung ako man ang totoong Aleighra ayaw pa rin kitang maging kapatid no!" Jerk!

Umirap lang siya pagkatapos ay sinimulan ng paandarin ang sasakyan.

Pero ilang minuto lang ang lumipas ay nagsimula nanaman siyang magsalita ng kung ano-ano tungkol sa akin. Hindi ko nalang siya pinansin sa halip ay itinuon ko ang sarili sa pagbibilang ng mga bahay na nadadaanan namin.

Hanggang sa makarating kami sa mall at makabili ng mga gamit ay salita lang siya ng salita.

Wala kayang kapaguran ang bibig nito? Daig pa niya ang babae kung makadada.

"Hoy nakikinig kaba?" Tanong niya pagpasok ng kotse.

"Oo na, bilisan mo na mag drive at nagugutom na ako!"

"Tsk! Sa tingin ko wala kang nakuha sa lahat ng sinabi ko. Puro pagkain ang nasa utak mo!"

Tsk, alam naman pala niya nagtatanong pa.

Huminto kami sa isang restaurant para roon kumain. Habang hinihintay namin ang order ay nagsimula nanaman siyang magsabi ng mga hinaing niya tungkol sa akin.

"Naiinis ako sayo! Kung may pakay ka wag mo nang ituloy dahil nakatuon ang buong atensyon ko sayo!" Inirapan ko siya.

"Alam mo hanggang ngayon hindi parin talaga ako makapaniwala na ikaw ang nag ligtas sa akin eh, sinapian kaba ng angel nung gabing yun?"

"What the hell, bakit naman kita ililigtas? Kung ako ang nakakita sayo nung araw na yun-"

"Correction! Gabi yun."

"Nung gabing yun iiwan kita or baka sagasaan pa kita."

Ang harsh ng lolo niyo! Pero teka sino nga kaya ang nagligtas sa akin? Ang sabi ni Ma'am Almeighra ay si Ken daw pero ang sabi naman ni Ken hindi daw siya! Hay nakakalito! Konti na lang sasabog na ang maliit Kong utak!

"Bro!" Napalingon ako sa lalaking tumawag ng 'bro' kay Ken.

At ganon nalang ang gulat niya nang makita ako.

"Oi siya yung babae sa harap ng company diba? Akala koba hindi mo siya girlfriend, Eh bakit siya nandito?" Kilala niya ako?

"Kilala mo ako?"

"Of course ako lang naman ang saviour mo nung araw na yun."

Isa pa to eh! Sabi ng gabi araw sila ng araw!

"Correction, gabi yun bro." Untag ni Ken na nakikinig pala.

Ang akala ko lumubog na siya sa kinauupuan niya, sayang! By the way mabuti at nangoreksyon siya.

"So dapat pala sayo ako mag thank you."

"Yeah, pero dinner nalang next time may lakad ako ngayon e" dinner? Ang bilis naman nito!

"Go away Wendhell! Your losing our appetite!"

"Sungit mo bro! Hindi ko naman siya aagawin!"

"She's not my girlfriend!"

"Okay sabi mo e" kumindat pa sa akin si Wendhell bago tuluyang umalis.

"Easy to get tsk!" asik ni Ken saka ako inirapan.

Problema nito?

Caught Up In Your Heart (Aldama Siblings Series #1)Where stories live. Discover now