Chapter 16

179 6 0
                                    

Secretary

Halos madapa na ako kakahabol sa bilis ng lakad ni Ken. Isang hakbang niya yata ay dalawang hakbang ko na.

"Faster!" sigaw niya.

Kahit nadadapa dapa na ako ay natataranta parin akong naglakad ng mas mabilis . Pero paano ako makakalakad ng mabilis sa buhanging ito kung ang suot kong sapin sa paa ay high heels?

"Sana kasi pinag sapatos mo na lang ako!" Ani ko habang padabog na sinisipa ang mga buhanging nadadaanan.

"Are you out of your mind? Sinong Tao ang mag sasapatos kung Bohemian dress ang suot?" Natapilok ako matapos sipain ang buhangin pero hindi iyon nakita ni Ken dahil dirediretso parin siyang naglalakad palayo.

Ni wala man lang siyang pakealam sa akin kahit na nadadapa na ako.

Nang maayos ang sarili ay naglakad na muli ako ng mabilis para mahabol ko ang palayong si Ken sa direksyon ko.

"So you think high heels is appropriate?" Hindi siya nagsalita pero Alam Kong narinig niya ang sinabi ko, sadyang tama lang ako kaya wala siyang masabi. "Ken sumasakit na ang paa ko."

"Tsk, just walk carefully hindi mo ikamamatay ang pag sakit ng paa."
Umirap ako ng palihim sa likod niya pagkatapos ay hindi na muling nagsalita pa hanggang sa makarating kami sa lugar na usapan.

Isa isa kong pinagmasdan ang mga Tao duon, una ay matangkad na lalaki na mukhang kaidad lang namin, katabi niya ang matindig na matandang lalaki kung tumayo, at halos gusto ko ng bumalik ng madapo ang tingin ko sa babaeng nakatingin din sa akin.

"Khate" mahinang bulong ko.

Ngumiti siya ng nakakaloka saka nag iwas ng tingin at ibinaling iyon kila Ken na nagsisimula nang mag-usap.

Anong ginagawa niya dito? Gusto kong sabihin kay Ken na andito si Khate pero mukhang hindi na kailan dahil sa kamayang ginagawa nila sa harapan ko.

"By the way this is my secretary Demeter Fernandez." Bumaling muli ako kay Khate bago lumapit at nakipagkilala sa mga kasama niya.

Una kong inabot ang kamay sa gwapong lalaki pero laking gulat ko ng halikan niya ito pagkatapos ay ngumiti.

"Beautiful secretary I've ever seen. How are you my lady?" Bumaling ako kay Ken.

His jaw clench, nakakuyom din ang mga kamao niya habang nakatingin sa kamay kong hanggang ngayon ay hawak pa rin ng lalaki.

Agad kong binawi ang kamay saka itinago sa likod.

Why I have this feeling na galit siya sa nangyari?

Tumikhim si Khate kaya nabaling sa kanya ang atensyon namin.

"Shall we start?" aniya saka pasimpleng tumingin sa akin.

She's watching my action. Hindi ako natutuwa sa presenya niya, bawat ngiti niya ay nakakatindig balahibo.

Matapos ang ilang minutong pagpapakilanlan ay sinimulan na ang meeting.

Nasa kaliwang bahagi kami ng upuan ni Ken, habang nasa kanan naman sila Khate katabi ang matandang lalaki na Papa pala niya at ang kaninang isa pang lalaki na kuya naman niya.

Hindi naman nagsasalita si Ken sa tabi ko seryoso lang siyang nanonood sa harap.

Matapos naming panoorin ang inihandang presentation ni Ken ay tumayo ito at nagsimulang magpaliwanag sa harap. Habang seryoso akong nakikinig sa kanya ay biglang nag vibrate ang cellphone ko sa kamay, kaya agad ko iyong tinignan.

Caught Up In Your Heart (Aldama Siblings Series #1)Where stories live. Discover now