"Tangina mo talaga"inis na sabi nito. At ngayon ko palang na realize na ganon siya kabango at kaganda sa malapitan. Porselana ang kutis niya at parang isa siyang prinsesa

"Tumigil na nga kayo sa kalakohan niyo. Di nakayo nakakatuwa"bigla ay nagulat ako ng sabihin yon ni shida na kanina ay nasa magandang mood pero ngayon ay seryosong seryoso na

Nalimutan kong kj nga pala siya

"Kj tsh"sabi ko. Tumayo naman si shida at lumapit samin ni palamura.

"Bubuksan ko na ang pinto at kailangan niyo ng tumigil"ani ni shida na seryosong seryoso. Nagkabit balikat na lang ako at umupo nalang sa upuan ko

"Kj talaga si shida"
"Haysst ano pa nga ba. Mamaya na lang uli natin subukan"
"My bago paba kay shida?"naiinis na sabi ng kaklase ko at umubob na lang ako

Ang bango ni palamura. Nanonoot sa ilong ko ang malabulaklak niyang amoy. Tch

Alec POV

Naiinis nako sa mundo. Kasalukuyan ng nagleleson si mr. Tom at nag iisip ako kung papaano ba ako magsusumbong

{Imagination take 1}

Sugatan akong lumapit sa guro ko at umiiyak ako dahil sa kababuyan na pinagagawa sakin ng mga deputa kong kaklase

"Mr. T-tom. M-mga demonyo yang estudyante m-mo. w-wlang a-awa nila akong p-pinahirapan s-sa pag t-takbo"ani ko habang umiiyak pa. Muka akong isang batang babae na musmos at nilapastangan kaya naman agad akong kinaawaan ni mr.tom

"Ganon ba. Kailangan parusahan ang mga kaklase mo. Kailangan silang magdusa hangang sa mamatay sila"sagot ni mr tom at dahil don ay nabuhayan ang nanghihina kong katawan

"G-gawin niyo po y-yon mr.tom"nagagalak na tanong ko sa kanya

"Aba siyempre wala silang karapatan na ganyanin ang isang prinsesa"desidido sa sagot niya

{End}

Teka mali mali. Di dapat ako mag mamakaawa. Di pede yon. Kelangan ko umisip ng ibang paraan kung papaano ko pasasamain ang mga kaklase ko sa mata ni  mr tom para matauhan siya

{Imagination 2}

Nagkaroon ako ng malalang sakit at kagagawan yon ng end class. Dahil don ay na hospital ako at kailangan silang maparusahan

Naging malubha ang sakit ko at dahil don sising sisi ang end class sa nangyari at magagalit si mr. Tom hanggang sa...

"M-mr tom. B-bago ako m-matay. G-gusto ko po sanang parusahan ninyo ang end class a-at i-iyon ang huling kahilingan ko"ani ko bago ako malagutan ng hininga

Nagalit naman si mr.tom at pinadimolish niya ang bahay ng mga estudyante niya

{End }

Teka masyado oa naman yung kailangan ko mamatay. At impossible na magkasakit ako dahil tumakbo ako .posible kaya yon??

Teka kelangan ko talaga umisip ng paraan paano ko mapapatigil ang mga to sa pinagagawa nila sa akin.

Dahil kung hindi ay pag titiyagaan ko ang ganto nilang trato sakin.di iyon maari

Ahaaa

{Imagination 3}

Biglang dumating si daddy dahil sa mga sinumbong ko sa kanya at agad na pinuntahan si mr. Tom

"Di maari ito. Di niyo pedeng alilain ang prinsesa ko "nag aalab sa galit na sabi ni daddy kay mr.tom

Kaya naman agad na gumawa ng action si mr.tom  sa mga nangyari at nagkaroon ng kasunduann na magkakaroon ako ng isang kahilingan na kapalit sa mga pang aapi nila sa akin

Agad ko namang sasabihin na gusto ko ipadimolish ang bahay nilang lahat at gagawin naman agad yon ni mr. Tom

Makikiusap naman sakin ang mga hangal kong kaklase at hahalikan nila ang sapatos ko

{End}

Pede kaya na mangyari yon??..

"Ms. Sandoval??"bigla ay tanong ni mr.tom kaya naman bumalik sa katinuan ang isip ko at tumingin sa kanya

"Bakit ?"nakataas ang kilay na tanong ko sa kanya at don ko lang napansin na nakatingin narin sakin ang mga kaklase ko sa akin

"Bakit ka nakatayo at nakataas pa ang kamay mo??"tanong niya at don ko lang narealize ang posisyon ko

"HAHAHHAHAHA kapatid ata siya ni darna"
"HAHAHAHHA ang epik ng itsura ni palamura. Muka siyang masamang tao na may binabalak na masama"
"Anong pakana na naman to HAHAHAH"tawanan ng mga kaklase ko at napapahiya akong napatingin sa kanila

"Hoy mga t-tangina"dahan dahan ko ibinaba ang kamay ko dahil sa kahihiyan ko

Maging si mr.tom ay natatawa na kaya naman di ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Kakahiya. Kainis. Bat ba di ko namalayan na nakatayo nako habang nag iimagine ng kung ano ano

Punong puno nako

"Tangina"inis na bulong ko sa sarili ko at nahihiyang napaupo

"Ok class stop. Balik tayo sa topic "sabi ni mr tom na pinatitigil ang deputa niyang estudyate sa pag tawa

Discuss

Discuss

Naglabasan na at di na ako unangal ng paglinisin na naman nila ako dahil mula nung mangyari ang nakakahiyang pangyayari sa akin ay di ko na magawang umimik pa

Hinayaan ko sila na ikulong nila ako sa silid at tahimik naman akong naglinis. Medyo naiirita ako pero wala akong magawa

Sigurado ako na kung pagmumurahin ko sila ay gagawin nilang pambato sa akin ang kahihiyan ko kanina

Nang matapos ko ang paglilinis ko ay nanghihina ako dahil sa pagod na lumabas ng pinto. Pero di pako nakakalabas ng marinig ko na nandito pa sila at nag uusap

"Yes tagumpay tayo "
"Akala ko magiging mahirap yon pero tingan ninyo walang angal na si palamura na nag lilinis"
"wala na tayong iisipin na linisin dahil ngayong taon si palamura na ang maglilinis "nagdidiwang sa saya na ani ng mga kaklase ko at doon ko naman nakuyom ang kamao ko

"Class--"di ko na narinig ang sasabihin nung nagsalita dahil sa nabingi ako ng sari saring isipin dahil sigurado akong yung tanginang teacher ko ang nagmamayari ng boses nayon

Kasabwat siya sa kabalbalan na ginagawa sakin?? Alam niya na pinaglilinis ako ng buong lumang maliit na campus na to??alam din kaya niya na di ako kumakain tuwing break time dahil inaagawan ako ng estudyante niya ng pagkain. At alam den kaya niya yung paghabol sakin kaninang umaga at kung ano ano ang mga pinagsasabi sa akin ng mga animal??sabagay ano nga ba ang aasahan ko

Lumabas ako ng pinto at agad naman silang napatingin sakin. Napatingin ako kay mr tom na gulat na gulat pero nginitian ko silang lahat

"Teacher ka. At akala ko ay ikabubuti ng estudyate ang nais ng isang guro. Hindi pala. Akala ko yung tanginang dean lang ang my kinikilingan ikaw rin pala. Magsama-sama kayo. mga tangina niyo"sabat ko at tinalikuran sila

Wala naman ng nagtangkang humabol sakin bagamay may mga second emotion pa ang mga depungal

"Wala kang karapatan na pagsalitaan si mr.tom di mo siya kilala palamura. Wala kang manners "ani ng isa sa kanila at ng iba pa

Makakapal talaga ang muka. Ako na yung na aargabyado ako pa ang walang manners

Mamatay na silang lahat. Wala akong pake sa kanila. Pag ako talaga nakaalis dito papademolish ko talaga ang bahay nilang lahat

******************
Classroom of this spoild maldita

CLASSROOM OF THIS SPOILD MALDITADove le storie prendono vita. Scoprilo ora