“We’re here” pagkasabing iyon ni Jared ay agad kong minulat ang mata ko. Tumingin ako sa labas at nakita ko yung mga mararangyang sasakyan na nakaparada sa paligid. Tinignan ko si Jared at nakita ko ang nag-aalala niyang tingin sa akin. Pilit akong ngumiti sa kanya.

“You sure that you want to come?” aniya at para bang may kung ano sa tingin niya na nagsasabi na ‘If you say no then we will not go so please say no’ pero hindi ko lang alam kung yun nga ba ang pinapahiwatig niya.

“Andito na tayo eh, tsaka kailangan ka nila” I softly said. Bumuntong hininga naman siya at napayuko. Sinundan ko lang siya ng tingin hanggang sa hinawakan niya yung isang kamay ko.

“Wala akong pakialam kung kailangan nila ako, just say that you need me then I’m willing to leave them right away for you, Gail” malumanay na sabi niya at tumingin sa akin ng diretso. Marahan naman akong tumango at palihim na napalunok dahil sa sinabi niya.

Shocks. Kinikilig na naman ako. Grabe kasi yung mga banat niya eh.

Nakaka-speechless.

Namayani naman ulit ang katahimikan sa pagitan namin dalawa. We still both directly looking at each others eyes. Fudge! Yung puso ko nagsisimula na namang magwala parang ewan lang. Pero mas lalong bumilis yung tibok ng puso ko ng bumaba ang tingin niya sa mga labi ko. Oh my gulay!

He’s about to move closer to me when I stopped him and move away from him.

“Uhm tara na? Baba na tayo?” I awkwardly asked. He cleared his throat.

“Tss. Okay” tipid na sabi niya. Tumingin ako sa kanya at palihim na lang akong napangiti nung makita ko yung medyo frustrated niyang itsura habang bumababa ng sasakyan.

***

Papasok na kami sa venue nung bigla akong makaramdam ng matinding kaba. Huminga ako ng malalim para pakalmahin ulit ang sarili ko. First time ko rin kasing pumunta sa ganito, nakapunta naman na ako ng ibang party pero hindi yung ganito ka-formal, kung formal man ay kasama ko ang mga magulang ko. Pero ngayon iba na, iba yung feeling na haharap ka sa mga tao na hindi ka na lang basta anak ng isang mayamang pamilya kundi asawa ka rin ni Jared Montello.

Nakakakaba talaga.

Bigla naman akong natigilan nung hawakan ni Jared yung kanang kamay ko ng mahigpit. I looked at him and he’s looking at me worriedly. Marahan lang akong tumango at nagsimula na ulit humakbang papasok doon sa loob.

As what I expected, ganun pa rin talaga ang makikita ko. Mga taong nakasuot ng mga marangyang damit at kung anu-ano pang mamahaling bagay, show-off kumbaga. Ewan ko basta typical elite party talaga ito. Nakikipag-usap sila sa iba’t ibang tao para mapalaganap ang connection nila para mas lalo pa silang yumaman.

Nung tuluyan na kaming makarating sa loob ay agad namang napalingon ang mga tao sa amin? O baka kay Jared lang, hindi naman kasi nila ako kilala. Agad namang may lumapit sa amin dahilan para lalo akong kabahan. Geeez! Wala talaga akong alam sa ganito.

Beauty and the BeastWhere stories live. Discover now