Van and Lisden -Enemy's Crap (5)

Magsimula sa umpisa
                                    

"Papa?!"

"Ano to, Majesty Amria? Kakarating ko lang galing kampo tapos naabutan kitang hahalikan ang lalaki mo?!" Galit na bulyaw ng Papa niyang militar.

Bigla siyang nataranta ng samaan nito ng tingin si Van. Tinulungan niyang tumayo ang binata.

"Okay ka lang ba? Pasensya na." Bulong niya sa binata.

"Pati ba naman ikaw, Reina, hahayaan mo lang ang Mama mo? Prince? Duke? Princess?" Baling nito sa mga kapatid niya.

Ang mga pangalan talaga nila ay pang-royalty, sa kanya lang talaga iba ang spelling.

"Hoy, King! Kingina mo! Hindi ko siya lalaki, mapapangasawa 'yan ng anak mo." Bulyaw pabalik ng Mama niya.

Kumalma naman ang Papa niya bigla.

"Ganoon ba? Mabuti--- mapapangasawa ni Reinalisden?!"

Muling bumagsik ang anyo ng Papa niya kaya kinabahan siya. Strikto ang Papa niya pero napakamabuti nitong ama at mapagbigay.

"P-pa, kumalma po kayo." Pagpapakalma niya sa Papa niya.

"Pwede ba King, ako na ang bahala dito." Singit ng Mama niya at humarap kay Van.

"Kailangan mong patunayan na karapat-dapat ka sa anak ko!" Sabi nito habang pinaypayan ang sarili.

"At hindi rin kami papayag na hindi napapatunayan na karapat-dapat ang anak mo anak ko."

Napasinghap ang lahat sa bagong dating. Sopistikada na babae na kaedad lang ng Mama niya, may mga body guards pa ito. Katulad ng Mama niya ay walang kupas ang ganda nito. Simple lang mamustura ang Mama niya habang ito ay napaka-elegante. Para itong beauty queen noong kabataan. May lahing espanyol tulad ng Mama niya.

"Matilde." Bati ng Mama niya.

"Ako nga, Amria. Or should I say, balae?" Sopistikadang sabi ng babae. Napaka sosyal naman dahil may yaya pang taga paypay. Kaya binigay ng Mommy niya kay Duke ang paypay at pinandilatan ito ng mata.

"Paypayan mo ko!" Bulong ni sa anak.

Napailing na lang siya.

"Magpapalit tayo ng anak. Pahirapan mo ang anak ko, and I will train your daughter. Let's see if they deserve each other." Sabi ng nagngangalang Matilde.

"Ma." Pigil ni Van.

Mama?! Mama niya? Kaya pala may hawig ang binata.

"Don't stop me, Vander. Guards," tawag nito sa guwardiya. "Get her." Dagdag nito habang nakaturo sa kanya.

Nanlaki ang mata niya sa gulat. Agad siyang itinago ni Van sa likuran nito.

"V-van..."

"Sshh. It's fine, babe. I'll protect you." Bulong ni Van at bahagyang pinisil ang kamay niya.

"Huwag mong hawakan ang kamay ng anak ko!"
Agad na napabitaw si Van sa kanya dahil biglang umeksena ang Papa niya.

"Everything is embarrassing, hindi ko alam na ganito ang reaksyon nila Mama at Papa." Mahinang bulong niya sa binata.

"V-van, I'm giving you one last chance. Tumakbo ka na---hmmf!"

Napasinghao siya sa gulat ng bigla na lang itong lumingon sa kanyab at hinalikan siya sa labi. Mariin at maparusa. Bahagya pa nitong kinagat ang pang-ibabang labi niya bago humiwalay.

"Oy, porn!" Kantyaw ni Prince.

"Say that one more time. Hindi lang halik ang aabutin mo."

Tinikom na lang niya ang bibig.

Muling humarap ang binata sa mga magulang nila.

"I'm sorry for that, I just need to teach my girl a lesson." Hinging paumanhin nito.

Tumawa naman ang Papa niya at tinapik ang balikat ng binata na nagpagulat sa kanila.

"Ganyan nga, hijo. Hindi mo dadapatan ng kamay ang anak ko. Halik lang dapat ang parusa." Sabi ng Papa niya na tila wiling-wili sa binata.

"Dahil diyan, boto ako sayo." Dugtong nito. Bigla siyang napangiti pero nawala iyon ng sumingit na naman ang Mama niya.

"It's still not enough for me. Haharap ka pa rin sa mga pagsubok."

"I will face every challenges, Ma'am." He said confidently with respect. Mukhang natuwa naman ang Mama niya.

"Good. Halika." Ngumiti ito at sininyasan na sumunod rito. Pati siya ay napasunod papunta sa glass door ng likurang bahagi ng bahay nila kung saan pati ang dingding ay glass. Kaya kitang-kita kung sino ang nasa labas.

"Mama, bakit nandito sina Topeng, Dodong, Patrick at..sino pa 'yang iba?" Kunot-noong tanong niya sa Mama niya ng makita ang nasa 13 lalaking mga binata at bihis na bihis. May dala pang bulaklak.

"Sila ang magiging kalaban mo, Soriano."

"Papatumbahin ko sila? That's easy." Simpleng saad ni Van, nakatanggap naman ito ng mahinang palo sa paypay ng Mama niya.

"Heh! That's not my point. I will give you challenges, and who ever is the last man standing. He will marry you."

Nalaglag ang panga niya sa sinabi ng Mama niya.

Seryoso? At saan naman ito nakakuha ng labing tatlong lalaki? Naalala niya anh lalaking nabanggit kanina dahil manliligaw niya iyon dati. Pero ang iba?

"Reinalisden, sumama ka kay Matilde. Patunayan mo na karapat-dapat kang asawa ng tagapag-mana ng mga Soriano."

"Po? Pero---"

"Wala ng pero pero. Humayo na kayo."

Akmang hahawakan siya ng guards ng Mama ni Van ng nagsalita ang binata.

"Touch her or I'll break your bones." Malamig na banta nito kaya napaatras bigla ang dalawang lalaki.

"Ihahatid ko lang po siya." Paalam ni Van sa magulang niya. Hinawakan siya nito palabas ng bahay nila hanggang sa makarating sa kotse ng Mama nito.

Pinagbuksan siya nito ng pinto kaya umupo na siya doon. Hindi pa isinasara ng binata ang pinto kaya nagsalita siya.

"Pasensya ka na, hindi ko ito inaasahan---" Napatigil siya sa pagsasalita ng patakan siya nito ng halik.

"It's fine. Magiging ganito rin tayo sa anak nating babae sa hinaharap." He gave her reassuring smile.

Napakurap siya sa sinabi nito. Bigla siyang nabingi sa bilis ng tibok ng puso niya.

"A-anak?"

"Mga anak, Reinalisden. I want you to bear our children. So, be good and take care of yourself at Mom's house. Ikakasal pa tayo." He winked before closing the door.

Naiwan siyang tulala habang hawak-hawak ang dibdib niya sa lakas ng kabog niyon.

I-i think I'm falling... Is this a bad sign?




Xtra's R-18 (Short Stories Compilation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon