At letseng hiya 'yun. Saka pa dumapo sa kanya kung saan na nasa confession moment na sila ng mahal niya sa isa't isa kaya nang mamilit sa kanya ang mahal niyang asawa na hindi na imposibleng makatuluyan na nga niya ito ay sinipa na niya ang hiya niya sa katawan.

"Dahil?"

"Dahil matagal na kitang m-mahal, Jz. At ang malaman ko na mahal mo rin pala ako ay daig ko pa ang taong nanalo ng ilang milyon sa lotto."

"Ibig sabihin hindi ka galit sa akin?"

"Bakit naman ako magagalit?" tumawa siya. "It was a dream come true nga na mahal pala ako ng taong mahal ko. At walang dahilan para magalit ako sa'yo, in fact thankful pa nga ako dahil nadinig ng Diyos ang dasal ko na mahalin mo rin ako." Wala nang hiya-hiya na pag-amin niya ng tunay niyang nararamdaman.

And with that confessions ay napayakap sa kanya si Jz.

At magpapakipot pa ba siya na huwag gumanti sa pinapangarap niyang eksena?

'Syempre hindi na.

Gumanti siya ng mas mahigpit na yakap sa binata na para bang sa gano'ng paraan ay maiparamdam niya rito kung gaano siya kasaya sa mga oras na iyon.

"Oo nga pala, kailan mo pa naramdaman na...m-mahal mo ako?" mayamaya ay tanong niya sa binata nang maghiwalay sila mula sa mahigpit na pagkakayakap.

Nakangiting napailing si Jz na masuyong hinawakan ang kamay niya. At mula sa kamay niya ay umakyat iyon sa makinis niyang pisngi.

At doon ay hinayaan niya ito na malayang hagurin ang pisngi niya. Para lang siyang nanaginip na masuyo nitong hinahagod ang pisngi niya at ikinulong pa nito sa dalawang palad nito.

Saka siya nito tinitigan sa kanyang mga mata. Pakiramdam tuloy niya ay bumaba sa lupa ang mga anghel at kinakantahan sila. Lalo na nang marahang dumampi ang labi ni Jz sa labi niya.

Mapagmahal na 'smock' lang naman iyon at ramdam naman niya ang init sa labi nito na tila naiwan pa sa labi niya.

He lightly rub his thumb on her lips---na para bang inaakit siya kaya napakagat labi siya at napasinghap naman ang binata.

Natigilan siya bigla.

Apektado ba ito kapag napapakagat labi siya?

Lihim siyang napangiti and she bite her lower lips once again.

Then boom!

Napasinghap nga ulit ang binata.

Yey!

Apektado nga ito sa mga simpleng gesture niya tulad ng pagkagat labi niya ng hindi naman niya sinasadya.

Kinilig ang munting puso niya na kanina pa nagsasayaw sa sobrang tuwa.

"Haven't you know how dying am I to taste this kissable, soft and yummy lips of yours?"

Napamulagat siya.

"What? Jz, huwag mong sabihin na....matagal mo ng pinagnanasaan itong-," hindi niya natapos ang sasabihin ng pumuno sa tahimik na kotse ang malakas na tawa ng mahal niya.

And that loud laugh of him was like a love song on her ears.

Ano ba 'tong nararamdaman niya? Ang weird na yata niya.

"You make me laugh, honey. Alam mo ba 'yun? Para kang bata." He said.

Napaingos siya kunyari. But deep inside, kinilig na naman ng bonggang bongga ang puso niya.

Honey? As in, honey ang tawag nito sa kanya!

Yey!

"So, sasabihin mo na ba sa akin kung kailan mo pa ako minahal?" pagkuwa'y sabi niya.

"Alright," umayos ito sa pagkakaupo at muling hinawakan ang mga kamay niya. "Naalala mo isang umaga ng madatnan kita sa kusina?"

"Hmm...'yung akala mo may nangyari sa at-,"

"Hep!" putol nito na siyang nagpangiti sa kanya. "Yes, 'yun na nga. Hindi ko alam pero simula nang makita kita noon sa kusina ko with a piece of that yellow fitted dress of yours ay may bumangon nang hindi maipaliwanag sa puso ko. At kahit anong pilit kong tikisin iyon para baliwalain ay hindi ko nagawa. Instead mas lalo ko pang gusto na makita ka at makasama. And I woke up one day na...mahal na pala kita."

"Really?" hindi siya makapaniwala at wala sa sariling napakagat labi siya habang inaalala ang eksenang iyon sa kusina.

Hanggang sa mapangiti na lamang siya nang yakapin siya ng mahal niya at kulongin nito ang mukha niya sa dalawang palad nito.

"Could I kiss this sweet lips of yours, honey?" paos ang boses na tanong ng binata kaya natigilan siya.

Kasunod niyon ay napalunok siya ng kanyang laway at kusang ipinikit ang kanyang mga mata.

One more second, she feels his warm lips kissing hers.

Sent from my iPhone

Love Shot by CatchMe (Complete)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang