Chapter 13- Diet no More

137 4 0
                                    

Chapter13- Diet no more

"Diyeta ako ng mahabang panahon sino ang hindi manghihina doon" (Kaya pala nanghina eh tsk tsk tsk diyeta hahaha)

"Ginagawa ka palang ay buhay na ako Kristine, nanghihina kami kapag sumapit ang ika 50 taon at ni isa ay wala pa akong nakasiping, ikaw pa lamang mahal kong Kristine" sa kanyang tinuran ay kulang nalamang ay sumabog ang mukha ko sa sobrang pag iinit nito, bakit kailangan na palaging maging ganito ang tagpo ng pag-uusap namin?

"K-kung ganoon ay nakapaghintay ka ng ma-habang panahon ano ang iyong dahilan. Sa tingin ko ay pwede ka namang su..miping sa ibang babae" mahinang turan ko rito pero sa loob loob ko ay hindi ko matatanggap kung may babae na ang naunang nagpantasya at sumiping dito.

Tila kumulo bigla ang dugo ko. Isang maling salita ay siguradong sasabog ako sa sobrang inis, huwag lang talaga siyang magkakamali ng sagot.

Tumawa ito ng napakalakas ngunit kahit ganon ay masarap parin sa pandinig, o baka naadik lang ako sa kanyang boses halos laaht ng nakakausap ko ay may malalim na boses.

"Ang mga kagaya kong nakatakda ay hindi maaaring sumiping sa ibang hindi sa akin nakatakda, dahil maaari akong mamatay o di kaya naman ay mamatay ang nakatakda sa akin at yun ang hindi ko kakayanin." buti naman kung ganon, tila nabunutan ako ng tinik sa aking dibdib.

"Teka lang Kevin napansin ko lang bakit tila ikaw lang ang nakakabasa ng isip ang sabi mo ay konektado na tayo simula ng tinanggap kita ngunit tila ikaw lang ang may kakayahang bumasa ng isipan hindi iyon patas, wala akong mabasa sa iyong isipan" 

"Dahil wala naman akong iniisip kundi ikaw lamang kaya wala kang mababasa sa aking isipan, di gaya mo na napakadaming katanungan na nakaimbak dyan" turo nya sa aking utak. Kung ganoon ay ako lang ang nasa isip nya? Kalma Kristine tila nga kaygaling ng kagaya nya ang mang akit ng walang kahirap hirap kaya nga bumigay ka sa una palang na pagkikita niyo.

"Atsaka pwede bang tigilan mo ang pagtawag sa akin ng Ma-Mahal" iritadong turan ko rito at tinalikuran sya masyadong malapit ang aming katawan pati ang mukha. 

Baka imbis na siya ang gumahasa sa akin ay ako pa ang gumawa ng bagay na iyon. 

"Ikaw ang natatangi kong Mahal Kristine kaya bakit hindi kita pwedeng tawagin ng ganoon" 

"K-kasi hindi ako sanay" agad namang pumulupot ang malaki nyang braso sa aking bewang.

"Pwes dapat ay masanay ka na dahil simula ngayon ay akin ka na, sumama kana sa akin Mahal ko" nilingon ko ito ng kaunti at dahil nakayakap sya mula sa aking likuran ay sobrang lapit ng aming mukha.

Biglang pumasok sa isipan ko ang aking mga magulang. Ilang sandali pa ay dumilim ang buong kapaligiran, anong nangyayari. Bago pa masagot ang tanong ko ay nagising ako bumungad sa akin si Mama na walang patid sa pag iyak hawak ang rosaryo at nakayukyok. Ilang araw na naman ba akong nakatulog?

"Mama" mahinang usal ko dito. Agad na napabaling ang tingin nito sa akin tila nagulat ito.

"K-Kristine anak k-ko gising ka na, salamat po Panginoon at nagising ka na Kristine" kitang-kita ko ang lubos na pasasalamat nito

"Ilang araw po akong nakatulog?" paniguradong matagal tagal base na sa kaninang reaksiyon ni mama

"Isang linggo na anak akala ko hindi ka na gigising anak tignan mo ang iyong katawan pumapayat na. Saglit lang ikukuha muna kita ng makakain huwag kang matutulog ah" tumango ako at nagmamadaling umalis si Mama. Nang subukan kong bumangon ay napahiga lang akong muli nanghihina ang katawan ko ramdam ko ang gutom at uhaw.

"Anak eto ang pagkain halika at kumain ka na siguradong hmmf gutom na gutom ka na" aligaga si Mama sa pag aasikaso sa pagkain pati na rin sa akin, inalalayan nya rin akong umupo siguro ay napansin na nito na hinang hina ang katawan ko.

"P-Pasensya ka na Ana-k ah wala nagawa si Mama at Papa" umiiyak nitong usal sa akin at inabutan ako ng tubig.

"Sa-lamat Ma" hindi ko kayang nakikitang ganito ang lagay ni Mama ng dahil sa akin, nakokonsensya na ako. Ako ang pinagmumulan ng mga paghihinagpis at takot ni mama

Parang sinasaksak ng paulit-ulit ang puso ko sa aking nasasaksihan.

"Ano ka ba anak, wala iyon Mama mo ako kaya gagawin ko lahat para sa iyo. Atsaka kasalanan ko ang lahat kaya nangyayari lahat ng ito sa iyo" umiling ako dito. Hindi kasalanan ni Mama ang nangyari ako ang may kasalanan sa nangyari

"Ma wag mo pong sisihin ang sarili mo sa lahat ng nangyayari sa akin ngayon walang po kayong kasalanan. Asan po pala si papa?" nakakapagtaka lang na wala pa hanggang ngayon si Papa.

"Hinahanap nya si Almira" hinahanap?

"Ba-bakit ano pong nangyari kay Almira?" nadamay na si Almira

"Ng habulin namin sya sa labas ay libro nalang ang aming nakita, akala namin ay umuwi na sa kanila. Pero makalipas ang isang araw tumawag sa akin ang Mama ni Almira hinahanap sya dahil akala nya ay nandito pa ito sa atin kaya naman nagtaka na kami. Tumawag na kami sa Pulis dahil isang araw naman na ang lumipas ng nawala ito. Kaso lang hanggang ngayon ay hinahanap pa rin sya kasama nila ang Papa mo sa paghahanap habang ako naman ay nagbabantay sa iyo" ayaw tanggapin ng utak ko ang aking nalaman ngayon tila pakomplikado ng pakomplikado ang mga nangyayari. 

Gusto ko ng matapos ang lahat ng ito pero paano?

-
ANONG NANGYARI KAY ALMIRA?

MAHIRAP DAW MAGDIET NG ISANG LINGGO? EH ANO PA SI KEVIN NA MAGSASARADONG SINGKWENTA NA ANG EDAD HAHAHAH. MATAGAL TAGAL NA DIET NGA IYON.

MAIKLI LANG PERO SANA MAGUSTUHAN NYO PARIN. (di po ako galit ah hahahah all caps lang para mapansin alam nyo naman na po iyon diba?)

Sweet Dreams In a Nightmare (Completed)Where stories live. Discover now