Chapter 16-

137 9 1
                                    

Chapter-16

Si Kevin.

Siya nalang ang tanging pag-asa ko para matapos na ito. Binalingan ko ito, paniguradong nababasa niya ang nasa isip ko.

"Kevin pwede ba akong humiling sayo?"

"Lahat naman ay maaari mong gawin sa akin, pati paghiling mo ay kaya ko ring pagbigyan ngunit ang iwan ka ay hindi ko kayang ibigay sa iyo Mahal ko. Isipin ko palang ay dinudurog na ang puso ko." malungkot ito base sa boses niya, nalulungkot din ako ayokong dumating ang punto na mag-sisisi ako na hindi ako gumawa ng paraan.

'Kevin baka naman pwedeng ikaw na muli ang magsakripisyo para sa akin.'

Pagmamakaawa ko rito dahil yun lang ang tanging paraan para tuluyan ng maputol ang ugnayan naming dalawa, oras na mawala na ang koneksyon namin ay matatapos na ang lahat ng ito.

Ilang saglit itong naging tahimik bago ko narinig ang kanyang pag singhot. 
Umiiyak nga siya.

"Ma-hal kita Kristine at hindi ako magsasawang sabihin sa iyo ang mga katagang iyan, ngunit kung 'yan ang iyong kahilingan sige pagbibigyan kita." huminga muna ito ng malalim habang sumisinghot singhot 

"Paggising mo ay kuhanin mong muli ang libro at ibigay ito sa akin para maputol na ang uganayan nating dalawa at ng matupad narin ang iyong kahilingan." iyon lang ang narinig ko at tumahimik muli ang paligid. Unti-unti na itong dumidilim hanggang sa wala na akong makita.

Kevin nandyan ka pa ba?

Kevin!

Kevin!

"Kevin! Ha!" hingal na hingal ako ng magising, wala na.

"Anak uminom ka muna ng tubig" halos hindi magkamayaw ang kamay ko ng kunin ko ang tubig.

"Anong nangyari Anak pumayag ba sya?" 

"O-po Ma..." nakayuko kong turan, bakit parang hindi ako naging masaya sa naging desisyon ko?

"Pero parang hindi ka masaya, kung hindi mo talaga kayang mawala sya bakit hindi mo sya piliin? Ayos lang kami ng Papa mo magiging masaya kami para sa iyo, ang maging anak ka ay isa sa malaking biyaya na aming natanggap. Doon palang ay hindi na matutumbasan pa ng kahit ano ang aming kasiyahan" biglang bumuhos bigla ang luha ko sa aking narinig, hindi ko kayang mawala ang sino man sa kanila.

"H-Hindi Ma ayokong i-wan kayo ni Papa hindi ko ka-ya" Isang masuyong ngiti ang isinukli sa akin ni mama na tila ba naninigurado na ayos lang sa kanila.

"Pero mas hindi mo kayang iwanan si Kevin piliin mo sya Anak. Ayokong mabuhay ka kasama namin pero hindi ka naman masaya" umiling iling ako dito ng iabot nya sa akin ang isang relo, handa silang magsakripisyo para sa akin! napakaselfish ko siguro dahil puro kaligayahan ko na lamang ang ninanais ng taong nakapaligid sa akin.

"Para saan po ito Mama?" takhang tanong ko rito.

"Sa panaginip ay walang orasan Anak pero dahil ito na ang magiging bagong tahanan mo ang relong ito ang magsisilbing oras para sa kwento ninyo. Ngayon hindi mo pa maiintindihan siguro pagdating ng panahon ay mas maiintindihan mo kung bakit ko ito ibinigay" nakangiti nitong wika. Sigurado na sila sa desisyon nila.

"Basta huwag mo kaming kalimutan ng Papa mo ah. Wag mo ding kalimutan na Mahal na Mahal ka namin ng Papa mo pagdating ng Papa mo ipapaliwanag ko sa kanya ang lahat. Maging sa mga kaibigan mo . Matulog ka na anak hinihintay ka na nya" isang butil ng luha ang muling kumawala sa kanyang mata at pumatak sa relong hawak hawak ko. Ayokong iwanan sila, pero ayoko namang ibasura lang ang sakripisyong ginagawa nila sa akin. Isang matamis at totoong ngiti ang muling ipinakita sa akin ni mama, siguro ito na ang huling beses na makikita ko muli sila.

Sinuklian ko naman ito ng isang mahigpit na yakap at hinagkan ko ang kanyang pisngi. Mamimiss ko silang lahat.

Ilang sandali ay tila umiikot ang mundo ko at dumilim ang paligid.

-
Another update for this day sana magustuhan niyo.

Alam kong nakakasawa na ang pangyayari sa kwento hahahaha pasensya na.

Enjoy Reading!

Laluna_Crescent

Sweet Dreams In a Nightmare (Completed)Where stories live. Discover now