Chapter 12- Sullen

135 3 0
                                    

Agad na hinabol nina Mama, Papa at Marielle si Almira habang ako eto naiwan sa kwarto ko mag-isa. Hindi ko matanggap lahat ng narinig ko.

Agad akong humiga para matulog ulit ng sa gayon ay makita kong muli si Kevin. Ang dami kong tanong sa kanya at kailangang sagutin nya iyon lahat.

Ilang minuto lang ay nagumpisa ng bumigat ang talukap ng aking mga mata hanggang sa tuluyan na akong lamunin ng dilim, tila ako'y nasasanay na sa ganito.

Gaya ng dati ay nagising ako na nakahiga ngunit hindi na madilim ang paligid. maliwanag ito gaya ng huli kong iniwan.

"Kevin!" 

"Kevin!" 

Tawag ko sa pangalan nito. Tila nagkabaligtad na kami

Agad naman itong lumitaw sa aking tabi. Hubad ito at kitang-kita ang lahat, Gulat parin ang aking reaksyon gaya ng una kong makita ang mukha at katawan nito, kakaiba ang mukha nya hindi mo masasabing isa itong Incubus. Dahil kahit sinong babae ay mahuhulog sa mapanghalina nitong itsura

"Nagtatampo ako sa iyong ginawa Mahal kong Kristine" Malamyos nyang saad habang hinahaplos ang aking pisngi.

Ano naman ang aking ginawa na ikinatampo niya

"Ano naman ang dahilan ng iyong pagtatampo Kevin?" 

"Hindi ka sumama sa akin, ako ba ay iyong kinasusuklaman mahal kong Kristine kaya nagawa mo akong iwanan?" malungkot nitong wika habang nakatitig sa aking mata

"Gusto kong sagutin mo muna lahat ng itatanong ko bago ko sagutin ang katanungan mo Kevin" 

"Kung tungkol ito sa kung paano kita nahanap ay isa lang ang sagot ko dyan Mahal kong Kristine... 'yun ay dahil ang libro na hawak na iyong kaibigan ay konektado sa iyo, ang ginawang pagbibigay ng libro sa iba isa sa paraan upang tayo ay hindi magtagpo dahil kaya nitong hadlangan pansamantala ang ating pagkikita ngunit hindi nila kayang pigilan ang dapat talagang mangyari. Ako ay para sa iyo at ikaw ay para sa akin lamang, kahit anong gawin nila upang mapaghiwalay tayo ay walang saysay ang libro, ikaw at ako at palaging kontektado" wika nito at unti-unting ibinaba ang mukha para gawadan ako ng isang halik. 

Agad ko itong itinulak dahil hindi pa ako tapos magtanong marami pa akong kailangang itanong base narin sa aking nababasa tungkol sa kanila.

"Hindi pa ako tapos magtanong" napaiwas ako ng tingin dahil ayokong makita nyang namumula ang aking mukha.

Nagpakawala ito ng mahinang tawa bago tumayo at tumalikod sa akin

"Ano ang iba mo pang katanungan Mahal kong Kristine?" kahit nakatalikod ay kaysarap parin nitong titigan, para syang inihulma sa perpektong hubog. Ang matambok nitong puwet ay kaysarap hampasin. 

"Alam ko iyon Mahal ko, kung ayaw mong angkinin kita ngayun din ay tigilan mo na ang pagiisip ng kung ano-ano at baka hindi ko mapigilan ang sarili ko" mas lalo akong napahiya sa tinuran nito ng dahil sa kanya ay nagiging ganito ang takbo ng utak ko.

Nang makabawi sa pagkapahiya ay agad akong nagwika.

"A-ah ano kasi.... Isa kang Incubus Kevin kung ganoon ay maraming babae na ang dinalaw mo sa kanilang mga panaginip upang makisiping sa mga ito" kunot ang aking noo dahil kahit anong pilit kong intindihin ay naguguluhan parin ako. 

"Hahaha nagkakamali ka mahal ko." umiiling iling na saad nito, hindi nakawala sa paningin ko ang pagbuntong hininga nito.

"Eh diba isa kang Incubus?" 

"Hindi lahat ng Incubus na iyong sinasabi ay nakikisiping sa kung kani-kaninong mga babae lamang gaya ng sa tao ang may tatlong uri rin ang kagaya namin.... Ang una ay tinatawag naming mga 'Palit' sila ay ang sinasabi mong sumisiping kung kani-kanino lamang." huminto ito saglit sa pagsasalita at naglakad ng kaunti.

"Kakaiba rin ang kanilang itsura, kung ako ay nakahahalina kabaligtaran naman ang itsura nito. Sila ay may buntot, pakpak, sungay, itim na mata, pulang kutis, at higit sa lahat kakaibang laki ng ari."

"Aabot hanggang atay?" diko napigilang tanong, bumaling ito sa akin ng may ngisi na nakapaskil.

"Aabot hanggang atay." tumango- tang ako at muli naman siyang nagpatuloy sa pagpapaliwanag

" Gaya nga ng sabi ko kakaiba sila, ganun din sa mga babae kaunti lang ang kaibahan, at kaya rin nila magpalit ng kasarian kaya sila tinawag na Palit." Tama nga 'yung mga nabasa ko tungkol sa kanila ngunit bakit hindi ko inalam ang bagay na ito.

"At ang pangalawa ay ang mga kagaya ko na tinatawag na Cambion o ang sinasabing kalahating tao kalahating d*m*nyo ang tawag, kagaya mo. Ang mga Cambion ay may kakaibang kakayahan o kapangyarihang tinatawag" sandali itong lumingon sa akin at nagpatuloy muli sa pagsasalita na siya namang siningitan ko ng isa pang tanong

"Cambion? Ibig sabihin tao ang Mama mo?" umiling ito

"Isa ako sa mapalad na napabilang sa Cambion mahal ko, ang kagaya natin ay maaaring sumunod bilang maharlika 'yun ang pangatlong uri ang aking Ama ay kabilang pangatlong uri, kung sa inyo ay mayayaman at maharlika ang tawag sa mundo namin ay tinatawag silang Incubi sa lalaki at succubi sa babae. Lahat ng iyong nababasa tungkol sa amin ay ako ang gumawa. Ngunit hindi ko inilagay lahat ng detalye hindi rin lahat ng inyong nababasa tungkol sa amin ay totoo." 

Nakakamangha yun ang tangi kong masasabi. Mas lalo akong nalinawan sa kanyang tinuran. Kung gayon ay may kakayahan din ako.

"Oo ikaw ay may kakayahan at isa na siguro doon ang mabuhay sa kalupaan sa loob ng mahabang panahon. Ang mga kagaya natin ay maaaring makapunta sa lupa ngunit sa loob lamang ng maikling panahon. At sa tingin ko yun ang isa sa ating pinagkaiba" Mula sa pagkakahiga sa bumangon ako at lumapit sa kanya, naguguluhan parin ako ang sabi niya ay isa akong Cambion ganon din siya.

" Paano ka naging isang Cambion kung hindi naman tao ang iyong ina?"

"Dahil ako ay ipinanganak ng isang maharlika, at ang maharlikang kagaya nila ay kailangan na magkaroon ng makakasiping na isang Cambion" napatango naman ako sa sinabi nito.

"Kung ganoon ay magkapatid tayo sa ama?" muli na naman itong napatawa   sa aking tinuran.

"Hindi. Ang aking ama ay gaya ko, hindi maaaring makisiping sa iba kahit sa panaginip pa iyan"

"Ngunit sabi ni Mama na ipapakasal ako sa nag-iisang anak ng lalaking kanyang nakasiping" hindi ko alam gulong-gulo ako.

"Ang lalaking tinutukoy ng iyong ina ay ang aking ama nga, ngunit hindi siya nakisiping dito kundi ipinupunla niya ang 'daque'. Ang daque ay maaaring makabuo ng buhay ng hindi kinakailangan ng pagiisang katawan. Ang ama ko lamang ay may hawak na ganoon, siya lang din ang kayang magpalipat lipat sa panaginip ng babae ng hindi ito ginagalaw." ngayon ay nauunawaan ko na. Kung ganon ay sa isang binhi ako nagmula.

Nang makalapit siya sa akin ay muli akong may naalala, matagal ko ng gustong itanong ang bagay na ito.

"Nung unang beses na may nangyari sa atin ang sabi mo ay dinugtungan ko ang iyong buhay ano ang ibig sabihin nito Kevin?" agad ako nito hinila sa aking bewang bago bumulong na syang nakapag panganga sa akin.

-
SA TINGIN NYO GUYS ANO YUNG IBINULONG NI KEVIN?

PS. YUNG WORD NA "PALIT" 'DAQUE' AY HINAKA KO LAMANG DAHIL WALA AKONG MAISIP HAHAHAH  PATI CAMBION LAHAT NG MABABASA AY PAWANG KATHANG ISIP LAMANG. LAHAT AY POSIBLE SA GAWA-GAWANG KWENTO LAMANG. PARANG KAPITBAHAY NIYO LANG 'YAN. HAHHAHAHA

Enjoy Reading!

Laluna_Crescent

Sweet Dreams In a Nightmare (Completed)Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum