Chapter 8- Magical Book

172 5 0
                                    


Chapter 8- Magical Book.

"H-Huwag kang magbiro Kristine ah haha" sabad naman ni Almira at pekeng napangiti.

"Hindi ako nagbibiro Almira mahirap man paniwalaan pero noong nahospital ako nang tatlong araw... 'yun ang unang beses na may nangyari sa amin" mahina kong wika, dali dali namang inilapit sa akin si Marielle ang kanyang upuan.

"P-Paano nangyari iyon? Akala ko ba ay hindi ka naniniwala sa ganto?"

"Hindi nga, pero... Hindi na normal ang nangyayari sa akin"

"Tinawag mo sya Kristine? Nakita mo ba ang kanyang mukha? O ang pangalan niya nalaman mo ba?" sa lahat ng tanong nya ay tanging iling lang ang naisagot ko.

"Hindi ko alam Marielle. B-Basta ang alam ko lang gusto kong marinig lagi ang malamyos niyang tinig" nagbago muli ang ekspresyon ng mukha nito.

"Hindi maganda iyan Kristine" nabahala ako sa tinuran ni Almira. Alam kong mas seryosong tao si Marielle, pero hindi ko halos makita ang pagiging makulit ni Almira ngayon dahil maging ito ay seryoso din.

"Ano ang ibig mong s-sabihin mo Almira?"

"Ang mga kagaya nila ay may kakayahang magpalit ng kasarian ang babae ay pwedeng maging lalaki, at ang lalaki ay pwedeng maging babae. vice versa. At ang delikado nyan ay maari ka niyang buntisin" huminga muna ito ng malalim at tumingin sa akin. Sinuri nito ang buong itsura ko.

"Sa loob nya ba inilabas?" napatango ako at yumuko. Nakakahiya man pero kung kailangan kong isiwalat lahat ay gagawin ko matigil lamang itong pagiging abnormal ng pangyayari.

"Anong naramdaman mo matapos nyong gawin iyon?" muli na namang tanong ni Almira

"Para akong hinang hina at naubos ang lakas, nung unang beses na may nangyari sa amin ang sabi niya ay dinugtunga ko raw ang buhay n'ya na s'yang ipinagtataka ko" kwento ko rito. Tumatango tango ito habang nakikinig sa akin. Ilang sandali pa ay may kinuha siyang libro. 'Yun ang libro na nakita ko sa library, paano napunta sa kanya 'yun? Nasa klase siya nang mga oras na nasa Library ako.

"Aalamin ko kung bakit niya sinabi iyon, bukod doon ano ang napansin mong nagbago sayo Kristine o kakaibang nangyari" 

"N-Nag... sarili ako." halos pabulong ko nalang naiwika ito dahil nahihiya ako. "Kanina lang din ay dinalaw ako ng dalawa pa sa aking panaginip, ang isa ay babae na nagngangalang Lucille" napaisip si Almira sa tinuran at muling ibinalik ang tingin sa libro.

"Anong libro 'yan Almira?" hindi na naitago ni Marielle ang pagkakuryoso at nagtanong na ito kay Almira na ngayon ay binubuklat ang libro. Nakakunot ang noo nito na para bang may kakaiba doon.

"H-Hindi ito 'yung librong nabasa ko, nagiba ang mga nakasulat dito. Ang unang pahina ay patungkol na agad sa kanila ngayon ay... Pangalan mo ang nakalagay dito Kristine" para akong binundol ng truck sa sobrang kaba na aking nararamdaman.

"May kailangan pa akong sabihin sa inyo natatandaan niyo ba 'yung araw na napagalitan ako ni Ms. Quizo?" sabay na tumango sila sa akin at hindi na nagsalita pa, parang ibinibigay nila ang oras sa akin upang magpatuloy sa aking kwento.

"Pumunta ako sa Library para maghanap ng libro na pwede kong mabasa. Nasa history section ako ng mga libro, at 'yung librong hawak mo ngayon ay nakita ko yan doo--" naputol ang sasabihin ko ng magsalita muli si Almira

"Matagal na ang librong ito sa akin Kristine, hindi ko nga din alam kung bakit dinala ko ito ngayon. May nagbigay lang sa akin ng librong ito noon, pero sige ituloy mo muna ang kwento"

"Yan talaga 'yung nakita ko sa library Almira I swear, ganyang-ganyan ang hitsura niya dapat ay babasahin ko ang libro, may nagsabi pa sa akin na maganda daw itong libro kaya't basahin ko, kaso nga lang ay hindi naman ako naniniwala sa ganyan kaya ibinalik ko ulit sa shelf at humanap ng iba" huminga ako ng malalim bago muling nagpatuloy sa pagkukwento

"Nang makapili ako ng librong babasahin ko, umupo ako sa dulong bahagi ng shelf 'yung may mga puting lamesa. Lumapit ulit sa akin 'yung lalaking nagsabi na maganda ang libro. S-Sabi niya 'You should read it. Let me rephrase, You need to read it" yun mismo ang eksaktong sinabi niya sa akin. Isinawalang bahala ko lang kasi baka gaya niyo ay nagbabasa din siya ng mga ganitong storya. Pero bago siya umalis ang sabi niya... 'Regret' at 'yun ang hindi ko alam kung anong ibig-sabihin." halos hiningal ako sa mga pahayag aking tinuran.

"Bakit ngayon mo lang sinabi ang mga ito Kristine"- Marielle

"Masama na iyan Kristine, ilang beses ka na niyang nadalaw at maging ng iba pa. Sa miyerkules ay pupunta ako sa bahay ninyo doon ako makikitulog, ngayon ipalagay mo muna ang sarili mo tatapusin kong basahin ang librong ito bago para malaman natin ang dahilan nya. Siguradong makakahanap ako ng clue dito kahit na parang nabago ito." sabi nito at ipinakita ang libro.

Natatakot ako sa kung ano mang dahilan nito. Pero kahit ganoon ay aalamin ko pa din kung bakit.

Naniniwala ako sa Maykapal na gagabayan niya ako.

Kaya dapat maging matatag ako.

---

Lame haha

Sweet Dreams In a Nightmare (Completed)Onde histórias criam vida. Descubra agora