Chapter 20

158 12 1
                                    

Ang huling kabanata

Isang malalim na buntong hininga ang aking pinkawalan habang pinapakatitigan ang libro na ngayon ay patuloy pa rin sa pagsusulat ng kanilang storya.

Napapangiti nalang ako sa tuwing nababasa ko ang mga parte kung saan ay naiisip at namimiss ako ng aking pinakamamahal na anak. Wala na ako doon para gabayan siya pero nandoon naman ang pinakamamahal nya na sya na ngayong gagabay sa kanya.

Tatlumpung taon na ang nakakalipas dito sa mundo ng tao, ang libro ngayon ay kailangan na muli ng alay para mas madagdagan pa ang pahina at mahaba ang pa kwentong mababasa sa kanila. Siguro panahon na din para magphinga na ako gaya ng ginawa ni Arthur sa tatlong taon na lumipas na ito ay namahinga na. Namimiss ko na rin ito gaya ng pagkamiss ko sa aming anak. Naiwan na akong mag-isa at tanging itong libro nalang ang naging kasama ko sa buhay.

Nakakalungkot lang na wala na ang aking mahal na asawa, Sayang nga lang at hindi nya na muli pang nalaman ang kwento ng aming anak.

Base din sa aking pagsubaybay sa kanilang kwento ay mabagal ito kumpara dito sa mundo ng tao. Isang oras ay katumbas ng isang araw dito kung kaya't nasasabik ako sa kada parte ng storya nito. 

Napakaswerte ko at umabot pa ako sa edad na ito. Sa mahabang panahon na ako ay nabubuhay inalaman ko ang lahat ng bagay na nangyari sa aking pinakamamahal na anak magmula ng ito ay pumasok sa eskwelahan hanggang sa makilala ang kaibigan nya na syang tumulong sa akin para sumaliksik sa nangyari sa buhay ni Kristine na anak ko. 

Hindi ko malilimutan ang mga panahon na tinuruan ko sya sa lahat ng bagay lalong lalo na ang pagdarasal. Akala ko kapag naturuan ko sya nito ay hindi na sya muli pang magugulo ng kagaya ni Kevin ngunit nagkamali ako. Isang beses lang na nakaligtaan nya ang magdasal ay nalapitan na sya agad nito. Nasubaybayan ko man sya sa kanyang paglaki at sa lahat ng ginagawa nya pero sa kanyang pagtulog ay hindi ko na iyon kaya. Hahahah 

Hindi naman ako nagsisisi sa aking ginawang desisyon na hayaan si Kristine kung ganyan naman sya kasaya sa piling ni Kevin. 

Lalo pa ngayon na nagbunga na ang kanilang pagsasama. Kaso nga lang hindi ko na ito masisilayan pa. 

Hawak ko ang libro na ako mismo ang nagsulat. Ang libro kung saan nakasaad ang kwento ng aking anak. Ito ang patunay na may isang Kristine na nabuhay sa mundo at naranasan ang mga bagay na ito.

Muli akong napangiti habang nakatitig sa mga tropeya na aking nakuha dahil sa librong ito. Tama kayo ng basa isinulat ko ang kwento ng aking anak at marami ang tumangkilik nito at nagsasabing habaan ko pa ang kwento pero sa kasamaang palad hindi ko na ito matatapos dahil may sariling buhay na ang libro at ito na mismo ang sumusulat ng kwento. 

Isa lang ang hiling ko sa mga oras na ito na kung ito na ang huling araw na ako ay mabubuhay ay iaalay ko nalang ang aking buhay sa libro upang madagdagan pa ito.

At sa lahat ng nakabasa ng istorya ng anak ko. Maraming salamat sa oras na inilaan ninyo. Sa susunod sariling storya nyo naman ang isusulat nyo, sana ay hindi niyo makalimutan ang aking anak na si Kristine. Her sweet dreams is my Nightmare, pero ayos lang dahil she had this.

Would you like to have a sweet dreams too? Or a Nightmare?

Maybe you want a Sweet Dreams but in a form of Nightmare.

End.

-
Hi guys I think I didn't meet all of your expectation about sa ending ng story na ito.  I actually want this story to end na din kasi magiging busy na ako so ayun thank you sa mga sumuporta at matiyagang nag antay ng kada update. I appreciate all the efforts na ibinuhos niyo dito and sana sa mga next stories na gagawin ko suportahan nyo pa din. 'Yun lang again Thank you!

Laluna_Crescent

Sweet Dreams In a Nightmare (Completed)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora