Chapter 15- Choose

157 5 0
                                    

Chapter 15- Choose

Hays kailangan ko ng isang magandang desisyon sa gagawin ko. 

Tatawagan ko muna si Marielle, hinanap ko agad 'yung pangalan nya para matawagan siya. Ilang ring lang ay agad nya ng sinagot ito.

"Hello Marielle kumusta anong balita kay Almira? May alam na ba kayo kung bakit sya nawawala?" sunod sunod kong tanong dito

"Sa totoo lang Kristine parang bula nalang nawala si Almira at kahit ako ay hindi ko alam kung saan namin sya pwedeng hanapin. Nakakapagtaka naman na pagkalabas nya ay sumunod na agad kami pero wala na kaming nadatnan, tanging libro nalang ang nakita namin. Naghiwahiwalay kami nina Tito at Tita para nga mahanap sya pero wala talaga" ramdam ko ang pag-asa nila na unti-unti ng nauupos, isipin ko palang ang nangyaring ito ay hindi ko maiwasang sisihin ang sarili ko, gusto kong paniwalain ang sarili kong pagsubok lamang ito, ngunit bigo ako.

"Kasalanan ko 'tong lahat... K-Kung hindi dahil sa akin ay hindi walang ganito... Pasensya na talaga Marielle at nadamay pa kayo dito, Sana pala ay sinarili ko na lamang ito ay sinolusyunan na mag-isa" kahit saan tignan ay ako ang puno't dulo ng mga kaganapan ngayon.

"Wala kang kasalanan Kristine hindi mo naman ginusto ang mga nangyayari, walang may gusto nito. Kailangan nating maging matatag Kristine sigurado akong simple palang ito at natatakot ako sa mga susunod na araw pa.. Magpakatatag Kristine marami ang apektado" bakas sa boses nito ang lungkot, hindi niya na dapat pinoproblema pa ito pero heto siya at dinadamayan ako. Paano ko pa masusuklian lahat ng kabaitan nila sa akin?

"Paano kung piliin ko nalang kaya si Kevin Marielle para matapos na ang lahat ng ito" 

"Kevin pala ang pangalan ng lalaking nasa panaginip mo. Pero kung ako ang tatanungin mo Kristine 'hindi' ang sagot ko isipin mo nalang kung anong mangyayari sa mga maiiwan mo, malulungkot sila dahil nag-iisang anak ka lang, bukod doon ay maraming tao ang nagmamahal sayo isa na kami ni Almira" tama si Marielle hindi ko kayang saktan sina Mama at Papa, maging ang iba.

"Alam mo Kristine sobrang makapangyarihan ng pagmamahal bakit hindi mo subukang kausapin muli si Kevin pakiusapan mo sya dahil kung sinasabi nyang mahal ka nya p'wes handa syang pakawalan ka dahil mahal ka nya." suhestyon nito.

"Paano kung hindi" salungat niya rito. Dinig niya mula sa kabilang linya ang malalim na pagbuntong hininga nito.

"Walang mawawala Kristine subukan mo muna, 'wag ka munang mag isip ng negatibo, kung mangyari man na hindi ito pumayag nand'yan lang palagi ang nasa itaas para tayo'y gabayan walang imposible pagdating sa kanya Kristine. O sya sige babye na. Magpahinga ka ah ng makabawi ka ng lakas, babalitaan ka nalang namin kapag nakita na si Almira. Balitaan mo din ako" 

"Sige salamat talaga Marielle bye" agad na nitong pinatay ang tawag.

Kailangan kong makausap si Kevin, baka sakaling may ibang paraan pa.

Bumangon ako sa pagkakahiga para puntahan si Mama, kailangan ipaalam ko sa kanya na kailangan kong makausap si Kevin. Ayokong mag alala na naman sya ng biglaan, kaya kailangan kong ipaalam kay Mama ang gagawin ko ng sa ganon ay hindi sya mag alala pa.

"Ma... Kakausapin ko po mamaya si Kevin baka ilang araw na naman po akong makatulog" agad itong lumingon sa akin ng may pag aalinlangan sa mukha

"Anak ipagpaliban mo muna ang pakikipag usap kay Kevin" 

"Ma. Kailangan ko po itong gawin para naman po sa ating lahat ito" 

"Kung iyan ang gusto mo Anak susuportahan kita basta ipangako mo sa akin na ilang araw ka lang doon ah" bakas sa mukha nito ang matinding lungkot at pag-aalala, hanggang kailan ko ba sila pakakabahin ng ganito?

"Opo Mama pangako ko po iyan, tulungan ko na po kayo sa mga labahin" kahit alam kong hindi papayag si Mama na tumulong ako ay nagpumilit pa rin ako.

Pagod ang katawan ko sa aking ginawa maghapon. Ganitong ganito ang naramdaman ko ng unang beses na ako'y nakatulog at nakilala si Kevin.

.

Kaya naman agad akong humiga para magpahinga na. Hindi ko alam pero tila kontrolado ko na ang aking pagtulog dahil ilang sandali lamang ay alam kong ang dilim ay muli na naman akong lulukubin.

Nang magising ako ay madilim ang kapaligiran. Teka nasa panaginip ba ako o nasa reyalidad?

"Nasa panaginip ka mahal kong Kristine" ng marinig ko ang kanyang boses ay nalinawan na ako.

Pero bakit madilim ulit ang paligid? Diba ay lumiwanag na ito sa pagtanggap ko sa iyo? Anong nangyayari?
At bakit hindi rin ako makapagsalita? Kevin?

"Nagbabalak kang iwanan ako mahal ko kaya't naging ganyan ang paligid, Pati ang iyong pagsasalita ay ngayo'y walang saysay dahil sa iyong nais na gawin, nasasaktan ako mahal ko. Binabalak mo akong iwanan habang ako ay pilit na ginagawa ang lahat para ika'y manatili. Unti-unting napuputol ang ating ugnayan" habang nagsasalita ito ay dama ko ang sakit sa kada salitang kanyang binabanggit.

Wala akong pagpipilian Kevin, pag pinili kita pamilya ko ang mawawala. 

Gusto kong maintindihan nya kung bakit gusto ko itong gawin.

"Tuluyan mo talaga akong maiwawala Mahal ko dahil sa oras na piliin mo ang Pamilya mo ay maglalaho ako na parang bula. Marami rin akong naisakripisyo para lang sayo Mahal ko pati ang pananatiling birhen ay napanatili ko. Alam mo bang sa mundo namin ang birhen ang s'yang hindi magtatagal pero dahil sayo ay pinilit kong maging matatag" bumuntong hininga ito, sumisinghot-singhot ito. Umiiyak ba siya?

Sa aking narinig ay mas lalo akong naguluhan sa aking pipiliin paano sina Mama at Papa kung sya ang pinili ko? Ayoko naman siyang mawala, naguguluhan na ako hindi ba pwedeng matapos nalang ito agad? Yung hindi na kailangan pang mamili at mahirapang magdesisyon? Hindi ba pwedeng kahit minsan ay maabot ko naman 'yung masayang pangyayari ng hindi dumadaan sa ganito?

Kailangan may isang magsakripisyo.

-
Hello Everyone sa tingin ninyo sino ang dapat piliin ni Kristine? Nakasalalay sa inyong comment ang magiging flow nitong story hahahaha char! Tapos naman na ito.

Enjoy Reading!

Laluna_Crescent

Sweet Dreams In a Nightmare (Completed)Where stories live. Discover now