Chapter 11- The Reason

177 5 0
                                    

Chapter 11- The Reason
This part is for Kristine Mother and Father

"Nang ikinasal kami ng Papa mo hindi namin alam na wala syang kakayahang makabuntis, napansin namin iyon ng anim na taon na ang lumipas ngunit ni isang supling ay hindi kami biniyayaan." nakatungo ito habang magkahawak kamay sila ni Papa

"Kaya naman sinubukan namin lahat ng paraan na alam namin, pati ang ang pagsayaw sa obando ay ginawa namin. Makalipas lang ang isang buwan ay biniyayaan nga kami, pero hindi pa n-nasisilayan ang mundo ay agad syang kinuha sa amin ng Papa mo" doon na nabasag ang tinig ng aking Ina habang mahigpit na nakahawak kay Papa

"I-Isang paraan nalang ang naisip namin ng Papa mo para magkaroon ng a-anak kaya naman p-pumunta kami sa taong inirekomenda lang sa amin. M-Maraming sabi-sabi na lahat daw ng lumalapit sa taong iyon ay natutulungan, kaya naman... hindi na kami nag aksaya pa ng panahon ng Papa mo at pumunta sa taong iyon." huminga muna ulit ito ng malalim dahil kahit kami ay naiiyak sa pinagdaanan ni Mama at Papa.

"Pagdating namin sa tahanan ng sinabing taong makakatulong sa amin, sinalubong niya kami ng isang mapanuring tingin, hindi pa namin nasasabi ang aming pakay ng nagsalita ito at sinabi agad ang kailangan naming gawin. Ka-kahit ako ay nagulat ng alam nito ang pakay namin. Inabutan nya ako ng isang itim na libro at gamot na nakalagay sa maliit na bote bago sabihin ang kailangang gawin. S-abi nya sa panaginip ko makikita ang lalaking makapagbibigay sa amin ng kailangan namin." dahil hirap na sa paghinga si Mama kaya naman si Papa na ang nagpatuloy sa kwento. Lahat kami na nasa loob ng kwarto ay nakikinig ng mabuti

"Kahit masakit sa parte ko ay pumayag ako sa gusto ng Mama mo kahit wala kaming kasiguraduhan kung ligtas ba nag ginagawa namin o kung may may konsikwensya ang gagawin namin. Pero dahil desperado na kami ng Mama mo ginawa namin ng Mama mo ang sinabi sa amin. Isang linggo palang ang nakakalipas ay muling nabuntis ang Mama mo at ikaw nga ang naging bunga noon." Napatawa ako ng pagak sa tinuran ni Papa, akala ko siya ang papa ko kaya pala halos hindi ko maramdaman 'yung pakiramdam na parang kumpleto, 'yun naman pala ay may kulang sa akin.

"So anak pala ako ng isang d*m*nyo?" hindi ko napaigilang sambitin ang mga kataga na alam kong makakasakit din sa kanila.

"K-Kristine ako ang Ama mo Simula ng araw na nalaman namin na buntis ang iyong Ina ay iningatan ka namin, kaya nga simula ng ikaw ay magkaisip tinuruan ka namin ng Mama mo na parating magdasal dahil sa pamamagitan non ay protektado ka parin... ngunit ng sumapit ang ika pito mong kaarawan, muling nagpakita ang lalaki sa panaginip ng iyong ina. Ang gusto nya ay pagdating ng ika labing walo mong kaarawan ay kailangang maipakasal ka sa kanyang nag iisang anak." umiiling iling ito habang si Mama ay walang tigil sa pag iyak sina Marielle at Almira naman ay halos hindi makapaniwala sa nangyayari.

"Hindi pumayag ang iyong Mama sa nais nito, kaya naman inalam namin ang pwede naming gawing paraan para iligaw ang lalaking sinasabi ng iyong Mama. Halos tatlong taon din ang tinagal bago namin nalaman ang pwedeng gawin at iyon ay sa pamamagitan ng pagbibigay ng itim na libro sa ibang bata na kaedad mo Kristine. Simula ng araw na iyon ay hindi na muling ginambala ng lalaki ang iyong Ina."

"Kayo po pala ang nagbigay sa akin ng librong ito?" sabay sabay kaming napatingin kay Almira ng ipakita nito ang itim na libro.

Namutla si Mama sa kanyang nakita.

"Kaya nyo po ba ibinigay sa akin ang librong ito bilang kapalit ni Kristine? Kaya nyo rin po ba pinunit ang isa sa pahina nito para kung sakaling mangyari sa akin ang bagay na kinkatakutan nyong mangyari kay Kristine ay hindi na ako makakatakas pa haha! Pwes nagkamali kayo ng napagbigyan dahil ngayon muli na namang napalapit si Kristine sa librong ito, siguro antayin nalang natin ang lalaking kukuha sa kanya" halos hindi kami makapagsalita sa nangyayari ngayon, gulat na gulat si mama at papa sa tinuran ni Almira maging ako ay hindi makapaniwala sa nangyayari

"M-Mali ka ng iniisip wala akong pinunit ni isang pahina sa librong 'yan at H-Hindi ko alam na sa iyo ito ma- pupunta ang libro patawa---" bago pa matapos ni Mama ang kanyang sasabihin ay tumakbo papalabas si Almira habang kami ni Marielle ay naiwang tulala.

Hindi ako makapaniwalang hindi tao ang aking Ama kundi ang isang tinatawag nilang Incubus.  Isang uri ng d*m*nyong spirito na sa panaginip nakakasalamuha.

Kung ganoon ay magkapatid kami ni Kevin? Hindi ko maintindihan naguguluhan ako, kung ang ama niya ay siya ko ring ama. Paanong ako ang nakatadhana sa kanya? Sino si Lucille? Ang sabi niya ay magiging parte na ako ng pamilya nila.
-

HANGGANG DYAN NALANG PO YUNG UPDATE NG STORY. SANA NAGUSTUHAN NYO PARIN. SALAMAT SA MGA NAGBASA (all caps ulit para mapansin nyo, hindi po ako galit ah hahahaha"

Enjoy reading!

Laluna_Crescent

Sweet Dreams In a Nightmare (Completed)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ