Chapter 17-

92 7 1
                                    

Nang aking naimulat ang mata ay bumungad sa akin ang napaka aliwalas na paligid.

May mga puno at mga ibon na nagliliparan tila ako nasa isang paraiso. Kakaiba naman ito dati ay kwarto lamang ang lagi kong nabubungaran ngayon ay nag-iba na.

Muli kong inilibot ang paningin sa paligid bago ko mapagtanto na nakahiga ako sa damuhan.

Kristine! 

Agad akong napaupo ng may tumawag sa aking pangalan hindi ito si Kevin dahil mas malalim ang boses nito kumpara kay Kevin. Nasaan ako? Teka sino 'yung tumawag sa akin, nasaan siya?

"Nasan ka?" wika ko at lumingon lingon sa paligid ngunit wala akong nakitang tao, ano na naman ito? Bagong pagdadaanan na naman ba?

"Nasa puno Kristine" isang pagbagsak ang aking narinig at doon bumungad sa akin ang isang lalaki na nalaglag sa puno.

Kaya naman agad agad akong lumapit para alalayan ito sa pagtayo

"Ayos ka lang ba?" ay mali sino bang maayos na tao ang magtatanong ng ganon matapos malaglag sa puno. Ako lang syempre!

"Huwag mo akong hawakan, baka mamaya ay puno na ang bumagsak sa akin" pag iiwas ng katawan nito sa akin, kaya naman napadako ang tingin ko sa katawan nya, sya ay may maayos na kasuotan di gaya ni Kevin na hubo't bubad. Siya 'yung lalaki sa library! Anong ginagawa niya dito? Isa siyang Cambion.

"I-Ikaw. Ikaw 'yung lalaki sa library! Paano ka napunta dito? A-Anong ginagawa mo dito?" sunod -sunod na tanong ko dito na siya niya lang tinawanan.

"Nandito ako para kunin ang itim na libro sa'yo" nangunot ang noo ko ng mabanggit nya ang libro.

"Bakit mo gustong kuhanin ang libro?" 

"Inutos sa akin ni Kevin na kunin ang libro mula sa iyo dahil sya ay nanghihina na" lalong nangunot ang noo ko sa kanyang tinuran

"Na-nanghihina? B-Bakit?" 

"Mabuti pang ikaw na lamang ang umalam sa ngayon ay akin na ang libro" muli niyang tugon na siya namang labis na pangamba ko.

"Sino ka ba?" 

"Ako si Nikolas kapatid ni Kevin" kapatid? Akala ko ba ay nag-iisang anak lang siya

"Kapatid ang tawag sa aming pare-parehong Cambion. Alam kong maraming tanong diyan sa utak mo base narin sa ekspresyon ng mukha mo" napahinga ako ng malalim sa tinuran nito mukhang alam na alam nila kung paano makuryoso ang mga kagaya ko

"Ang tagal niyong mag-usap naiinip na ako" napabaling agad ako sa nagsalita. Si Lucille na ngayon ay nasa likod ni Nikolas.

"Pasensya na Lucille, gusto kong pormal na magpakilala sa inyo. Ako si Kristine Verzo ang babaeng nakatakda sa inyong kapatid"

Ngumiti ako dito at akmang makikipag kamay ngunit bigla na lamang umilaw ang relong suot-suot ko.

"Ang orasan ng pag-ibig, ano at meron ka niyan?" 

"Ang orasan"

Sabay na mungkahi nila na siya na namang ipinagtaka ko bakit kailangang laging may katanungan na mabuo sa aking isip tuwing kausap ang mga kagaya nila.

"Orasan ng pag-ibig? Anong ibig sabihin ng bagay na iyon?" oh diba tanong na naman ako nagsasawa na din ako kakatanong.

"Alam mo kay Kuya mo nalang itanong ang bagay na iyan dahil paniguradong sa oras na ito ay maglalaho na iyon. " nanlalaki ang mata sa tinuran nito.

"Nasaan sya?" 

"Nasa iyong isip Kristine sundin mo lang ang sinasabi ng utak mo kung nasaan sya at doon ka nito dadalhin. Ako ay aalis na sapagkat hinihintay na ako ng aking minamahal. Sa tingin ko ay ito na ang huli nating pagkikita sana ay maging masaya kayo" parang isang bula ay naglaho na ito si Lucille naman ay matamis na ngumiti sa akin na siyamg ipinagtaka ko.

"Maligayang pagdating sa aming pamilya Kristine. Ako si Lucille ang tagasubok sa bagong magiging salta, sa ngayon ay mauuna na ako." hindi pa man ako nakakapag salita ng bigla narin itong maglaho.

Pagkaalis nila ay agad ko namang inisip ang kwarto na palagi naming nagiging tagpuan ni Kevin at ilang saglit pa ay dinala ako ng aking isipan sa kwarto iyon. Maliwanag na ulit ang paligid nito. Mas nakaagaw pansin sa akin ang mukha ni Almira, gawa ito sa isang ilaw na kulay pula parang 'yung lumulutang na usok ito. Pag hinawakan ito ay tumatagos lang ang kamay.

Bakit nandito ito? Pano ito napunta dito? Dami ko na namang tanong. Kailan ba mauubos ang lahat ng ito?

-
Ow pano kaya napunta iyong litrato ni Almira doon? Syempre ako naglagay haha jk.

Ang dami ko ding tanong hahahah puro nalang tanong. Pakisagot naman.

Ilang parts nalang ay matatapos na itong storya na ito bye bye Kevin at Kristine na.

SA SUSUNOD NA ULIT AKO MAG UUPDATE ACTUALLY YUNG STORY NA ITO AY HANGGANG PART TWO LANG EH KASO MAS MAGANDA YUNG MAHABA KAYA AYAN MAHABA (oh utak nyo ah hindi lahat ng mahaba ay ok jk) Char! Maikli lang itong update na ito dahil nakakasawa ang mahaba, minsan mas ok pag maikli hahahah.

Laluna_Crescent

Sweet Dreams In a Nightmare (Completed)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang