Chapter 19

104 7 1
                                    

Chapter 19

Hindi ko alam kung gaano na ako katagal sa mundo ni Kevin. Ibang iba ang oras sa mundong ito.

Base sa relong suot ko at kay Kevin ang isang oras dito ay katumbas ng isang araw sa mundo ng mga tao kung kaya't ilang sandali pa lamang akong nandito ay araw na agad ang binibilang nito sa dati kong tahanan

Kung susumahin ang araw na naririto ako ako ay mahigit isang taon na akong nandirito. Mabilis ang oras dito 

Namimiss ko na tuloy sina Mama at Papa gustuhin ko mang bumalik ay hindi na maaari. Nagdesisyon na ako at hindi ko na mababawi pa iyon paniguradong sa mga oras na ito ay nalulungkot na rin sila.

"Mahal ko tila ikaw ay malungkot" agad na pumulupot ang bisig nito sa aking hubad na katawan. Sa mundo nila ay hindi uso ang salitang damit.

"Namimiss ko lamang ang aking magulang Kevin ano na kaya ang lagay nila ngayon?" malungkot kong turan dito. Noong una ay binalak niyang burahin ang ala-ala ng aking magulang at maging kaibigan, ngunit dahil magkarugtong ang isip namin ay nalaman ko ito 'yun ang unang beses na nabasa ko ang iniisip niya.

"Gusto mo ba silang makita?" tumango ako at humarap dito. Isang malalim na buntong hininga ang aking pinawalan at ngumiti ng peke.

"Gusto ko ngunit paano?" 

"Madali lang mahal ko kailangan ko lamang ialay ang isang taon sa aking buhay" nangunot naman ang noo ko sa kanyang sinabi. Hindi ko alam pero sobrang komplikado ng mga bagay dito sa mundong ito kay hirap ipaliwanag ng mga bagay bagay at mahirap din intindihin.

"Ano ang ibig mong sabihin?"

"Ang ibig sabihin lang nito ay halimbawa mabubuhay ako sa loob lamang ng walumpung taon. Ang isang taon nito ay maaari kong ialay para makapunta tayo sa mundo ng mga tao ng hindi ginagamit ang iyong isipan. Pero tanging boses lang natin ang maririnig nila." paliwanag naman nya. Buhay kapalit ng ganoon? Diba parang ang unfair naman

"Kung ganon ay buhay ang sakripisyo kapalit ng parang hangin na presensya" tumango ito 

"Yun lang ang paraan para makita mo sila ng harapan mahal ko. Hindi ko kayang mawala ka muli sa akin kapag sinubukan nating buksan muli ang diwa mo. Maaari kang mamatay" bakas sa boses nito ang pag aalinlangan na baka ito ang piliin ko.

Ngumiti ako at agad syang niyakap, gusto kong maramdaman niya na hindi ko siya kayang iwan.

"Hindi Kevin dito lang ako sa iyong tabi, kung mamamatay lang din ako pag sinubukan kong bumalik sa aking diwa ay para ko na ring sinayang ang pagkakataon na ibinigay sa akin ni Mama at yun ang hinding hindi ko gagawin" isang buntong hininga ang pinakawalan nito kaya naman napangiti ako. Nag-aalangan parin siya, ganyan siya katakot na iwan ko siya.

"Mahal kita Kevin at hindi ko na din kayang iwan ka pa. Pero nga pala ang libro hindi na ba natin kakailanganin ito?" nakakapagtaka lang na ano pa ang gamit ng pahina na nadagdag sa libro kung hindi naman namin ito magagamit.

"Mahal na Mahal din kita Kristine at ang libro ay nasa pangangalaga ng iyong ina. Isa lang ang sigurado ako Mahal ko sinusubaybayan ng iyong Ina ang ating kwento at malalaman nya rin na iniisip ka nya dahil lahat ng nangyayari sa atin dito ay kusang naisusulat sa libro pati na ang ating pagiisang katawan" namula naman ang mukha ko sa tinuran nito, kung ganon ay nabasa kaya ng aking ina ang parteng iyon . ngayon ko lang napagtagpi tagpi ang lahat. 

Ngayon ko lang din naintindihan kung bakit may alay para sa libro ito ay dahil para maipagpatuloy ang aming kwento, ang relong binigay sa akin ni Mama ay nagsisilbing mata ng libro para malaman nito kung ano ang mailalathala sa libro. 

Siguro balang araw rin ay mas maiintindihan ko na lahat ng mga bagay na nangyayari dito. 

Kailangan ko lang ng mahabang panahon para sa bagay bagay.

Naisip ko paano ko makakalimutan ang dati kong mundo kung lagi ko itong iniisip. Kaya nakapagdesisyon akong huwag na lang bumisita kay mama, siguro maiintindihan niya kung bakit. Ayokong maubos ang buhay ni Kevin ng dahil sa akin, at higit sa lahat ayoko na muli pang masaktan si mama.

-
Second to the last part po ito at ang last part ay P.O.V na ng mama ni Kristine. Sana ay nagustuhan nyo po.

Also bid your goodbye to the both of them.

Enjoy Reading!

Laluna_Crescent

Sweet Dreams In a Nightmare (Completed)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ