Chapter- 10 His Name

169 4 0
                                    


"Wag kang umiyak Kristine gagawa tayo ng paraan kaya nga kami nandito para matulungan ka namin, hindi magiging hadlang ang nawawalang pahina" pag aalo sa akin ni Almira pero hindi ko talaga mapigilan ang hindi mapaluha.

"P-Paano kung... Paano pag hindi natin masolusyunan ito Almira, Marielle anong mangyayari sa akin natatakot ako, hindi ko na alam ang gagawin ko kapag nagpatuloy pa ito " agad nila akong niyakap at hinagod ang likod ko.

"Maraming paraan Kristine, sa ngayon matulog ka na muna at kami ang bahalang magmasid habang natutulog ka baka kahit doon ay makahanap tayo ng solusyon. Ipanatag mo ang loob mo" tumango ako at humiga na. Sa sobrang pagod sa pag-iisip at siguro dahil bagong iyak lang ay nakatulog na agad ako.

"Kristine"

"Kristine"

Heto na naman sya. 
Akmang uupo ako ng hindi ko maigalaw ang buong katawan ko, kaya naman agad agad akong nag panick. Napakadilim at wala akong maaninag bakit parating ganito!

"Tulong! Tulong Mama! Papa! Tulungan nyo po ako! "

Sa sobrang takot ay sumigaw ako para humingi ng tulong ngunit kahit anong sigaw ang gawin ko ay walang boses ang lumabas sa aking bibig. Pilit akong kumikiwal para makagalaw pero tila naka-semento ang aking katawan

"Masaya ako at wakas ay tinanggap mo na ako Mahal kong Kristine, huwag kang matakot hindi naman kita sasaktan" narinig ko muli ang boses sa bandang paanan ko alam kong hindi niya ako kayang saktan ilang beses na itong nangyayari at ni isang beses ay wala naman siyang ginawa na ikasasakit ko halos puro sarap nga ang ibinigay niya, ang nakapag tataka lang at hindi ko maintindihan na tinaggap ko na siya wala naman akong maalala na sinabi kong tinanggap ko na sya. Sabi ko sa likod ng aking isipan

"Tinanggap mo ako ng sabihin mong malulungkot ka pag nawala ako" napatingin ako dito ng may pagtataka, ngunit ng mapagtanto ang kanyang tinuran ay nanlaki ang mata ko wag mong sabihing nababasa nya ang nasa isip ko?

"Oo Kristine nababasa ko ang iyong isipan, kasama sa pagtanggap mo sa akin ang pagiging konektado ng ating mga isipan, kung noon ay kaya lang natin makapag usap kahit sa isip lamang ngayon ay mababasa na natin ang iniisip ng isat-isa" nanlamig ako sa tinuran nito hindi ito maaari.  kinalma ko muna ang sarili ko bago muling nagtanong rito

"A-Anong kailangan mo sa a-akin? ang sabi mo ay tinanggap na kita ngunit bakit hindi ko parin makita ang iyong mukha? At pati pangalan mo ay hindi ko rin alam. Naguguluhan ako ipaliwanag mo sa akin ng maayos" narinig ko itong marahang naglakad bago mahinang tumawa. Nararamdaman ko ang presensya nya sa aking paligid. Madilim kaya hindi ko alam kung nasaang banda

"Kevin yan ang aking pangalan" itinutok ko ang mata ko sa bulto ng katawan niya malabo pa ang imahe niya. Hindi ko alam ang nangyari pero kumalma ang buong pagkatao ko ng naramdaman kong nasa tabi ko lamang siya.

"K-Kevin... Ano ang iyong kailangan?" 
Matatag na tanong ko rito. Nang subukan kong itaas ang kamay ko at hawakan sya ay bigla nalang may nakasisilaw na liwanag ang bumalot sa buong paligid. Kaya napatakip ako sa aking mata ng tanggalin ko ang tabing sa aking mata ay nasilaw pa ako, ang kaninang mistulang kawalan ay ngayo'y maliwanag na. Maliwanag na ang buong paligid

Agad kong ibinaling ang tingin sa kanya. Nanlaki ang mata ko ng masilayan ang hubad nyang kabuoan. Nang madako ang aking mata sa kanyang mukha ay napatulala ako. Ang iniisip kong pangit ay kabaligtaran nito, hindi siya kagaya ng mga lalaking nakita ko kamakailan lang 'yung mga lalaking kasama ni Lucille, pati narin sa mga nabasa ko ay ibang-iba ang deskripsyon nila sa nasisilayan ko ngayon.

Sya ay may kulot na buhok na umabot hanggang balikat. Ang mata nya ay mapungay na kulay pula ngunit napakaganda at nakakahalina. Kakaiba rin ang kanyang labi at kutis tila isa syang bampira gaya ng aking nababasa. 

Kung susumahin perpekto ang pisikal na kaanyuan nya wala ka ng hahanapin pa. Napalunok ako ng madako ang paningin ko sa malaki nyang kargada. Hindi ako makapaniwala kumasya sa akin ang bagay na iyan tila aabot talaga ito hanggang atay jusko!

"Ano at natulala ang mahal kong Kristine" napaiwas ako ng tingin ng magsalita sya ramdam ko ang pag iinit ng pisngi ko. Nakakahiya nakita nya akong nakatitig sa kanyang kayamanan, hindi ko naman alam na dadating pala kami sa gantong punto!

"Ngayong nakita mo na ako Kristine, handa ka bang sumama sa akin?" wika nito at inilahad ang kamay sa akin,  hindi ako nagdalawang isip na abutin ang kamay nito, konti nalang ay mahahawakan ko na ang kamay niya, nakaramdam ako ng kakaibang sakit na para bang hinahati ang katawan ko at hinihigop ng malakas na hangin akala ko ay magtatagal pa ang sakit pero bigla akong nagising sa malakas na sampal.

"Ha!" habol hininga akong napabalikwas ng upo, para akong sinasakal sa nangyari. Pawis na pawis ako at hinihingal, ng ilibot ko ang aking paningin bumungad sa akin ang mukha ni Marielle, Almira, Mama at si Papa na mga kapwa umiiyak.

"A-Anak ano ba talagang nangyayari sa iyo?" hindi magkandaugaga si Mama sa pagpunas ng pawis ko habang patuloy sa pag-iyak

"A-Ano po bang nangyari?" naguguluhang tanong ko sa mga ito, agad namang nagsalita si Marielle

"Kanina pagkahigang pagkahiga mo pa lamang ay pumasok dito ang Mama mo p-para kumustahin tayo, pero nadatnan ka na nyang tulog habang kami ni Almira ay nakatitig at nagbabantay sa iyo. Lumabas si tita para kumuha ng gatas para makatulog na kami agad naman namin itong kinuha at i-ininom. Hindi namin namalayan *lunok* nakatulog na kami ni Almira hmmf nagising nalang kami sa mahihina mong halinghing habang may kung anong inaabot" sumisinghot-singhot pa ito at huminga ito ng malalim bago ipagpatuloy ang kwento.

"Tinawag a-gad namin ang Mama at Papa mo dahil ayaw mong gumising.... dahil may p-ilit kang inaabot, sinubukan na naming pigilan sa iyong ginagawa pero tila naging semento ang kamay mo at kay hirap itiklop" basag ang tinig ni Marielle at tanging iyak ang maririnig sa kwarto habang nagkukwento si Marielle

"K-Kaya naisip ni Tita at Tito na magdasal kami ng taimtim ng matapos ang pagdarasal ay muli kang niyugyog ni Almira ng hindi gumana ay sinampal ka na. T-Takot na takot kami Kristine kaya naman sinabi na namin kay Tita ang tunay na dahilan kung bakit kami nandito" umiiyak na pahayag ni Marielle.

"P-Pasensya na anak, sa tingin ko kasalanan ko ang lahat ng ito. A-Ako ang dahilan ku-ng bah..kit nangyayari sa iyo yan." kunot noong napatingin kaming magkakaibigan sa tinuran ni Mama habang si Papa naman ay nakayuko lamang.

"Paa-nong haa! nangyaring kasalanan mo Ma?" kahit hirap ako sa paghinga ay naiusal ko pa ito. 

Hindi ko maintindihan, paanong sya ang dahilan?!

-
SA TINGIN NIYO GUY'S ANONG DAHILAN? 

Pag puro 'yung dialogue lang binasa niyo sa story na ito malilito kayo haha.

Enjoy reading!

Laluna_🌜rescent

Sweet Dreams In a Nightmare (Completed)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن