86

87 11 4
                                    

Jaycelle Silang

08:03 AM

Jaycelle: Saan ka?

Good morning, ga.

Nainom mo na ba yung gamot na iniwan ko dyan?

Jaycelle: Ang sakit ng ulo ko.

Kaya nga nag-iwan ako ng gamot dyan

Para sa hangover mo yan

Yung soup nasa kitchen, initin mo na lang.

Jaycelle: Bakit ang aga mo umalis?

Namalengke lang ako, ga.

Jaycelle: Bakit di mo ko ginising?

May hangover ka nga kasi

Ang dami mong ininom

Buti na lang sa condo kayo uminom ni Pami.

Tawa siya ng tawa sayo

Nagyaya ka mag-walwal tapos ang aga mo naman nalasing.

Jaycelle: Gaga yun

Jaycelle: Dinaya yata ako sa tagay nun eh

Bakit ka naman kasi nag-inom?

Jaycelle: Wala lang

Ga, magsisinungaling ka ba talaga sa akin?

Jaycelle: Fine!

Jaycelle: Hindi ako buntis.

Ano naman?

Akala ko ba ayaw mo pa?

Jaycelle: Bakit hindi mo ko binubuntis?

Pangga, ikaw iniisip ko.

Kung hindi ka pa ready, okay lang naman sa akin.

Jaycelle: 27 na naman ako, pwede na kong mabuntis ah?

May sinabi ba kong hindi pa?

Jaycelle: Ayaw mo ba kong maging nanay ng anak mo?

Anong pinagsasasabi mo dyan, pangga?

Mukha ba kong may ibang babae?

Jaycelle: Ang dami daming babae nakapaligid sayo eh

Jaycelle: Malay ko kung may itinatago kang ibang babae sa kanila.

Ay sus! Hahahaha.

Wala akong ibang babae pangga. Hindi ka lang buntis, pinag-iisipan mo na ko ng masama?

Jaycelle: Ang tagal na natin, Apol.

Jaycelle: Lahat sila buntis at may baby na. Ikaw yung pinakamatanda ikaw pa yung walang anak.

Hindi pa kasi binibigay ni Lord, pangga.

Hindi natin kailangan ikumpara relasyon natin sa kanila.

Bawat relasyon may sariling panahon. Hindi porke may mga anak na sila sa ganitong edad, dapat tayo rin.

Jaycelle: Pero 35 ka na, Apolinario!

Palagay mo sakin, hindi maaalagaan ang anak ko dahil treinta'y singko na ko?

Aba, Gabriela! Mukha bang pang-uugod ugod yung performance ko?

Jaycelle: HAHAHAHAHA!

Jaycelle: Uwi ka na.

Pauwi na.

Jaycelle: Gawa na tayong baby.

Gusto mo na?

Jaycelle: Nainggit ako sa kanila. Nung makita kong ang sasaya nila hindi ko mapigilan sarili kong mainggit sa kanila.

Okay lang yan, ga.

Jaycelle: Gawa na tayong baby natin.

Oo na. HAHAHAHA

Jaycelle: Uwi ka na.


Seen. 08:55 am



Fix Me, Apolinario BayaniTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon