33

82 12 3
                                    

Facebook User

05:46 PM

Palangga

Kumusta ka na?

Isang buwan na kitang hindi nakikita.

Mahal na mahal kita, pangga.

Kahit iniwan mo ko, hindi ko magawang magalit sayo.

Sinisisi ko ang sarili ko kung bakit tayo nagka-ganito.

Siguro kung hindi kita itinanan, hindi tayo magkakaganito.

Siguro kung hindi tayo umalis, hindi mangyayari yung aksidente.

Siguro kung hinayaan ko lang ang galit ng Papa mo, siguro ngayon nakuha ko na yung loob niya at napatunayan ko na totoo yung nararamdaman ko sayo.

Sorry, langga, di ako kasing lakas mo.

Sorry kung hindi ako yung tipo ng lalaking maipagmamalaki mo sa magulang mo.

Siguro nga ambisyoso ako tulad ng sabi ni Tito Digs. Napakamalas ng anak niya kasi sobrang bata pa para maging nobya ko.

Sabi ni Tito Digs, hindi ako karapat-dapat sayo kasi pinagsamantalahan ko yung kabataan at ka-inosentehan mo.

Nagbibinata na raw ako nung panahong ipinapanganak ka pa lang ng mama mo. Hindi raw angkop ang edad nating dalawa kaya dapat lang na maghiwalay tayo.

Pangga, sorry ha? Kasi nung sinabi ni Tito Digs na iwan kita, inamin ko sa kanya na may nangyari na sa ating dalawa.

Natakot ako eh. Natakot akong mawala ka sakin. Akala ko dahil conservative din ang Papa mo, pipikutin niya ko para panagutan ka. Pero hindi eh, nagkamali ako. Nang malaman niya na may nangyari na sa atin, mas lalo niya kong tinaboy.

Pinatunayan ko raw sa kanya na mapanamantala akong tao. Manggagamit ako at kinuha ko ang bagay na sana ay iniingatan mo. Mas lalo niyang naisip na hindi ako bagay sayo.

Ang unfair naman, pangga. Hinuhusgahan ako sa relasyon natin dahil mas matanda ako sayo. Hindi ba dapat mas maintindihan nila na hindi ako magloloko at seryoso ako sayo?

Bakit naman ganun, pangga? Kung kailan handa na kong pakasalan ka, tsaka mo naman akong biglang iniwan.

Walang araw na lumipas na hindi kita naiisip, mahal ko. Lagi kitang naaalala. Kahit sa panaginip ko, nakikita kita.

Magkasama tayo at masaya.

Hindi ko mapigilang mabalot sa lungkot tuwing gigising ako sa umaga kasi alam ko hindi na talaga kita kasama.

Pangga, kahit gaano katagal, maghihintay ako.

Hihintayin ko ang pagbabalik mo, mahal ko. Hinding-hindi kita ipagpapalit kahit kanino. Pangako ko yan sayo.

Mahal na mahal kita, Gabby. Nakikiusap ako sayo, balikan mo ko. Balikan mo ko, pangga ko.

Sent

Fix Me, Apolinario BayaniTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon