54

86 12 7
                                    

Carol Tipactipac

10:30 PM

Gwapa?

Nandito na ko sa Batangas ulit.

Carol: Ay may plano ka pa pala bumalik?

Carol: Akala ko magsasama na ulit kayo ni Apol eh.

Naalala ko na lahat, gwapa.

Aamin na sana ako kay Apol tungkol sa pagbalik ng alaala ko. Handa na kong bumalik sa kanya.

Pero iniwan niya ko.

Iniwan niya ko, Carol. 😭😭😭

Carol: Hindi mo naman masisisi yung tao. Ang tagal kang minahal nun. Ang tagal mong nawala. Tapos ngayon babalik ka pero may papakasalan kang iba?

Carol: Hindi ka minaltrato ni Apol noon pa man. Wala siyang ibang pinakita sayo kundi purong pagmamahal niya lang.

Carol: Ipinaglaban ka niya kay Tito Digs, Jaycelle. Ipinaglaban niyo ang isa't-isa. Kaya nga kayo lumayo di ba?

Carol: Hindi ko alam kung deserve ka pa rin ni Apol matapos lahat ng nangyari. Wala kang ibang naibigay sa kanya kundi sakit. Hindi pagtanggap ng magulang. Hindi pagtanggap ng alaala. Hindi pagtanggap ng buo.

Carol: Minsan napapaisip rin ako. Minahal mo ba talaga si Apol o gusto mo lang mag-rebelde kay Tito Digs kasi ayaw niya suportahan mga desisyon mo? Minahal mo ba talaga si Apol o nakakita ka lang ng taong handang magpaka-responsable para sayo at sa mga ginagawa mo?

Mahal ko si Apol.

Mahal na mahal ko si Apol.

Mula noon hanggang ngayon, si Apol lang ang minahal ko.

Carol: Kung si Apol lang ang minahal mo, ano si Rafael sa buhay mo?

Carol: JG, tandaan mong may Raf ka na. Ikaw ang may gusto na mag-stay si Raf sa buhay mo kahit na nandyan na naman si Apol ulit.

Anong gagawin ko?

Paano ko sasabihin kay Raf na hindi lang alaala ko yung bumalik?

Carol: Kasalanan mo yan. Noon pa, alam ko na. Alam ko kung gaano katindi yung naramdaman mo noon kay Apol kaya alam kong mangyayari to. Alam kong babalik sayo lahat.

Carol: Bakit kasi nakipag-kasundo ka sa mga magulang ni Raf? Binigay na nga ni Raf sayo yung freedom mo. Itinali mo pa sarili mo sa pamilya niya.

Malaki utang na loob namin ni Papa sa mga magulang ni Raf.

Akala ko noon kaya ko hindi malimutan si Apol kasi nakikita ko si Raf sa kanya.

Si Apol pala ang naaalala ko kay Raf.

Si Apol pala talaga yung gusto ko. Siya pala talaga yung hinahanap ko. Siya pala talaga yung hinahanap ng puso ko. Siya pala talaga yung gusto ko makasama.

Carol: Bahala ka nga dyan.

Carol: Nanggigigil ako sa katangahan mo.

Sorry ha?

Lost lang.

Nagka-amnesia lang.

Nakalimot lang.

Pero iniwan pa rin sa huli. Hindi pa rin pinaglaban. Maiiwan pa rin palang mag-isa.

Carol: Makikipaghiwalay ka na kay Raf?

Kahit hindi kami magkabalikan ni Apol.

Kahit hindi na ko gusto ni Apol.

Kahit hindi na ko balikan ni Apol.

Hinding-hindi ako sasama kay Raf. Hindi ako magpapakasal kay Raf.

Hindi ako karapat-dapat sa kanila. Hindi ko gagamitin si Raf para lang mapunan yung pangungulila ko kay Apol.

Sent

Fix Me, Apolinario BayaniWhere stories live. Discover now