61

84 12 6
                                    

FM Oliver Morris Q.

OMQ: Hi!

OMQ: This is Ollie, your one and only.

Potangina!!

Di ba, patay ka na?

OMQ: I'm sorry?

Gago

Sure akong patay ka na

Kaibigan ko si ***

Luh? Bakit di lumabas?

OMQ: Pota, kilala na kita.

OMQ: Joan of Arc, Joan of Arc ka pa. Lul.

Tangina sino to?

OMQ: Secret. Walang clue.

OMQ: HAHAHAHAHAHAHAHAHA

Gagi nataas balahibo ko

Sino ka nga?

Pota gusto ko kaya ma-meet si Ollie kaso di ko na siya naabutan

Tangina nung aksidenteng yun dami kong namiss

OMQ: Si *Apol* ba yan?

Pota sino ka??

OMQ: I'm a stranger.

Stranger na maraming alam?

Baka spy ka pala.

OMQ: Kabahan ka na kasi masama akong tao.

OMQ: Hacker talaga ko.

Pota!

Sira ulo ka na ba?

Sinisira mo alaala ng may-ari ng pangalan na yan.

OMQ: Hindi kaya.

OMQ: 'Di mo ba alam na ako talaga ang magpapabango sa pangalan niya. Ako talaga ang magiging dahilan kung bakit hindi mamamatay yung alaala niya kahit wala na siya.

Edi wow

OMQ: What can I do for you, lagenerala?

Gusto ko makipagbalikan sa ex ko.

OMQ: Ex na pala, eh. Kinakalimutan na dapat yan. Ang ex pinapalitan, hindi binabalikan.

Kailangan nga namin magbalikan.

OMQ: Para saan pa?

OMQ: Alam mo bang napakahirap mag-move on? Iniwan mo 'yong tao tapos ngayon babalikan mo?

OMQ: Ang tanong... makikipagbalikan nga ba sa 'yo?

Grabe ka ha?

OMQ: Minsan kasi hindi na natin kailangan balikan 'yong mga taong nasaktan natin. Hindi naman natin alam o malalaman kung ano pakiramdam nila na maiwan sila.

OMQ: Hindi natin alam kung natanggap na ba nila o naka-move on na ba sila sa nangyari noon. O 'di kaya, baka hindi pa talaga sila nakakalimot.

OMQ: Kung hindi babalik, mas mahihirapan lang sila kasi parang ipinagduduldulan natin na sinaktan natin sila. Mas mahihirapan sila mag-move on.

Mahal ko pa eh?

OMQ: Sana naisip mo 'yan bago mo iniwan.

Kilala mo ba ko?

Bakit alam mong ako nang-iwan?

OMQ: Miss, basic.

OMQ: Kung ikaw 'yong iniwan, kahit naka-move on ka na, hinding-hindi ka babalik.

OMQ: Ang mga bumabalik, 'yong mga umalis. 'Yong mga nang-iwan.

So, ibig mo sabihin wag ko na dapat balikan?

Paano kung mahal pa naman namin yung isa't-isa.

OMQ: Hindi porke mahal mo, dapat magkasama na kayo. Minsan kahit gaano natin kamahal ang isang tao, kakailanganin pa rin natin silang iwanan. Hindi dahil hindi na natin sila mahal, kung hindi... mahal natin sila, pero tanggap na natin at alam na nating hindi talaga sila para sa atin.

OMQ: Pinagtagpo pero hindi itinadhana.

Gago ka ah

Ang sakit mo magsalita ah?

Bakit paulit-ulit kaming nagkikita at nabalik sa isa't-isa kung hindi pala kami pwedeng magsama?

Kung hindi pala kami nakatadhana, paano mo mae-explain yung nangyayari samin ngayon?

OMQ: Baka FUBU lang kayo, gan'on.

HAHAHAHAHA!

Gagi hindi yun.

Pota ka.

OMQ: weh?

Oo nga

Ano ba pangalan mo? Ang awkward naman kung tatawagin kitang Ollie!

OMQ: Basta Ollie. Ako si Ollie.

K

Kung dyan ka masaya

OMQ: Salamat.

OMQ: baka closure

Ha?

OMQ: 'Di ba, tinatanong mo bakit parati pa rin kayo nagkikita kahit na hindi naman dapat?

OMQ: Huwag mo isipin na gawa ng tadhana 'yon. Aasa ka lang. Masasaktan ka lang.

OMQ: Baka wala pa lang talaga kayong closure. Baka kaya hindi ka maka-move on kasi dapat mo na siya pakawalan pero ayaw mo pa rin.

Alam mo

Tangina mo

Napakamalas ko ikaw nakausap ko agad dito

OMQ: Hahahaha! Hindi ako magsasabi ng gusto mong mabasa. Ilalagay ko 'yong dapat mong mabasa.


You disconnected the chat.


Fix Me, Apolinario BayaniWhere stories live. Discover now