10

105 11 2
                                    

Carol Tipactipac

10:02 PM

Carol: Ano okay ka na ba?

Hindi pa rin.

Carol: Ayan. Naaalala mo lang ako kapag magkaaway kayo.

Carol: Hala sige!

Grabe ka, gwapa.

Nabibwisit pa rin ako.

Carol: Mukha namang nagsasabi ng totoo si Apol.

Kahit na, hindi niya pa rin binanggit sa akin yung tungkol sa ex niya.

Carol: Does it matter?

Carol: Alam mo, you're overthinking. Kung talagang hindi ka naniniwala kay Apol, hiwalayan mo.

Gwapa?!

Carol: Sa relasyon, dapat nagtitiwala ka. If you're going to doubt Apol just because one of his exes shows up, nasaan ang trust doon?

Carol: If you think he is lying about the ex-girlfriend thing, tanungin mo yung kapatid. Close naman kayo ni Boni, right?

Tama ka naman. Kaso parang hindi ko kayang itanong kay Boni yun?

Carol: At bakit?

Baka isipin niya praning ako? One month pa lang kami ni Apol. Dapat masaya lang kami eh. Hindi basta basta magbabago yung relasyon sa isang buwan.

Dapat puro pa kami landian at kakornihan. Tapos dumating yung Shaira.

Carol: Edi praning ka nga.

Hindi mo man lang ba ko kakampihan, gwapa?

Carol: Kung talagang gusto mo malaman yung nakaraan niya, may mas tamang tao ka na dapat kausapin.

Sino?

Carol: Si Apol. Siya mismo.

Ayaw ko pa siyang kausapin.

Carol: Gabby, kung may isang taong nakakaalam ng nangyari sa buhay niya, si Apol lang yun mismo.

Carol: Ke nagsasabi siya ng totoo o nagsisinungaling siya sayo, ikaw lang din makakapagsabi nun. Pakiramdaman mo lang ang mga sinasabi niya.

Paano ko malalaman kung totoo o hindi?

Carol: Pagsabayin mo yung pakikinig, pakikiramdam at pag-iisip.

Hirap naman pala.

Paranoid nga lang siguro ako.

Carol: Bahala ka. Ako nagpapayo lang. Nasa sayo naman kung susunod ka sa payo ko o hindi.

Carol: May gusto pala akong itanong sayo.

Ano yun?

Carol: Kailan mo sinagot si Apol? Exact date!

HAHAHAHAHA

Nung nagpunta siya kay Papa para magsabing gusto niya kong maging girlfriend.

Nagalit si Papa, pinalayas siya sa bahay namin.

Kaya tumakas ako, pinuntahan ko si Apol at sinagot ko siya.

Carol: Sira ulo ka ba?

Carol: Ayaw ni Tito Digs pero sinagot mo si Apol.

Gwapa

Wala akong ibang naisip nung panahon na yun kung hindi ang tapang ni Apol na harapin si Papa.

Carol: Bakit ba ayaw sa kanya ni Tito Digs?

Matanda daw si Apol sa akin. Masyadong malaki raw ang walong taong agwat. Hindi raw siya naniniwala na mahal ako ni Apol.

Carol: Grabe hahahaha

May gusto lang daw makuha si Apol

Hindi alam ni Papa nakuha na

Carol: Gabby!!!

Yung oo ko.

Kasi nga sinagot ko na di ba?

Carol: Ewan ko sayo

HAHAHAHAHA

Carol: Kailan mo nalaman na gusto mo na si Apol?

Yung unang araw na hindi na tayo nagkausap.

Carol: Huh?

School Fair.

Three months ago yun di ba?

Nung araw na yun, yun yung araw na naramdaman kong gusto ko na pala si Apol.

Carol: Anong nangyari?

Wait.

Nandito na ko sa bahay.

Nandito si Apol naririnig kong kausap niya si Papa.

Carol: Hoy!

Carol: Mag-kwento ka mamaya.

Oo promise

Babalik ako pag alis na ni Apol ako magku-kwento.

Seen. 10:37 pm

Fix Me, Apolinario BayaniWhere stories live. Discover now