22

81 12 0
                                    

Jaycelle Gabriela Silang

12:23 AM

Jaycelle Gabriela: Gwapa, nandito kami ni Apol sa ADMC.

What?

Anong ginagawa niyo dyan?

Sosyal mo ha? Sa private hospital mo pa dinala si Apol.

Jaycelle Gabriela: Binugbog siya ni Papa.

Jaycelle Gabriela: Sabi ng doctor, basag yung ilong ni Apol. May ilang broken bones din siya pero gagaling naman.

Jaycelle Gabriela: Putok ang labi at may seven stitches sa noo.

Paano?

Kailan pa naging brutal si Tito Digs?

Jaycelle Gabriela: I don't know.

Jaycelle Gabriela: Nakakatakot si Papa. Gusto ko siyang yakapin kanina at pigilan na saktan si Apol pero tinulak niya ko.

Jaycelle Gabriela: Gwapa ngayon lang ako napagbuhatan ng kamay ni Papa.

Intindihin mo na lang si Tito Digs. I'm sure nabigla lang yun at hindi niya intensyon ang nangyari nung naitulak ka niya.

JG, si Tito Digs ang pinaka pasensyosong tao na nakilala ko buong buhay ko. Sobrang bait at sobrang chill ng Papa mo. Kahit na na-witness mo talaga at nasaktan ka rin niya, hindi ko pa rin ma-imagine na magagawa niya yun. Na makakaya niya yung gawin sayo.

Jaycelle Gabriela: Hindi naman ako gagawa ng kwento.

Alam ko 🙄

Pero hindi mo ko mapipilit na maniwala sayo kasi nga kilala ko rin si Tito Digs.

Subukan mo yan i-kwento sa iba, magugulat din sila at di maniniwala sayo.

Jaycelle Gabriela: Nakakatulong ka no? 🙄🙄🙄

HAHAHAHAHAHA.

Nakausap mo na ba si Apol?

Tinanong mo na ba siya kung anong nangyari at bakit siya biglang sinaktan ni Tito Digs?

Jaycelle Gabriela: Hindi pa. Sinaksakan siya ng anesthesia kanina kasi sobrang bugbog siya. Di namin maintindihan nung mga doctor kung nasasaktan siya o namamanhid pero obvious na nagdedeliryo na si Apol.

Jaycelle Gabriela: Hindi namin siya mapakalma kaya pinatulog na lang namin.

Hahahaha! Wow, akala mo ikaw nagsaksak o nagpainom ng pampatulog kung maka-namin ka ha?

Jaycelle Gabriela: Basher ka girl?

Nag-message si Tito Digs sa akin.

Tinatanong kung gising pa ko. Tatawag daw siya sa bahay.

Jaycelle Gabriela: Wag.

Jaycelle Gabriela: Baka saktan ka rin ni Papa.

Eh baka kaya tumawag kasi nag-aalala sa anak niya kasi madaling araw na tas biglang nawala?

Sasabihin ko na gising pa ko.

Jaycelle Gabriela: Gwapa? 🥺

Hindi ko sasabihin kung nasaang ospital ka. Ipapaalam ko lang na okay ka. Sasabihin ko hindi mo sinabi sa akin kung nasaan ka.

Jaycelle Gabriela: Thank you, gwapa. 🥺🥺🥺

Jaycelle Gabriela: The best ka talaga!

This is the second time that you make me lie for you. Ayaw ko nito pero naaawa rin naman ako sa inyo ni Apol so, palilipasin ko to.

Pero JG, ayusin mo to. Hindi pwedeng laging ganito.

Jaycelle Gabriela: Yes, ma'am. I promise.

Jaycelle Gabriela: Thank you talaga. I'll call Papa maya maya para di siya mag-alala sakin.

Good.

Sige na, kakausapin ko na si Tito Digs para makatulog na ko.

Jaycelle Gabriela: Gising na si Apol. Kausapin ko muna siya baka malaman ko kung bakit siya biglang sinuntok ni Papa.

Sent

~~~

Diego Silang

12:30 AM

Diego: Carol, nakausap mo ba si Jaycelle?

Seen. 12:43 am

Hi, Tito Digs.

Hindi po kami nagkausap kanina.

Bakit po?

Diego: Wala kc cya d2 sa bahay. Akala ko lang kasama mo.

Diego: Pwede ba kong tumawag sa telepono niyo?

Sorry, Tito. Wala po kasi ako sa bahay ngayon, nasa dorm lang po ako. Bukas pa po schedule ng uwi ko sa bahay.

Diego: Ah ganun ba? Cge salamat

Diego: Sabihan mo na lng ako kung nakausap mo si Jaycelle ha?

Diego: Galing kc d2 ung nobyo nya. Nasaktan ko kc ung lalaki. Bka dnala pla ni Jaycelle sa ospital no?

Ho?

Bakit po kailangan dalhin sa ospital?

Ano pong nangyari?

Diego: Kinausap ako eh. Gus2 dw manligaw kay Jaycelle noon. Ngaun nman, nagpunta sa bahay para sbhin na gf na nya si Jaycelle.

Mukha naman pong mahal na mahal ni Apol si JG.

Diego: Mukha? D ka cgurado?

Mali ka Tito ng intindi. Actually, sure po alo na mahal ni Apol si JG. At ganun din po si JG.

Wag ka mag-alala Tito. Mahal naman nila ang isa't-isa. Bigyan mo na lang po sila ng chance.

Diego: Alam mo ba kung bkt ako nglit Carol?

Diego: inu2san ko ung lalaking un na hiwalayan ang anak ko

Diego: d dw pwde dhl my nangyari n sa knila!

Diego: Gus2 b ng lalaking un na tuluyan ko na siya?

Diego: Ngaun sbhin mo Carol, di b ko pwde makaramdam bigla ng galit?

Fix Me, Apolinario BayaniDove le storie prendono vita. Scoprilo ora