26

80 12 3
                                    

Carol Tipactipac

01:37 AM

Carol: Kumusta ka na?

Carol: Anong klase kang best friend, umalis ka ng walang paalam?

Carol: Funny mo. Two months walang paramdam? Hindi ka ganito.

Carol: Once mo lang ginawa sa akin to. Nung sinagot mo si Apol.

Carol: Ganyan ka ba talaga? Kakalimutan mo friendship natin para sa lalaki?

Carol: Hay naku, Jaycelle Gabriela!

Carol: Kahit naiinis talaga ko sayo, namimiss na kita. Sana man lang magparamdam ka.

Carol: Kahit seen man lang sana, kaysa ignored. Promise, hindi naman kita isusumbong kay Tito Digs.

Carol: Speaking of Tito Digs, he's... he's sick now.

Carol: Lagi raw lasing. Naglalasing parati at nag-aamok ng away. Laging nagsisimula ng gulo kung saan siya umiinom.

Carol: Hindi ko alam kung nasa tamang posisyon ako para magsalita ng ganito, kaibigan mo lang naman ako, pero pamilya ang turing ko sayo. Sa inyo ni Tito. Tingin mo ba tama ang naging desisyon mo?

Carol: Tingin mo ba tama ang ginawa niyo ni Apol na umalis at magpakalayo-layo?

Carol: Mahal kita at wala akong hinangad para sayo kung hindi sumaya ka. Kayo ni Apol. Alam kong siya ang nagpapasaya sayo, alam kong mahal niyo ang isa't-isa, pero tama ba yung ginawa niyo?

Carol: Tama bang nagtanan kayo?

Carol: Kaibigan mo lang ako, oo, at wala akong karapatan na pagsabihan ka o kayo tungkol sa bagay na to, pero marami kayong nasaktan. Marami kayong tiwalang sinira.

Carol: Alam kong ang purpose ng pagtatanan ay hindi ipapaalam na magtatanan kayo pero, JG, sana man lang nagsabi ka sa akin.

Carol: Lagi namang binibisita ng pinsan mo si Tito Digs. Wag ka mag-alala, inaalagaan naman namin siya. Yun lang, gabi gabi pa rin siyang tumatakas para uminom.

Carol: Sinusubukan naman naming pigilan siya pero wala, di namin siya kaya. Sinisisi niya ang sarili niya sa pag-alis mo. Di sa kino-konsensya kita pero wala na nga ang mama mo. Kayo na lang ni Tito ang magkasama pero iniwan mo pa rin siya.

Carol: Sorry. Sa nakalipas na dalawang buwan, wala akong ibang china-chat sayo araw-araw kundi okay lang kami at mag-ingat ka. Ngayon, di ko na kaya. Sobra na, JG. Sobra na ang dalawang buwan na walang paramdam.

Carol: Ni hindi namin alam kung buhay ka pa.

Carol: Mag-iingat ka. Kayo ni Apol. Sana sa susunod magparamdam ka na. Umaasa pa rin kami na babalik ka. Sana wag mo isara ang puso mo sa pagpapatawad.

Carol: Alam kong isa sa mga rason kung bakit ka umalis ay dahil sa nasaktan ka ng Papa mo. Sana maintindihan mo na magulang siya. Walang magulang na maghahangad na mapahamak o masaktan ang anak nila.

Carol: Sana bumalik ka pa rin dito. Mahal ka namin. Mahal na mahal ka namin.

Sent

Fix Me, Apolinario BayaniWhere stories live. Discover now