62

83 12 5
                                    

FM Hans Sebastian V.

HSV: Hello! I'm Hans.

Hi Hans!

Matino ka bang kausap?

HSV: Sabi nila bobo ko

HSV: Edi hindi

HSV: Hindi ako matino kausap

HAHAHAHAHA

Okay na yan

Kaysa yung kausap ko kanina

Naaalibadbaran ako

Akala ko ba makakatulong Fix Me kapag may pinagdadaanan kami?

Yung makikinig lang samin kapag gusto namin mag-rant?

HSV: Aww sorry

HSV: Hindi mo naitatanong, isa ko sa mga department heads dito.

HSV: Kung gusto mo, report natin yung huli mong nakausap para bigyan namin ng memo.

Wag na

HSV: Kung may pinagdadaanan ka talaga, masama ang epekto sayo nung nakausap mo kanina. Kailangan natin sila mapagsabihan para hindi na sila makaperwisyo ng ibang tao.

Akala ko ba bobo ka?

May sense ka naman kausap ah?

HSV: Wala akong sense of humor.

HSV: May pagka-slow din ako minsan.

HSV: Mahilig kasi ako mag-analyze ng mga bagay bagay kaya imbes na isang beses ko lang siya kailangan maisip, parang nagkakaroon pa siya ng maraming beses na kailangan pag-isipan.

Ha?

HSV: Kumbaga sa manok, hinihimay-himay ko siya ng maliliit na piraso. Kahit hindi na kailangan.

Ah okay

Ano namang masama doon?

HSV: Dahil sa ginawa ko, bumagal yun pag-process ko sa mga bagay bagay.

HSV: Nagtatanga-tangahan ako eh. Ayun natuluyan ako. Lalo akong naging tanga.

Saklap naman nun

HSV: Sasabihin mo na ba kung sino nakausap mo kanina?

Hindi nga

HSV: Bakit ba ayaw mo sabihin kung sino?

Kasi naman

Patay na yun eh

HSV: Ha? Nakakapag chat ba mga patay?

Mismo!

Hindi di ba?

Pero ang ginamit niya na pangalan yung pangalan ng taong alam kong namatay na

Kaibigan niyo yun eh

Ang alam ko sabi nung kaibigan ko, siya gumawa nitong app.

HSV: si *Ollie*

Paano mo nagawa yan?

HSV: Pagitnaan mo ng asterisk yung pangalan para lumabas sa system

*Ollie*

Hala oo nga

Ganun pala yun

HSV: Paano mo nakausap si *Ollie* eh apat na taon na yung patay?!

Sa tingin mo ba di ko alam yan?

Nagpakilala nga siyang si *Ollie*

Tapos kung ano ano advice niya sakin

Nanggigil ako. Ayun dinisconnect ko na lang yung chat

HSV: Kinikilabutan ako sayo

Ha?

HSV: Imposibleng makausap mo si *Ollie* eh

Hayaan mo na yun

Baka pina-prank lang ako ng mga agents niyo

HSV: Ire-report ko to

HSV: Sa susunod na lang tayo mag-usap, lagenerala.

HSV: Paalam.

Hoy!!!

Di pa nga ako nakakapag-share sayo?

FM Hans Sebastian Villavicencio disconnected the chat.

Fix Me, Apolinario BayaniTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon