29

79 11 3
                                    

Jaycelle Gabriela Silang

02:27 AM

Pangga ko, gising na ikaw.

Ayaw kong nakikita kang ganyan.

Please pangga.

Mahal na mahal kita.

Kung pwede lang na ako na lang dyan.

Pangga ko

Sent

04:45 AM

Pangga

Sabi ng doctor kailangan ka daw i-ICU kasi kailangan ka i-monitor.

Wala akong naiintindihan pangga

Hirap na hirap akong makita ka sa ganyang sitwasyon.

Pangga anong gagawin ko?

Sent

06:01 AM

Palangga ko

Mahal na mahal kita, lagi mong tatandaan yan ha?

Magli-limang oras na tayo dito sa ospital pero wala ka pa ring malay.

Langga di ko na alam gagawin ko

Tulungan mo ko please

Please tulungan mo sarili mo

Mahal na mahal ka namin

Marami kaming nagmamahal sayo

Pangga please wake up

Sent

08:12 AM

Seven hours.

Seven miserable hours

I don't know if this is my karma or what

Nakailang pabalik balik na ako sa chapel ng ospital pangga

Hanggang ngayon wala ka pa ring malay

Kanina tinanong ko yung nurse kung bakit hindi ka pa rin nagigising. Ilang oras ka na walang malay at gulong-gulo na ko.

Sabi niya blunt force trauma. Hindi ko alam kung ano yun pangga

Pero hindi ko gusto kasi ang pangit pakinggan. Parang gusto ko sapakin yung nurse pangga kaso babae yung nurse mo eh.

Pangga, kahit mukha kang walang muwang sa itsura mo dyan, ang ganda ganda mo pa rin.

May benda na yung ulo mo, ang ganda ganda mo pa rin pangga ko.

Gising ka na please.

Alam mo naman na ikaw ang gabay ko sa buhay ko. Hindi ko kayang mawala ka sakin pangga.

Parang awa mo na, Mahal ko.

Gising ka na.

Sent


Fix Me, Apolinario Bayaniحيث تعيش القصص. اكتشف الآن