E

27 2 0
                                    

(Rea's POV no'ng chapter 23-24)

Rea's

Putek!

Taena neto ni Felix eh! Pumunta kasi sa bahay para tulungan sana ako sa topic namin sa math.

Aba leche wala naman palang dalang notebook! Pati yung usb niya naiwan niya sa locker niya.

Kaya siyempre wala naman akong magagawa kundi pumunta dito sa univ para kunin yung notebook niya at usb.

Kaso locker ng mga boys yun! Wala akong kasama, nakakainis eh! Tinatamad daw siyang lumabas na.

Ay oo nga pala! Yung libro ko nasa locker, tama tama kunin ko muna.

Dapat kasi kila Naomi ako magpapaturo, kaso lang ginabi sila sa practice eh actually naririnig ko pa dito sa kinakatayuan ko yung music nila. Minamadali na kasi malapit na yung performance nila.

Speaking of notebook, nakakatakot naman dito! Wala nang mga student buti nalang may ilaw sa locker room..

Pagpasok ko, assume ko na ako lang yung nandon pero hindi...

May ibang tao.. Lalake.

"hoy putangina mo!" sigaw ko sa gulat.

"hala gago!" sigaw niya din.

Sisigaw na sana ako ng magnanakaw o kaya manyak kung hindi ko lang nakilala kung sino yung lalaking yun.

"Jeongin!? Anong ginagawa mo di-"

Natigilan ako nang makita ko yung dala niya.

Omg!

"ikaw yung... Ikaw yung-"

"wag ka maingay, Rea please" bulong niya at tumingin pa sa paligid.

"omaighad!" sigaw ko.

"Rea! Shhh ka lang please!" mahinang sigaw niya.

Tumango ako at tulalang lumapit sa locker ko. Kinuha ko yung librong hinahanap ko, si Jeongin nasa likod ko pa rin.

Humarap ako sakanya at ayun siya, mukhang kinakabahan.

"don't worry, di ko sasabihin sakanila"  I said the smiled just to alleviate his nervousness.

"thank you" napayuko siya.

"ilagay mo na, snack ba ulit yan?" I asked.

"dinner"

Omg Naomi napaka swerte mong gaga ka! I can't believe this! I mean kung titingnan mo naman, di mo iisiping may gusto siya kay Naomi.

Well kahit di na niya sabihin sa 'kin na may gusto ba siya kay Naomi dahil sa nakita ko ngayon, halata na!

"bukod sa' kin, sino pang nakakaalam?"

"Seungmin hyung tsaka ikaw lang" sabi niya.

Tumango ako. Destiny? Hello?

"you like her" I said. Di tanong yon.

Tumango ulit siya.

"di ko naman sasabihin, aasahan ko na aamin ka ha?" I smiled.

Kaya para namang gumaan ang pakiramdam niya. Bakit? Kala ba niya ilalaglag ko siya? Grabe ha! Judger di naman ako ganon kadaldal.

"by the way, tutal nandito ka naman. Samahan mo ako sa locker ng mga lalake"

"a-anong gagawin mo don?"

"luh iniisip mo ba na bibigyan ko din ng ganyan crush ko? Baliw. May kukunin kasi ako sa locker ni Felix" sabi ko.

Tumango naman siya at sinamahan ako.

"una na ako ayen ah? Hihintayin mo pa ba sila Naomi? Patapos na rin yun" sabi ko.

"uh..."

"hintayin mo na!" tinulak ko pa siya pabalik, "may date sila Keira kaya walang kasabay yun, gabi na oh"

"eh andun naman si Youngjae eh" he pouted.

Hala selos?! Tangina masaya 'to! Ganito pala magselos ang Yang Jeongin.

"wushu selos. Di sasama yun don! Kakakilala lang niya tas sasama siya? Di naman tanga yun si Naomi. Dalian mo na, una na ako ha?"

"sige, ingat"

Hay nako! Relate ako sa ganyang selos selos na yan! Lalo pa' t madaming nagkakagusto sa crush ko?!

Sa' kin din ang bagsak niyan mga bhie BWAHA.

Dream |  양 정인Where stories live. Discover now