20

34 2 1
                                    

Naomi's

Ang bilis lang ng 2 linggo. May pasok ulit kami.

Nasanay ata ako na gumising ng tanghali kaya muntik pa akong malate, buti nalang sinundo ako ni Jeongin.

"nagpuyat ka noh?" tanong niya pagkalabas ko ng kwarto.

Tinaasan ko siya ng kilay, "lagi naman akong puyat tsk"

Buti nalang malapit lang yung school dito sa condo ko kaya tumakbo nalang kami. Hindi ko kaklase si Jeongin kaya absent siya sa first subject samantalang ako, sa homeroom lang wala.

"lilibre kita mamaya" sabi ko sakanya tsaka siya tumakbo papuntang room nila.

Pagkapasok ko nagaayos na sila ng upuan nila para sa next subject namin.

Nagulat ako nang may nakaupo sa tabi ng upuan ko. Actually bakante yan eh kasi ako yung nasa pinaka likod ng 3rd row, gets?

Pero ngayon may nakaupo na. At mukhang bago lang din.

Pagkaupo ko, napaigtad siya sa gulat. Tiningnan niya yung kabuuan ko at napayuko.

"annyeong"

Tiningnan ko siya.

Shit ang gwapo- ay hindi hindi. Hindi ako marupok.

Pero totoong gwapo siya! Grabe ang swerte ko naman ata.

"annyeong" bati ko at pinagpatuloy yung pagaayos ko ng gamit.

"ako nga pala si Son Youngjae"

Uh di ko tinanong? Gusto ko siyang barahin pero huhu ang gwapo eh! Mukha naman siyang mabait, ako lang yung nagsusungit dito.

"Kim Naomi"

Umayos siya ng upo kaya lumingon ako sakanya, "sakto. Ikaw yung sinasabi sa 'kin ni Mrs. Choi, papasama sana ako sa dance troup? Sasali kasi ako" he smiled.

He smiled! Ang gwapo!

Dancer din pala siya hala. Feeling ko crush ko na siya, joke!

Baka mamaya nasa loob kulo nito eh tsk tsk.

"sige, mamaya nalang" yun lang yung sinabi ko at sakto naman na pumasok yung prof namin.

Sobrang tahimik lang nitong katabi ko, may times din na pinapatayo siya para magpakilala sa profs o kaya naman para magrecite.

Grabe hanga ako sa utak ng lalaking 'to.

May isang activity kami sa math na siya yung partner ko. At wag ka bukas na daw namin agad simulan! Kung mga kaibigan ko lang mga kapartner ko baka bago magpasahan namin magawa yung activity.

Nakakatamad!

"mm kailan mo pala ako sasamahan?" tanong niya.

"mamayang uwian, may practice kami" sagot ko.

Recess!

"noona!-" natigilan si Jeongin nang makita si Youngjae.

Tumabi siya sa 'kin, "sino yan? Bakit may katabi kang lalaki?" bulong niya.

Ghad, ang lapit niya eh naririnig din naman siya ng katabi ko.

Tinulak ko yung mukha niya, "bagong lipat lang" bumaling ako kay Youngjae, "si Jeongin pala, friend ko"

Ngumiti siya kay Jeongin, "Son Youngjae"

"tara noona ilibre mo na ako! Sabi mo diba?"

Pagkatayo ko, tiningnan ko si Youngjae, mukhang walang balak na umalis sa upuan niya.

Wala din namang pagkain sa lamesa niya.

"di ka magrerecess?" tanong ko.

"ah hehe... Hindi ko kasi alam kung saan tsaka kung paano"

Kawawa naman 'to.

"sige sama ka sa amin"
__

Ey wassap! HAHAHAHAHAHA

Son Youngjae (Eric) of The Boyz.

Malaki yung part niya sa story so pinakilala ko na rin hehe

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Malaki yung part niya sa story so pinakilala ko na rin hehe. And,,, para na din sa di nakakakilala sa jowa ko- chour.

Dream |  양 정인Where stories live. Discover now