41

27 2 0
                                    

Naomi's

"wassap mga bijj!"

Napabalikwas ako sa sigaw ni Keira. Di ko pala nalock yung pintuan ko hanep.

"ang ingay lintek" reklamo ni Francesca.

"anong ginagawa nyo dito?" tanong ko.

Like nabitin ba sila sa gala namin nung isang araw? Aish.

"tatae girl. Siyempre nabitin kami! Girls talk tayo dali problemado ako" sabi ni Rea.

"si Naomi pinunta natin dito dai, may ichichika daw siya sa atin sabi ni Althea"

Nilingon ko si Althea.

"eh kasi nakwento ko sakanila na may ikekwento ka kaya sumama sila" paliwanag niya.

I sighed. Si Althea lang talaga originally pinapapunta ko dito. Gusto ko lang malinawan.

Kung gusto ko si Jeongin or infatuation lang, nafaflatter lang ako sa ginagawa niya?

Di ko talaga alam! Wala akong alam dito! Wtf.

Naisip ko lang yun nung araw na di ako mapakali nung di siya namamansin. Diba ganun naman yun? Well sa mga nababasa kong libro ganon ang nangyayari ako, pero kailangan ko pa rin magtanong.

"uy Naomi ok ka lang? Ang tahimik mo oh, anong problema?" Erich asked.

Isa isa silang umupo sa harapan ko, nasa mahaba silang sofa habang ako nasa single sofa lang.

"k-kasi ano may itatanong lang ako, since alam ko na marami kayong alam tungkol dito" sabi ko.

"go ahead. We will listen" Francesca said.

Di ko muna papangalanan noh? Di naman nila malalaman eh.

"uy Naomi" tawag ni Rea.

"don't pressure her" awat naman ni Hana.

"I know it will sound so cheesy but... Ano bang ibig sabihin kapag yung kaibigan mong lalaki nagalit sayo tas di ka mapakali. Like, gagawa ka ng way para pansinin ka niya?"

God, please sana di nila mahalata.

"you like him" Althea simply said.

What?!

"hindi ganun yon" sabat ni Marion.

Lahat kami napatingin sakanya.

"pwede din na may gusto ka sa kaibigan mong yon pero meron pang pwedeng maging dahilan. Siguro naguguilty ka, ikaw yung mali kaya naguguilty ka kaya di ka mapakali" sabi pa ni Marion.

"woah" sabi ni Rea, "di ko alam na marami kang alam sa ganyan. Yan ba napapala ng naghost?"

"di naman ako tanga duh, like lahat naman siguro ganun din saaabihin" Marion shrugged.

"agree kay Marion" - Hana.

Pero di ako agree.. Parang di naman ganun eh.

"eh paano kapag ano.. Hindi eh, di naman ako naguguilty kasi wala naman akong ginawang mali"

"edi gusto mo nga! Kulit amp sino ba yan?" tanong ni Althea.

"wala lang"

"Jeongin, Youngjae, o isa sa mga stray kids? Except kay Minho siyempre"

"pati kay Seungmin!" sigaw ni Rea.

"luh asa namang si Seungmin yun, ang selosa neto" sabi ko sakanya.

"kung ayaw mong sabihin ok lang naman. Makikilala rin naman namin yan eh YIEEEEEEE"

"basta team Jeongin ako!"

"oy bat nasali kapatid ko jan?"

Di naman ako takot kay Althea pero bakit parang ayaw niya? Parang galit siya?

"bat parang ayaw mo? Team Youngjae ka ba?" tanong ni Rea.

"hindi. May pinopormahan yun eh, pero di ko kilala basta nahuli ko lang siya na may iniistalk na babae. Di ko nakilala kung sino eh" she shrugged.

May iniistalk na babae si Jeongin?

"may pagkain ka ba jan?" tanong ni Althea sa 'kin.

Nawala na ako sa mood!

"wala" tumayo ako at pumunta sa kwarto ko, bahala na sila jan pwede naman silang magluto.

Argh ano bang nangyayari?!

Dream |  양 정인Where stories live. Discover now