18

28 2 0
                                    

Naomi's

Anong ginagawa niya dito?

Talaga ngang pumunta siya? Edi naabutan niya sina oppa doon sa babay?!

Baka alam na niya?

Never akong nagkwento sa mga kaibigan ko about sa pamilya ko. Ayoko na silang abalahin sa problema ko.

Si Francesca lang pala ang nakakakilala kay eomma. Sina Marion, kilala niya pero di siya kilala ng mga kaibigan ko.

Dakilang stalker din 'tong si eomma eh tsk.

"anong ginagawa mo dito?" tanong ko kay Jeongin.

Napakamot siya sa batok niya, "eh kasi nagaalala ako sayo. Parang may problema ka"

Hays.

"upo ka" aya ko.

Agad naman siyang umupo. Inabot ko sakanya yung kinakain kong noodles. Kinuha niya yon at tahimik na kumain.

Ok lang naman siguro kung ikekwento ko sakanya noh? Tutal kaibigan ko na rin naman si Jeongin.

Nakakapagod ding dalhin 'tong problema ko.

"edi naabutan mo sina oppa sa bahay?"

"oo- oppa? Yugyeom?"

He' s so clueless.

"oo. Kasama niya si eomma"

"ay sayong nanay pala yun? Kala ko kay Yugyoem oppa"

Tae ang slow HAHAHAHAHA.

"kaya nga"

"ahh- ha?" nabilaukan siya sa noodles na kinakain niya "e-edi kuya mo si?"

Tumango ako, "pero sa nanay ko lang siya kapatid" sagot ko.

Para namang nailang siya sa topic namin. Pero ready na akong magkwento.

"sorry noona, ok lang naman kung di ka magkwento" sabi na eh.

"ok lang"

"naghiwalay na sila ng father ko, yung papa ni Yugyeom yung kasalukuyan niyang asawa. Kilala ko pa rin naman papa ko kasi naghiwalay sila nung grumaduate ako ng elementary" pagkekwento ko.

"pero mas matanda si Yugyeom hyung sayo ah? Ay sorry ang chismoso ko"

I chuckled, "gagi ok lang. Sa pagkakaalam ko, magbestfriend yung papa ko at papa ni Yugyeom oppa, tas si eomma naman nakilala nila nung highschool daw sila. Pareho silang nagkagusto kay eomma pero si eomma sa papa ko nagkagusto"

Halatang seryoso siyang nakikinig sa 'kin.

"pero umalis si appa noon. Kaya kinuha ng papa ni Yugyeom hyung yung pagkakataon at naging sila ni eomma at kinasal. Pero nung pinanganak ni eomma si Yugyeom oppa bumalik si appa. Naging sila, tas nagcheat si eomma sa papa ni Yugyeom oppa at nabuo ako"

"dun lang narealize ni eomma na mahal niya yung papa ni Yugyeom oppa kasi kahit iniwan siya ng papa ko, tinanggpa pa rin siya, pati na rin ako"

I sighed. I thought those things only happen in the drama.

"nasa saudi na sila pero di ako sumama. Nasasakal ako pag kasama ko si eomma"

Hanggang dun nalang yung kaya kong ikwento ko sakanya.

Sa ngayon di ko pa alam kung paanong pipilitin si eomma na dito nalang ako.

Dream |  양 정인Where stories live. Discover now