49

22 2 0
                                    

Jeongin's

"favorite position?"

Naghiyawan sila sa tanong ni Minho hyung kay Chan hyung.

"tangina naman" bulong ni Chan hyung.

"sagot na!" sigaw ni Rea.

"paanong position ba? Nakaupo? Nakahiga?" - Chan hyung.

"oo pwede na yan! Game next!" sigaw ni Althea.

"putek, yung tenga ko! Bastusan" sabi ni Seungmin hyung sakanya.

Inirapan lang siya ni noona at inikot ulit yung bote, sa akin tumama yon.

"aba putek masaya 'to! HAHAHAHA truth or dare, kapatid?" nakangisi sa' kin si Althea noona.

Alam ko na kung anong nasa utak ng mga 'to. Kahit mag dare ako, alam kong may kinalaman' to kay Naomi.

"truth" sagot ko.

"ay matapang! Idol ko 'to!" - Marion.

"anong masasabi mo na nacrushback ka? Sana all talaga noh?" - Hana.

"ay nagpaparinig?!" - Felix hyung.

"hoy sagot na! Pangiti ngiti ka pa eh, pabebe?" pangaasar ni noona sa' kin.

Ang epal!

"uh wala, masaya lang ako. Ako kasi dapat aamin eh tas nakakagulat lang, ang unexpected" nagtakip ako ng mukha sa hiya!

"hala pabebe! HAHAHAHAHA kadiri naman, parang nakakatakot na magjowa" sabi ni Jisung hyung sa 'kin.

"ay naki cringe ka? Kaya ba mahilig ka mang-ghost? Hmmmm" sabi naman sakanya ni Hana noona.

"wala namang personalan hehe" halatang naiilang si Jisung hyung.

Malamang isa ba naman sa nandito sa amin, ghinost neto ni Jisung hyung, talagang ang awkward non.

Sinaway na sila ni Chan hyung at pinaikot ulit yung bote. This time kay Naomi tumapat yon.

"ay masaya nga 'to!" - Althea noona.

"ok so kailangan makita natin kung paano ba magselos ang Yang Jeongin. So Naomi, ilan manliligaw mo bukod sakanya?" tinuro ako ni Hyunjin hyung.

"sawang sawa na ako sa pagmumukha niyan ni Jeongin kapag nagseselos tsk" komento ni Seungmin hyung.

"manliligaw? Wala, I mean di ko alam jan kay Jeongin kung nanliligaw ba yan wala naman siyang sinasabi, or dapat bang sabihin niya? Basta ayun"

Lumingon silang lahat sa 'kin.

"fling lang ba kayo o ano? Tanga siyempre manliligaw ka! Umamin na nga sayo eh, hindi don titigil yon" frustrated na sabi ni Changbin hyung sa' kin.

"dami mo alam oy, torpe ka diba?" - Rea.

"oo pero may utak pa rin ako" sagot ni Changbin hyung sakanya.

"ay weh? Di halata"

"nye nye mama mo di halata"

"para kayong mga bata, may sasabihin pa ata si Naomi oh, manahimik kayo" saway ulit ni Chan hyung sakanila.

"ayun nga. Pero wala talaga, may mga umaamin sa 'kin na gusto daw nila ako pero di ko naman ineentertain kasi di rin ako interesado" sabi pa niya.

So sa' kin interesado siya? Ano ba yan! Kinikilig tuloy ako.

"eh yung nagbibigay ng snacks sayo sa taas ng locker mo? Kilala mo na ba kung sino yon? Halata naman na gusto ka non! Di mag eeffort na gumastos yon" sabi ni Marion noona.

Tumingin sila hyung sa akin pati si Rea, di ko alam kung nahalata na ba ng mga babae yon.

"selos ka ayen?! HAHAHAHA totoo yun! May nagiiwan ng snacks sa ibabaw ng locker ni Naomi! Nakalagay sa pink na paper bag"

"ah actually..."

Nakatingin na silang lahat sa 'kin, hinihintay ang sasabihin ko.

"yung sinaaabi nyong nagiiwan ng paper bag na yon sa itaas ng locker ni Naomi noona... Uh-"

"si Jeongin yon! Lintek na paintense pa eh! Oo girls, si Jeongin yon. Naomi, si Jeongin yob" sabat ni Jisung hyung.

Dinumog naman siya nila Chan hyung.

"amp ang epal!" - Erich noona.

"ikaw pala yon?" Naomi asked.

I nodded.

"ako unang nagkagusto, hindi ikaw" I smiled.

__

bilis ba? Minamadali ko na yan skl, patapos na kasi- owps.

Dream |  양 정인Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu