22

23 2 0
                                    

Naomi's

"ay dancer ka din pala? Nako di marunong mang crushback mga dancer"

Kanina pa kinukulit ng mga kaibigan ko si Youngjae, mukha din namang tuwa tuwa siya sa mga kalokohan ng mga 'to.

"uy ang tahimik mo" siniko ko si ayen.

"may iniisip lang"

"ano yon? May problema ba?"

"Kim yung apilyedo mo eh, tas siya Son, bakit magkatabi kayo?" tanong niya.

Kaya siya tahimik dahil don?

"eh yun nalang yung bakanteng upuan"

"si Althea noona? Wala din naman siyang katabi ah"

Anong pinaglalaban ng batang 'to? Kanina din siya tanong ng tanong kung bakit ko daw ba katabi si Youngjae.

Hala bakit di niya itanong sa advicer namin? Ang kulit niya.

"hindi ko nga alam. Tanong mo kay Mrs. Choi" sabi ko nalang.

Lalo pang umingay yung lamesa namin nang dumating sina Jisung kasama yung iba.

"mmm mangiiwan ka na ah" binatukan ni Seungmin si Jeongin.

Parang bata naman na yumapos sa braso ko si Jeongin, "noona oh!"

"aish! Alis! Mainit eh" sabi ko.

"awts basted" - Seungmin.

Natigil lang yun nang magring yung bell, pumunta na kami sa kaniya kaniyang room, sa kabilang building pa ako.

Kasabay ko naman si Youngjae.

"patingin nga ng schedule mo" sabi ko.

Kinuha niya yun sa bag niya at inabot sa akin. Aba parehas lang kami ng sched, kaklase ko siya sa lahat ng subjects.

"oh parehas kayo" sabi ni Jeongin.

Oo kasama siya kasi kaklase ko siya ngayon. Sinabi ko na pupunta muna ako ng locker para kumuha ng libro, pero sumunod naman 'tong dalawa.

"bawal dito boys" sabi ni Jeongin kay Youngjae. Oh sapakan na oh.

Bakit ang init ng ulo netong batang' to?

"yeah, I know"

Napailing nalang ako sakanilang dalawa.

Binilisan ko na yung pagkuha ng libro dahil baka magsuntukan na silang dalawa sa sobrang seryoso nila.

Pagkapasok ko sa room nagulat ako nang tumakbo si Jeongin papunta sa dalawang bakanteng upuan.

"tabi tayoooo"

Lagi naman.

Nilingon ko si Youngjae.

"paano ka? Sa harap ka nalang namin-"

"oh Ms. Kim and Mr. Son? Bakit di pa kayo pumapasok? Tara na para makapagsimula na tayo agad. Ms. Kim, please sit with Youngjae"

Habang papunta kami sa upuan namin, hinila ako sa braso ni Youngjae.

"sige na, dun nalang ako sa likod niyo"

"huh? Hindi pwede, mapapagalitan tayo ni maam"

May binulong siya pero hindi ko na narinig.

"dali na, ok lang nga sa 'kin" he said then smiled.

"hays. Bahala ka" tumabi nalang ako kay Jeongin at nakita ko naman suya na pumwesto sa likod namin.

Tiningnan pa muna kami ng prof pero tumango nalang din.

Dream |  양 정인Where stories live. Discover now