02

74 3 0
                                    

Naomi's

Pagkaayos ko lang ng gamit ko dumiretso na ako sa gym tutal dala ko na kanina pa yung kailangan ko sa practice.

Di na rin ako dumaan ng locker dahil nagmamadali na ako.

Habang naglalakad may nakabunggo pa akong student kaya nalaglag yung string bag ko.

"ay sorry" sabi ko sa nakabangga ko.

Nagulat si Jeongin at agad na tinago yung dala niya sa likuran niya. Para bang ayaw niyang ipakita.

"sorry din po, noona" sabi niya.

"saan ka pupunta?"

"sa ano po..."

Tumaas kilay ko, "saan?"

"sa cr lang po may gagawin. Una na po ako ah? Bye" sabi niya.

Magsasalita pa sana ako kaso nagmamadali na siyang tumakbo palayo kaya napailing nalang ako.

Habang naglalakad napaisip ako.

Pag iba yung kausap ni Jeongin para naman siyang di kinakabahan. I mean napaka formal niya pag ako yung kausap kaya feeling ko sobrang tanda ko na sakanya. Eh isang taon lang naman pagitan namin.

Lagi pa siya nag 'po pag kausap ako. Di ako sanay!

Ayoko magassume pero ayoko rin naman na parang awkward at nahihiya siya sa 'kin. Kausapin ko nga mamaya.

"naks nandito na pala si master Naomi eh" bungad ni Hyunjin sa 'kin pagkapasok ko sa gym.

"happy ka?"

"medyo?"

Umirap lang ako.

Lumapit ako kina Keira at Minho, "gosh! Ang PDA naman? Respeto sa single aba" sabi ko.

"sana all may kasama mag snacks!" sigaw ni Hyunjin na sumunod pala sa 'kin.

"sunod ka ng sunod, crush mo ba ako?" I asked.

"pass! Iba gusto ko! Yung may jowa sana" bitter na sabi niya.

"ah, di ko naman alam na pinangarap mo palang maging kabit?"

"haha Naomi. Napaka nyo ah? Nahu hurt ako"

"uyy nahu hurt daw oh! Gaya gaya ka kay Althea ha? Hulog na hulog" pang aasar ni Minho.

"uy anuba? Baka marinig kayo ng jowa nun patay ako niyan" bulong ni Hyunjin at tumingin pa sa paligid.

Napaka oa talaga neto.

"guys let's start!" sigaw ni Christine kaya nagsiayusan na kami.

__

Dream |  양 정인Where stories live. Discover now