55

30 2 0
                                    

Jeongin's

"una na po ako, hyung" paalam ko kay Chan hyung na busy manood ng movie sa tv.

Katabi niya rin sina Minho hyung, Seungmin hyung, at Changbin hyung. Yung iba tulog.

"saan ka?" Seungmin hyung asked.

"movie marathon kila Naomi" sagot ko.

"lagi kayong magkasama ah? Baka magsawa niyan sa mukha mo si Naomi" pangaasar sa 'kin ni Changbin hyung.

"hehe inggit ka lang hyung"

"aba bastos-"

"ang ingay mo Changbin! Nanonood tayo oh. Ingat, maknae" sabi ni Minho hyung, di manlang ako nilingon dahil busy siya sa panonood.

Pasimple pa siyang inirapan ni Changbin hyung kaya natawa ako, nagpaalam ulit ako bago umalis. Dumaan ako sa convinience store dito sa baba ng building na tinitirihan ni Naomi para bumiling pagkain.

Sabi niya may pagkain naman daw siya, pero siyempre gusto ko ako gagastos.

Pagkatapos non umakyat na ako sa floor ng bahay ni Naomi. Isang doorbell ko lang bumukas na yung pinto.

She smiled at me then I kissed her on cheek.

"sakto, tapos ko nang lutuin yung popcorn" sabi niya pagkaupo namin sa sofa.

"eh? Nagdala din akong pagkain"

"edi kainin din, duh?" tumayo siya para kunin yung popcorn. Namili naman ako ng papanoorin namin.

Puro na kasi horror yung pinapanood namin kaya naman napagdesisyunan naming manood ng romance yung genre.

"naalala ko tuloy nung sinungitan mo ako" sabi ko.

"huh?"

"nakalimutan mo na? Ako naalala ko pa, sabi mo pa nga non 'bakit ka ba sunod ng sunod sa' kin ha?'" pagkekwento ko.

Tumingala naman siya na parang inaalala yung nangyari.

"di ko maalala. Ano bang nangyari non?"

"nagpustahan kami ni Seungmin hyung, pag nanalo ako ililibre ko siya, tas pag siya nanalo magpipick up line ako sa crush ko" pagkekwento ko.

"di pa niya alam na ikaw yun, basta sabi ko lang may crush na ako"

Flashback...

Grabe! Malay ko bang mananalo nga si Seungmin hyung? Nahihiya ako!

Seriously, pick up line? At this age? Sinong kikiligin sa pick up line?

Ni bilang lang nga sa daliri ko kung ilang beses kong nakitang ngumiti si Naomi noona.

Wala akong ginawa buong araw kundi ang sundan siya, humahanap kasi ako ng perfect timing. Yung wala siyang kasama.

Kaso badtrip 'tong si ate, parang linta na laging nakadikit kay Naomi noona. Pati yung ibang kaibigan niya, lagi niyang kasama.

Kaya naman hanggang sa pagpractice nila nakasunod ako, nakatago lang ako sa ibaba ng stage.

Grabe ang galing sumayaw.

Narinig ko na tapos na yung practice kaya naman lumabas na ako.

Halos mapatalon ako sa gulat nang makitang nandon pa si Naomi noona, umiinom ng tubig.

Wala na siyang kasama, kaming dalawa lang nandito.

Humarap siya sa 'kin at binigyan ako ng sobrang cold na tingin.

"kala mo di ko napapansin? Kapatid ka ni Althea diba? Nakikita kita, sumusunod ka sa' kin"

Grabeng napaka straight forward naman niya! Di ba niya naisip na baka isipin kong assuming siya?

"h-hindi kita sinusundan!"

"ah huh?"

"eh kasi..."

"bakit ka ba sunod ng sunod sa 'kin ha?"

I sighed heavily. This is it, dalawa lang kami dito.

Tiningnan ko siya at ngumisi,

"diba sabi nila follow your dreams?"

Tinaasan niya lang ako ng kilay, gesturing me to continue what I'm saying.

"You are one of my dreams" kinindatan ko siya.

Pero nahiya ako bigla kaya tumakbo ako paalis don. Nakasalubong ko pa sina noona pero di ko na sila pinansin.

Nakakahiya!

End of flashback.

Nakakahiya pero dun nagsimula ang lahat.

_The End_

Dream |  양 정인Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang