50

25 2 0
                                    

1 month ago...

Jeongin
__

naomi
uy nasaan na kayo? Magsisima na ceremony ng graduation

Jeongin
teka lang sorry! Si Jisung hyung ang bagal magbihis eh

naomi
dalian nyo nalang please, magsisimula na baka maupuan na 'tong nireserba naming seats sainyo

Jeongin
okie okie

seen

__

Naomi's

"asan na daw sila?" Rea asked.

Ngayon ang graduation ng mga kaibigan namin. Sobrang nakakaproud lang sila.

Nandito din yung mga parents nila kaya bukas na naming naisipang mag celebrate.

Sa wakas, bakasyon na.

2 years nalang, kami naman ang gagraduate.

"papunta palang daw, nagbibihis pa si Jisung" sagot ko.

Maya maya nakarating na yung mga lalaki, ang babagal kumilos! Lalo na 'tong si Jisung. Namili pa ng susuotin, kala mo naman kasama siya sa gagraduate.

At saktong pagkadating nila, nagsimula na yung ceremony. Nasa unahan yung mga gagraduate samantalang kaming mga manonood nasa likod.

Malaki kasi yung auditorium ng school, dito ginanap yung graduation.

Tinawag na yung mga pangalan nila para sa pagakyat sa stage at para maibigay yung deploma nila.

Nakatanggap ng award si Francesca at Changbin oppa.

Inabot ng tatlong oras yung ceremony kaya naman sumakit yung pwet ko sa pagkakaupo.

"waaaa congrats!" nanguna ako sa pagyakap kay Francesca pati kila Keira.

Sumunod naman yung iba at nag group hug kaming lahat. Pagkatapos, lumapit naman ako kila Changbin at Minho oppa para icongrats sila.

"thanks. Bukas ah? Family muna kasi ehe" sabi ni Keira.

"sure! Hala nakakaproud talaga!" sabi ni Althea.

"sunod naman kayo" - Changbin oppa.

May date pa daw si Althea kaya kaming dalawa nalang ni Jeongin. Yung iba naman nagsiuwi na dahil may celebration naman bukas kasama skz.

"tara date" sabi ni Jeongin sa 'kin.

"tara. Kain muna tayo? Gutom na ako eh"

"lagi naman"

"ah ganyan?"

Natawa siya at inakbayan ako, "siyempre joke lang, ako din naman matakaw eh ayaw mo nun? Meant to be tayo"

"ang corny mo, may pinagmanahan ka nga tsk"

Gaya ng naplano, kumain muna kami at kasalukuyang nagiisip kung saan magandang magdate.

Di masyadong sikat ang araw, kung ako ang papipiliin, mas maganda kung sa park kami.

"saan mo gusto?" Jeongin asked.

"sa park sana"

"mmm oo nga noh? Tara bili tayong pagkain"

Kakakain lang?! Jusko po tataba ako dito sa lalaking 'to.

May malapit na convinience store dito kaya di na kami nahirapang bumili ng pagkain.

Konti lang yung pinabili ko kasi busog pa naman ako, ewan ko ba kay Jeongin, balak pa atang bilhin yung buong tinda.

Pumunta kami sa park at di naman sobrang dami ng taong nandon kaya madali kaming nakahanap ng pwest.

Nasa ilalim kami umupo, bumili kasi ng maliit na kumot si Jeongin.

"sana all" sabi ni Jeongin.

Taka akong lumingon sakanya, "huh?"

May tinuro siya kaya naman napatingin ako don. Mga couples na magka holding hands habang naglalakad. May iba na may dalang aso.

"bakit? Gusto mo din?"

"huh? Hindi! I mean, baka kasi isipin mo na minamadali kita" sabi niya.

"ay ayaw mo? Sige ok lang naman. Oo na sana ako eh" sabi ko naman.

Agad siyang lumingon sa akin.

"s-seryoso ka?"

"alam mo, matagal na kitang kilala kaya di ko alam bakit magpapakipot pa ako? I trust you, my heart trust you"

Eeerr ang corny pero totoo naman diba?

"so ano? Tayo na?"

"slow ka ba? Ayoko nang ulitin, nahihiya na ako"

"girlfriend na kita?"

"aish-"

"joke joke gets ko naman! Grabe! Di lang ako makapaniwala"

"di na kita papahirapan psh"

"yes! HAHAHAHAHA" he hugged me.

"i love you" he whispered.

After that, I leaned forward and kissed him on the cheek.

__

OK OK HAPPY BIRTHDAY YANG JEONGIN! I WISH YOU A HAPPY BIRTHDAY AND MBTC I LOVE YOU SO MUCH!

OK OK HAPPY BIRTHDAY YANG JEONGIN! I WISH YOU A HAPPY BIRTHDAY AND MBTC I LOVE YOU SO MUCH!

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
Dream |  양 정인Where stories live. Discover now