10

33 2 0
                                    

Naomi's

Christmas break!

Sobrang boring dito sa bahay kaya naman tumawag ako kay Jeongin na pupunta ako sakanila.

Wala si Althea kasi may date daw.

Tsk.

Konti nalang talaga magiging magkamukha na sila ng jowa niya pwe.

Bumili muna ako ng makakakain naming dalawa. Chips, drinks, at donuts dahil magmomovie marathon kami.

Di ko lang alam kung anong kakainin namin sa dinner dahil di rin ako marunong magluto.

[Jeongina calling...]

"noona, papunta ka na ba?"

"oo, bakit?"

"nakabili na ako ng pagkain kagabi pa. Nakabili ka ba?"

"oo eh"

"sige ok lang para mas marami!"

Natawa ako sakanya. Kaya kami nagkakasundo ni Jeongin eh, parehas kaming matakaw at ng interest.

Pagkarating ko nakaayos na yung pagkain at yung movie na papanoorin namin. May bagong labas na horror movie kaya niyaya ko siyang manood.

"tara! Sabi nila maganda daw 'to eh!"

"sino nagsabi?"

"sina hyung, pinanood nila sa dorm kahapon"

"oh? Bakit di ka na nanood?" I asked.

"alam kong magaaya ka hehehe" he smiled.

Di ko inaakalang magiging close ko siya, bukod sa stray kids, wala na akong ibang kaclose na lalaki sa school.

Casual lang din ako makipag usap kina Chan oppa kaya di ko inaasahan.

Well ok lang, masaya namang kasama si Jeongin, mahilig pang manlibre hehe.

"ay gagi!" sigaw niya nang may biglang bumulagta na tao sa sahig sa palabas.

"duwag"

Umayos siya ng upo, "hindi ah! Nagulat lang ako pero di ako takot- AAAYY PUTA! - sorry! Di ako nagmumura!"

Natawa ako. Halata naman sakanya na natatakot siya, ako rin naman nagugulat din.

"noona ayoko na neto"

"hindi. Tatapusin natin 'to" sabi ko.

At natapos nga namin yung palabas, nagpapacute lang siguro si Jeongin tsk.

"nagutom ako dun ah" sabi niya.

"hoy! Halos ikaw na nga makaubos nung pagkain eh! Wala tayong pang dinner, di ako marunong magluto"

Ang ending, nagpadeliver nalang kami ng pagkain para sa dinner, di pa rin kasi umuuwi si Althea.

"anong masasabi mo kay Jeno?" tanong ko kay Jeongin.

"paanong sabi ba? Bilang boyfriend ni noona? Ok lang naman. Matagal nang kilala ni noona si Jeno hyung eh, tsaka mabait yun at mapagkakatiwalaan"

Pero mas gusto ko pa rin si Hyunjin para kay Althea- aish bakit ba ako nangingialam sa lovelife nila.

"ikaw, wala ka bang balak mag girlfriend?" tanong ko.

Nanlaki yung mata niya. Anong masama sa tanong ko?

"w-wala. Pass, may hinihintay ako"

"oh? Sino?"

"ikaw?"

Teka mali ata ako ng pagkakarinig ah!

"huh?!"

"ikaw kamo, wala kang balak magboyfriend?"

Umiling ako, "ayoko pa. Wala pa nga akong nagiging boyfriend eh kaya di ko alam kung paano yun. Tsaka ayoko pa rin talaga ngayon" sabi ko.

"pero may crush ka na?" he asked.

Crush? Paanong crush ba? Like, humahanga? Iniidolo? Kasi kung oo, madami ako non.

Umiling ako, "wala pa"

Dream |  양 정인Where stories live. Discover now